CHAPTER 10

3 3 0
                                    

Napapangiti na naglibot si Nikko sa bahay nito at tumanaw sa labas.

Kagubatan.

Tahimik syang minamasdan ng mga kasama nya.

Malapit na sya sa may pintuan ng magsalita si Ulysses.

" Huwag mong bubuksan, lalabas ka sa isang puno-"

"Alam ko-" sagot nito. " nakakamangha lamang na dito nyo naisipang magtayo ng bahay Korro, kaya pala walang nakakaalam kung nasaan kayo."

"Mahirap na." sagot nito.

"So, ano ba ang dapat nating pag usapan?" nakaupo na si Adelaida na nakatingin sa kanila. Malambot ang sofa.

Umupo na rin sa sofa si Nikko at tinapik ang katabing espasyo na malayo kay Adelaida.

" Lara, tumabi ka sa akin." utos nito.

Walang reaksyon ang mukha ng dalaga na nakatingin lang. Disgusto naman ang makikita kina Korro at Xero. Nangingiti naman sina Ulysses at Adelaida.

"At bakit mo naman sya inuutusan? " tanong ni Xero.

"Dahil kailangan nyang gawin ang utos ko." nakangiti nitong sagot. Lumabas ang dimples.

Hindi naiintindihan ni Lara ang mararamdaman. Hindi nya alam kung  kinikilig ba sya o kinikilabutan.

" Dito na lang ako." sabay upo ng dalaga sa kaharap din nitong sofa. Pinagitnaan ito nina Korro at Xero. Si Ulysses ang tumabi kay Nikko.

"Lara.?" untag ni Adelaida.

" Ito ang gusto kong sabihin kanina pa kaya lang-"

" Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo na may pito kayong hahanapin at ang isa dun ay makakapareha ni Lara, at ako iyon." sagot ni Nikko.

Nakangiti pa rin ito at diretsong nakatingin sa tinawag nyang asawa.

" Ako din ang dahilan para makasabay kayo sa stage interview kanina para makilala nyo na kami."

" Hindi ikaw, si Lara ang may gawa. Hinipan nya ang  hangin para mapauwi ng maaga si Shasha." nakasimangot na tinuran ni Xero.

" Well, sabihin na nating tinulungan ako ni Lara para dyan. Isa pa alam ko ang ginawa nya dahil iyon ang ibinulong sa akin ng hangin. Deserved nya yun dahil matalas ang dila nya. Wala syang karapatang pagsalitaan ng ganoon ang babaeng mahal ko."

Kinilabutan si Lara sa narinig. Pilit may inaalala.

" Huwag mo syang tawaging mahal. Hindi iyon ang pangalan nya." sabi ni Korro.

" Huwag mong sabihing pipigilan nyo ako?" may banta ang  tinig nito.

" Hindi naman sa ganoon, kaya lang Nikko-"

" Hindi nyo ba talaga ako nakikilala?" putol ni Nikko sa paliwanag ni Ulysses.

Bakas sa mukha ng dalaga ang pagtataka at pagkamangha naman sa mukha ni Adelaida.

"Oh, hindi maaari? Ho- Hobi?" bulalas ni Adelaida.

Namutla silang lahat sa narinig.

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon