CHAPTER 6

3 2 0
                                    

Palakpakan ang mga tao. Parehong mahal ng audience ang nasa stage kaya wala kang maririnig na naaasar na natalo ang isa.

"Miss Lara?" untag ng emcee. Pansin nito na hindi mapakali ang dalaga.

"Yes?"

"Ok lang po ba na makipag brunong braso kayo? I mean-"

"Ok lang." walang gatol nyang sagot.

"Kung sino man ang makakalaban ko, alam kong gentleman sya." sabay kindat.

Namumula ang pisngi na lumapit sa kanya si Nikko. Ang Mr. Dimples ng Beautiful Guys.

Inilahad nito ang kamay. Malapad at may singsing ito na suot.

Dahan-dahan nyang inabot ang kamay nya dito. Nagtama ang kanilang mga mata at sabay na ngumiti. May ibinubulong ang hangin.

Kung sino man ang itinuturo nito ay dapat nyang proteksyunan. Nais nyang makasiguro na kasama nila sa stage kung sino man iyon pero hindi dapat mahalata ng kalaban na nasa audience hall ngayon.

Hinalikan ni Nikko ang kamay nya na nagpagulat sa lahat.

Masarap sa pakiramdam ang ginawa nito sa kanyang kaibuturan. Parang pamilyar.

" Ready Miss Lara? Nikko?" tanong ng emcee.

"Ready." sagot nila.

"Ok, 1!, 2!, 3!"

Magkadaupang palad sila. Magkahawak ang kamay. Nagkatitigan. Si Lara na nakatingin sa mga mata nito na unti-unting nagpapakita ng isang lumang kaharian na winawasak ng hindi nila namalayan.

Napaluha si Lara sa mga nakita, ano at ito ang kanyang napapanood. Malamig ang hangin at sinasabing protektahan ang kaharap na matagal ng hinahanap. Pero hindi lamang iyon ang nais nitong ipabatid. Ang hanging tanging si Lara lang ang nakakapansin ay walang sawang umikot sa likod nito. Sa likod kung saan ang iba pang miyembro ng grupo.

Kitang-kita nya ang mga kalakihan na walang awang pinupuksa ang tirahan ng mga ito. Maririnig din sa hangin ang palahaw ng iba pang kauri nila habang tinutupok ng apoy ang buong kaharian. Ginamit ng mga magulang ng mga kalalakihang engkantado ang buong lakas upang maproteksyunan ang  mga anak. Kasabay nun ang pagkawala ng malay ng mga ito.

Isang malaking bula ang kumuha sa katawan ng mga walang malay na lalake. Hindi na nya maaninag ang lahat dahil nakakaramdam sya ng mainit na hangin. Parang nahihirapan syang huminga.

Mahapdi ang mga mata. Kailangan nya ng malamig na hangin.

Ngunit...

"Lara"? untag ni Nikko habang hawak pa ang kanyang kamay.

Nahimasmasan na sya.

Dahan-dahang pinunasan ni Nikko ang kanyang mga mata gamit ang isa pang kamay. Malamig sa pakiramdam.

Ngumiti ito sa kanya. Lumabas ang dimples.

Dahan-dahang itinumba ni Nikko ang kanyang kamao at nasa ibabaw nito ang kamay ng dalaga.

Hiyawan ang mga tao!

Talo ang Beautiful Guys!

Para sa dalaga, napakabilis ng mga pangyayari. Hindi nya namalayan ang lahat. Tama ang  Lakambini, pito nga ang hahanapin.

Hindi nya namalayan ang lahat. Basta ang alam nya ay yakap yakap na sya ni Nikko. Pinupunasan pa rin nito ang luha nya.

Mabilis naman na lumapit sina Korro at Xero.

Nagtataka sa mga nangyayari.

"Lara?" Kumalas sa pagkakayakap si Nikko.

" Lara?" tawag muli ni Korro.

Nahimasmasan na sya.

"Ang...ang gentleman nya. Hindi talaga ako yung nanalo-"

"Umiyak ka bakit?" si Xero.

"Kasi-"

"Ang gentleman talaga ni Nikko! Akala siguro ni Miss Lara ay masasaktan sya pero look-" nagpalakpakan ang mga tao.
"-yes! hanga ako sa batang ito." pagtatapos ng emcee.

Hindi matanggal ang ngiti ni Nikko kay Lara. Lumalakas naman ang tibok sa puso ng dalaga. Hinawakan sya ni Korro sa balikat at inaalam kung ano ang tunay na dahilan.

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon