CHAPTER 11

2 2 0
                                    

Adelaida's Flashback...

Abala ang buong kaharian. May iaanunsyo ang mahal na hari. Kaliwa't kanan ay mapapansing maraming naglutangang alitaptap na mistulang ilaw sa ere.

Napakaganda ng lahat ng binibini ng King Hobel. Panahon na upang makapamili ng mapapangasawa ang bagong hari.

Mamimili ang hari sa lahat ng mga binibining diwata na matagal nang tinitibok ng puso nya mula ng sya'y prinsipe pa lamang.

Isang malakas na tunog ng trumpeta mula sa hangin ang maririnig. Hudyat ng paglabas ni Prinsipe Hobi. Ngayon ay King Hobi na.

Lahat ng diwata ay kailangang magpakita. Hindi pwedeng may mawawala ni isa.

Isang malakas na palakpakan ang maririnig ng lumabas si King Hobel kasama si Queen Reenad. Nasa gitna nila si King Hobi.

Napakakisig nito. Mararamdaman sa paligid ang kilig ng bawat dalaga. Ibang-iba talaga ang ipinapakita nito. Bukod tanging meron itong dimples na nagpadagdag sa kakisigan nito.

" Narito tayong lahat upang tunghayan kung sino ang magiging kabiyak ng aking anak." sabi ni King Hobel.

" Nais kong suportahan nating lahat kung sino man ang mapalad nitong mapipili ay mamahalin din nya ang buong kaharian at ang mismong hari." sabi naman ni Queen Reenad.

"Anak?"

Lumapit pa sa harapan si King Hobi. Pilit inaaninag kung nasaan ang babaeng nagugustuhan. Hindi nya makita ang dilag na ninanais. Hindi ito nakapila sa unahan o kahit sa hulihan.

Gustong magalit ni Hobi pagkat wala doon ang hinahanap, pinipigil ang  kapangyarihan na ilabas subalit-

" Mahal na Reyna, mahal na Hari, ito na po ang inyong pinag-uutos." boses ng babaeng nagpalingon sa bagong hari.

Nakaluhod ito at nakayuko dala ang isang kasuotan hawak ng dalawang kamay. Kasuotan na gawa ni Nema, isang manghahabi na nakatira sa pusod ng kagubatan. Tanging si Lara lamang ang mabilis na nakakalagpas sa mga patibong na gawa ni Nema pagkat ipinanganak syang may kakaibang taglay.

Ang sabi ng reyna ay bumalik sya bago makapamili si King Hobi ng mapapangasawa upang maisuot ito kaagad ng diwatang napili. Sa palagay nya ay nakarating sya sa oras.

" Para sa'yo yan mahal ko." tinig na narinig ni Lara na nagpaangat ng kanyang ulo sa pagkakayuko.

Inalalayan sya ni King Hobi sa pagkakatayo. Hawak pa rin nya sa mga kamay ang kasuotang gawa ni Nema. May kasama itong palamuti sa buhok at sa katawan.

" King..." hindi nya matuloy ang sasabihin.

Hinalikan sya nito sa labi bilang pagkilala sa napili na bagong reyna.

Adelaida's END OF FLASHBACK...

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon