CHAPTER 15

2 1 0
                                    

Ang umpisa ng kwento ni Ulysses..

Nalaman ng lahat na ligtas na ang
haring si Hobi at ang tanging nakakaalam lang ng kinaroroonan nito ay ang kapangyarihang inutusan ni Lara upang ito ay maligtas. Sina Lakambini at Lara lang ang nakakaalam kung saan tutungo ang bula.

Maingay ang maririnig sa paligid.

Panaghoy.

Kaliwa't kanan ang panganib sa paligid. Nanganganib na din ang kinalalagyan ni Nema, dahil dahan-dahan itong pinupuksa ng alagad ni King Detri.

" Nasaan si Queen Reenad?!" sigaw sa paligid.

" Si Nema!" sigaw ni Winona. Bakas dito ang takot.

Sugatan na sina Korro at Adelaida. Nanghihina na rin ang ibang mandirigma. Hindi pwedeng pabayaan nila ang ibang kasamahan.

Mabilis na ibinalot  ng mga puno ang ibang kasapi ni King Detri, upang hindi kaagad ito makagalaw.

Isinakay ng malapad na dahon sina Xero, Ulysses at Lara upang makarating sa kinaroroonan ni Nema.

Naabutan nilang mauubusan na ito ng hininga. Ngunit pilit na lumalaban gamit ang mga patibong na itinanim nito.

Mabilis na binalot ng makapal na dahon ang bawat mukha ng kalaban. Ang mumunting dahon na nasa lupa naman ay ginawang patalim ni Xero na tumapos sa mga kalaban na nagpapahirap sa matandang engkantada.

Sa tulong ni Lara ay lumamig ang hangin kasabay ng tuloy-tuloy na pag-atake ng ginawang patalim ni Xero at pagbalot sa mukha ng kalaban gamit ang kapangyarihan ni Ulysses.

Hanggang sa nailigtas nito ang kawawang engkantada na lupaypay na. Sa tulong din ni Xero ay nailagay nila si Nema sa malaking bula upang mailigtas.

Hindi pa man tuluyang nakakalayo si Nema ng biglang dumapo sa balikat ni Xero ang agila na alaga ni Korro.

"Kailangan ng tulong ng iba pa. Mauubos ang lahi natin." sabi ng agila ngunit boses ni Korro ang lumabas mula dito. Hirap na hirap na ito sa pagbigkas.

Magkakaibang malapad na dahon ang tinawag ng kapangyarihan ni Ulysses. Para itong may buhay na nagdikit-dikit na parang banig. Sinakay nito ang tatlo pabalik sa kinaroroonan nina Korro.

Kumuha ng maliliit na dahon si Xero upang itapal sa nagdudugong ulo ni Lara. Kailangan nilang makalapit kay Korro dahil si Korro lamang ang makakapaghilom sa sugat ng isang sugatan.

Alam nilang maililigtas na ni Lakambini si Nema kung nasaan man ito ngayon. Ngunit may natitira pang buhay na kailangan din ng tulong ng mandirigma.

Ramdam na nila Xero at Ulysses ang sobrang pagod at takot. Takot  na nakikita nila sa kalagayan ni Lara. Halos nagamit na nito ang buong lakas na nagpapahina sa babae.

Mabilis na nakarating ang tatlo sa kinaroroonan nila Korro at Adelaida. Pilit na ikinukubli ng bahaghari na gawa ni Adelaida ang iba pang engkantado. Nagpaulan naman si Korro upang mawala ang apoy sa paligid ngunit mahina na rin ang dalawa, unti-unting naglaho ang bahaghari at humina ang ulan.

Dahil sa nangyari ay nakita ng kawal ng King Detri ang ilan pang engkantado na nagtatago.

Isang malakas na halakhak ang maririnig sa paligid.

Nakapangingilabot.

" Kung susuwertihin nga naman, ibibigay sa'yo ang hinahanap mo!" sigaw ni Rakkin, isang tapat na mandirigma ni Detri.

" Huwag maawa ka!" sigaw ng mga matatandang engkantado at engkantada. Nasa likod ng mga ito ang pinoproteksyunang anak.

" Masarap sa pandinig ang  mga panaghoy ninyo!" sabi ni Rakkin.

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon