CHAPTER 12

2 1 0
                                    

Korro's FLASHBACK...

Napakaganda ni Lara sa suot na magarbong kasuotang gawa ng matandang engkantadong si Nema. Nasa silid sila ni Adelaida na syang nagbibihis at nagbibigay kulay sa mukha nito.

Bumagay sa dalaga ang palamuti sa ulo at tenga nito kahit ang mga alahas na nakakapit sa kaliwa nitong braso. Kahit si Korro ay hindi nakapagpigil sa paghanga sa kanyang kababata.

" Ang ganda mo Lara." bakas ang paghanga ni Xero. Ramdam ang hindi maintindihang sakit sa diwatang lihim na iniibig.

"Queen Lara, hinihintay na po kayo ni King Hobi." sabi ni Winona na isang lambana.

" Pakisabi na susunod na ako." nang marinig ito ni Winona ay agad ding umalis.

"Tara na?" tanong ni Adelaida.

Isang tango ang isinagot ni Lara at sabay-sabay na umalis ang apat na engkantado.

****

Hindi mapakali si King Hobi sa kahihintay sa mapapangasawa na matagal na nyang minamahal. Matagal na nyang hinahangaan ang dalaga, noong mga bata pa sila. Mas madalas na ito ang kanyang hinihiling sa ama na magbantay sa kanya. Hindi nya masabi ang gusto nya dito dahil ang atensyon ni Lara ay palaging nasa mahal na Reyna at mahal na Hari. Kung hindi man ay sa mga kaibigang Sina Korro, Xero, Ulysses at Adelaida. Ngayon na magiging kabiyak na nya ang diwata, hindi sya papayag na mawawala ito sa kanyang paningin.

" Winona, puntahan mo ulit sila." utos nya muli sa lambana.

" Opo, King Hobi."

" Hindi na kailangan." tinig mula sa makapal na halamanan. Lumabas doon ang magkakaibigan.

" Lara..." hindi makapaniwala si Hobi sa nakikita sa magiging asawa. Napakaganda nito at kahit sino ay mahuhumaling.

" Mahal ko!" isang mabilis na galaw at nasa harap na sya ng dalaga.

Nakatitig sya sa dalaga at walang pakialam na sabik na hinalikan si Lara sa labi. Napapatugon na ang dalaga ng marinig ang boses ni Queen Reenad.

" Hobi! Wag kang magmadali. May seremonyas  pa tayo!"

Korro's END OF FLASHBACK...

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon