CHAPTER 4

4 1 0
                                    

Sari-sari ang itinanong sa kanila. About sa paboritong color, ideal girl, mga posibleng career nila kung hindi sila celebrities.

" Most of our videos ay kung paano mag recycle para mabawasan ang mga basura or paano magagamit pa ang mga damit na hindi na uso." si Korro.

"Kapag may live chat, at biglang may request , as much as possible, sinasagot namin kung ano ang kaya." si Xero.

" Sa lahat ng kinita namin dahil sa video, nakapag adopt a scholar po kami. At least 10 student po na nag-aaral sa public school." si Lara. Nagpalakpakan ang mga tao.

" Maliban sa scholar at iba pang request, may iba pa ba kayong balak sa future na sa tingin nyo makakatulong sa ating kababayan?" tanong ng emcee.

" We are planning na makabili ng lote na pwedeng mapagtayuan ng community lalo na sa mga walang tirahan na nakikita naming naninirahan sa kalye." si Korro.

Marami ang humanga sa sinabi ng binata. Wala iyon sa plano nila pero nasa pangarap iyon ni Korro. Kahanga-hanga.

Isa sa miyembro ng Beautiful Guys ang nagbiro.

" Miss Lara, base po sa mga videos nyo, nagpapatirà po kayo ng mga batang kalye sa bahay nyo. Kung gayon, kung ako po ba magre-request na mag stay sa bahay nyo, papayag po ba kayo?"

Alam nya ang pangalan nito dahil nagpakilala ito kanina. Si Jhopet.

" Oo naman, gusto mo pag-aralin pa kita eh." biro nya.

Nagkatawanan naman at palakpakan. Tuwang-tuwa ang mga audience. Natutuwa sila dahil may sense of humor ito.

" Ako po Miss Lara, makikikain lang." biro naman ni Yohan. Isa rin ito sa may pinakamagandang mukha sa grupo.

" Kakain lang? Pwede ka rin matulog don. Gusto mo tatabihan pa kita." sabay kindat pa nya. Hindi matanggal ang ngiti ng bawat isa.

Tanging si Xero lang ang hindi natutuwa sa mga nakikita.

Kinalabit naman ito ni Korro, halata na masyado.

Gandang-ganda sila kay Lara at mahuhumaling ang mga tumitingin. Ang mga tao nga naman.

***

"Handa na ba kayo sa game natin?" sigaw ng emcee.

Sigawan ang mga tao, bilang pagsang-ayon.

"Well, e-explain ko ang game mechanics. Ang dalawang grupo ay magbubunong-braso. Kapag tatlong beses na natalo ay may parusa ang grupo na tiyak kong magugustuhan nyo!"

"Sige! Sige!" sigaw muli ng audience.

Nagkatinginan ang tatlo at umiling.

Hindi nila alam kung paano makokontrol ang lakas. Sino ba naman ang hindi maawa sa mga ito. Bukod sa matatangkad at gwapo , mga payat ito na tiyak na kawawa kay  Xero at Korro.

"Pwede tayong manalo tutal mga payat sila." bulong ni Lara.

" Baka hindi ako makapagpigil eh." bulong din ni Xero. Nakatitig ito kay Nikko na nakangiti kay Lara at labas ang cute na mga dimples.

"Pare..." sita ni Korro.

"May kasalanan ba sa'yo ang lalakeng iyon?" sabi ni Lara.

" Bata pa yan pare." biro ni Korro.

" Bata? Malaki na yan." sagot naman ni Xero.

" Kahit na. Wala naman sya sayong ginagawa ah. Ang cute nga nya eh." sabay kaway ni Lara kay Nikko. Kumamot naman ng batok ito at namula.

" Bwisit!" bulong ulit ni Xero.

"Xero..." babala ni Korro sa kaibigan.

ANG NAWAWALANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon