Kasalukuyan kaming nasa office at nag uusap ni niko.
"Buti naman at umamin na sya sa ginawa niya" sabi nito.
"Nalaman rin natin ang tunay na nagkasala ngunit nababagabag pa rin ako sa nag-utos nito sakanya" pagtataka ko.
"may nalalaman ka ba sa taong iyon?" tanong ko habang siya ay nagbibigay ng detalye
"wala akong nalalaman, tinanggap ko lamang ang trabaho ng inalok saakin dahil kinakailangan ko rin ng pera. Ang tanging sinabi nya lamang saakin ay patayin ang padre na iyon dahil marami na siyang nalalaman. hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya ay basta inutos nalang saakin na patayin ko ang padre" kanyang sagot.
"Ano ang pangalan ng taong iyon?" Tanong ko.
"Brando ang pagkakaalam ko. Bumubuo siya ng organisasyon para sa pagpatay ng mga taong kinamumuhian niya. Bukod pa roon wala na akong alam sa iba pa niyang detalye.
"Kinamumuhian niya ba ang padre na yun? Sa paanong paraan?"
"Hindi ko alam pero isa lang ako sa sigurado. Marami siyang nalalaman tungkol sakanya"
"ok, nakita mo na ang taong ito?" umling ito bilang sagot na hindi
"hindi ko pa nakikita ang taong ito" sagot nya.
"Paano ko na malalaman ito? Mas lalong lumalalim ang investigation. Nakakapagtaka na. Sino ba si brando? Ni wala nga tayong makitang details sa social media. However, wala ring nakakaalam sa identity ng taong ito"
"Maaaring magaling magtago ng impormasyon ang taong yan." napanoot ito ng noo at napaisip sa kung anong naisip nito "hindi kaya isang mafia ang brando na yan?"
"Tanginang mafia yan" sumbat ko.
"Malay ko ba, malay mo lang diba?" Pagtugon nito. Seryoso ang usapan magbibiro siya ng ganyan, Tangina.
"Hindi ko alam pero kailangan ko malaman kung sino ang taong ito"
makalipas ng ilang oras at nandito pa rin ako sa office, pinag-aaralan ang kaso. alam kong problem solve na ang case ngunit hindi ako matahimik sa brando na ito. napabugtong hininga ako at sumandal saaking inuupuan.
nag-iisip lamang ako nang biglang dumating si niko na may dalang kape at inabot saakin. nagpasalamat ako at kinamusta.
"wala pa rin pagbabago" sagot ko.
"magpahinga ka na muna kaya?" pag-alala nya.
"hindi ako pwedeng mag pahinga, hindi ako mapapakali lalo na't..." pag tigil ko
"maaaring konektado ito kay lorenzo" pagtuloy niya. hinigop ko ang kape na kanyang binigay at patuloy nag-isip.
kinagabihan, nasa labas ako at pauwi na nang biglang may nag text sa aking phone. tinignan ko ito, unknown number. sino naman kaya ito? agad akong nagtungo sa messages at agad akong nagtaka sa kanyang mensahe
"gladly you're here" sabi nito. tinext ko ito pabalik.
"sino ka?" tanong ko.
"i am just your ex-boyfriend, cassy" wait tama ba ako sa aking naisip?
"liam" text ko.
"oww, gladly you remember me. no, namiss mo ba ako kaya ka nag mamanman saakin?" at bigla siyang tumawa. bakit niya nalaman iyon? wala naman kaming ibang pinagsabihan nito, ang tanging nakakaalam lamang nito ay kaming dalawa ni niko. nakatayo pa rin ako sa kinatatayuan ko at pinapakinggan ang kanyang sinasabi "namimiss mo na rin ba ang iyong kasintahan na si... ano nga ba pangalan nya? yung taong gr-"
BINABASA MO ANG
Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED)
RomanceAlam naman natin lahat na ang nakakadiring tao sa mundo ay ang palubi o taong grasa Hindi mawawala ang pang aapi at pag didirian ng ibang tao Nakilala ko si Lorenzo bilang isang pulubi ngunit kung kikilalanin mo ito ng maigi iba sya sa mga taong nak...