Chapter 21

61 5 0
                                    

Kathleen P.O.V

Simula nung malaman kong aalis si cassy papuntang states para dun magpatuloy ng pag-aaral ay lagi ko pa rin itong kinukumusta.

Bukang bibig niya talaga si lorenzo kesyo laging tignan at kumustahin ay sinusunod ko naman ang kanyang bilin.

Isang araw galing ako ng eskwelahan at pauwi nang bahay. Sa gitna ng aking paglalakad ay madadaanan ko dito ang isang shelter ng DSWD papunta sa aking kinaroroonan nang makita kong tinuturaan ni lorenzo ang mga batang galing kalye. Nagulat ako sa aking nakita hindi ako pwedeng mag kamali na si lorenzo ang nakikita ko. Panoot ko lamang siya pinapanood nang tumingin siya banda saakin. Ngumiti ito at kinawayan ako.

Wait? Sino kinakawayan nya? Tumingin ako sa paligid ngunit ako lamang ang tao dito. Nilapitan nya ako ng may ngiti sa kanyang mukha, nang makalapit sya ay si lorenzo nga ang aking nakikita.

"Kumusta?" Pagkumusta nya. Naupo kami sa isang upuan at dito kami nag kwentuhan.

"Isa ka pala sa mga tauhan dito sa DSWD" aking tanong dahilan para ngumiti ito.

"Oo, masaya ako at nakakapag trabaho ako para sa mga bata hindi lang yun kundi natutulungan ko din sila"

Nakakaproud ang sinabi nya na parang kailan lang ay isa itong taong grasa na ngayon ay sya na mismo ang tumutulong para sa ikabubuti ng mga batang kalye.

"Ganun, masaya ako at nakakatulong ka sakanila"

"Salamat" ngumiti ito at inalis ang tingin. Sandali lamang tumahimik ang ere nang makaramdam ito ng sakit sa bandang likod ng ulo nya.

"Are you ok?" Panoot kong tanong ngunit nakahawak parin ito sa ulo nya.

"I-im fine, ok lang ako" sabi nya dahilan para hindi na ako mag alala pa.

"O-ok, ikaw ang bahala" takte, paano ko ba sya tutulungan? Ni hindi ko nga alam kung paano pakalmahin ito ni cassy

"Mas mabuti nang umuwi ka na, mag gagabi na rin delikado na sa daan" ani nya na ikinasanhi kong tumingin sa relo. Mukhang kailangan ko na nga talagang umuwi.

"Maiiwan na kita dito. Mag-iingat ka, Paalam" tumayo ako at nagsimula nang maglakad. Nakauwi ako naman ako ng ligtas at nagpahinga na.

Kinaumagahan nagising ako dahil nag ring ang phone ko. Sinilip ko ito at si cassy ang tumatawag. Sinagot ko ito para kumustahin sya. Binalita ko sakanya na nagta-trabaho pala si lorenzo sa DSWD at alam nya naman ang tungkol doon.

Ilang beses ko siyang nakikita at nakaka-usap. Dahil pinapakumusta ito ni cassy si Lorenzo dahil sa totoo lang ay ilang araw nang hindi tumatawag si cassy para kumustahin sya. Ang totoo talaga niyan ako naging email at messenger nang dalawa, ayos dba?

Isang umaga nang sinilip ko ang phone at naka missed call si cassy saakin. Hindi ko ito nasagot dahilan para ayusin ang mga ipapasa kong requirements and project na kasalukuyang bukas na ang deadline kaya napagpasyahan kong i-mute na muna ang phone at mag focus sa saaking gagawin.

Ilang araw ko rin hindi naka usap si lorenzo dahil tutungtong na ako ng 4th year college. Isang araw ay pumunta ako ng DSWD para kumustahin si lorenzo ngunit nalaman kong matagal na itong hindi nagta-trabaho sa kanila.

"Ano pong dahilan bakit hindi na sya nag ta-trabaho dito?" Tanong ko habang nakapanoot sa loob ng office at kausap ang manager nito.

"May problema sa pag-iisip ang empleyado kong si lorenzo, imbis na nakakatulong siya ay siya mismo ang nagiging problema namin" pag tugon nito.

"A-ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Ngayon lang namin na pagtanto na may medical history sya sa isang hospital kung saan may sakit siyang dementia disorder, sakit ito mula sa likod ng ulo na kung saan ay bigla bigla na lamang itong magwawala"

B-bakit ngayon pa nangyari 'to? Oo alam ko ang tungkol sa kanyang sakit dahil nabanggit narin ito saakin ni cassy ngunit hindi ko alam na hahantong sa ganitong sitwasyon si Lorenzo. Akala ko ok na hindi pa pala.

Pumunta ako sa shop ni miles at nakita kong nandoon din si zyd and yza.

"Kailangan ko ng tulong nyo" sabi ko na halong pag-aalala.

"Ano naman yun?" Tanong ni myles na kasalukuyang nakaupo sa sofa.

"Tulungan nyo akong hanapin si lorenzo"

"Bakit? Nawawala ba sya?"

"Oo at Kailangan ko nang tulong ninyo, hindi na maganda ang sitwasyon nya ngayon. Upang madali ko siyang mahanap ay kailangan ko nang tulong nyo"

"Wait, is there something happen kath?" Bumugtong hininga muna ako bago ipaliwanag sakanila ang dahilan

"May sakit sa ulo si lorenzo at hindi na maganda ang nangyayari sa kanya. Ngayon, kailangan natin sya mahanap dahil nasa state si cassy and we need to find him as soon as possible" napaliwanagan ko naman sila at agad nila akong tinulungan para hanapin sya.

Buong magdamag namin siyang hinanap, ni maski sa bahay at pinagtatambayan nila ay hindi ko sya mahanap. Hiwa-hiwalay kaming naghanap ngunit nabigo kami. Magdidilim na nang mapagpasyahan kong papuntahin na sila sa shop dahil madilim na sa labas.

"Baka bukas mahahanap din natin sya" sabi ni yza na medyo matamlay ang kanyang tinig.

"Magtiwala nalang tayo" tipid ko.

"Sana nga, dahil kung hindi"

"Masasaktan ng husto si cassy" dugtong ni miles.

Umuwi ako sa bahay at napagpasyahan kong tawagin si cassy ngunit laging busy ang kanyang phone. Ilang beses ko syang tinawagan ngunit wala parin.

Sinubukan kong hanapin ang kanyang details ngunit kulang kulang ang mga information na nakita ko. Kinuha ko ang expired files nya sa DSWD at dito ko makikita kung kailan sya natanggap sa trabaho at na fired. Almost 1 week nang wala ito sa shelter at napagpasyahan kong sabihin ito sa police na nawawala si Lorenzo.

Humingi sila ng litrato para ma-recognize nila ang mukha nito. Nakuha ko ito nung nasa bahay kami ni cassy habang naguusap kaming lima at katabi nito ang girlfriend nya kaya mabuti nalang at may naibigay ako sa kanilang litrato.

Ilang buwan ang makalipas ngunit walang lorenzong nahanap. Hanggang sa maka graduate kami at hindi pa rin namin siya nakikita. Nagsawalang bahala na ang missing case dahil isa't kalahating taon nang nawawala si lorenzo. Pumasok ako bilang taga hawak ng papel na katulong nang isang police company dito sa manila.

Investigator sana ang papasukin ko ngunit mas gugustuhin ko pa ang nasa office para asikasuhin ang mga umiikot na detalye sa loob nito.

Hinalungkat ko ang mga missing file na nasa isang cabinet at mabuti na lamang ay nakita ko ito. Ilang weeks kong inasikaso ito hanggang sa may tumawag sa phone ko. Sinilip ko ito at si cassy tumatawag.

Nang malaman kong nandito na siya ay natuwa naman ako dahil nakauwi na ito ng pilipinas. Pinarating ko agad ang balita kay nila miles at natuwa din sila.

Kinabukasan, nasa bahay na kami ni cassy nang malaman niya ang tungkol sa kanyang minamahal na kasintahan. Hindi ko alam pero nasasaktan din ako sa mga nangyayari ngayon.

Nasaan ka ba talaga lorenzo?

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon