Chapter 10

80 6 0
                                    

Nakaupo na kaming lahat sa sala at kasama ko dito si lorenzo. Tahimik lang sya nang nag kukwentuhan kaming lima nang biglang ibinaling ni kathleen ang kwento at ipinunta kay lorenzo

"Sabihin mo nga sa akin cassy, how did you met this guy?" Napanoot ako sa kanyang tanong at sinagot ito. Sa tagal ng araw na kasama ko ito ay mabuti pa rin at naaalala ko pa kung saan at paano ko sya nakilala.

"Before i knew that liam is cheating on me, that night i saw lorenzo's sitting beside me"

"Where then?"

"Near at manila bay, were both sitting on a bench and i was so broken that time so i decided to tell what i felt about between liam and i, when i saw that idiot fucking another girl in the locker" i explained.

"So that's your story of how you met lorenzo ha," etong mga kaibigan ko feeling ko interisado kay lorenzo. Kanina pa kasi nila pinaguusapan ito.

"So kailan pa sya nag-sstay dito?" Tanong ni zydin.

"Last night lang" sagot ko.

"Do you have a feeling to lorenzo?" Tanong naman ni miles na siyang kinagulat at kinamula ko ng aking mukha. Ano bang tanong yan? Masyado nang bulgar ha.

"Uhm.. ah.." pag-utal ko. Paano ko ba sasabihin na may gusto nga ako sa kanya? Katabi ko lang siya at tinitignan lang ako nito. Huyy, nakakahiya.

"Bakit namumula ka sis? Ibig sabihin ba meron?" Tanong nya na talaga nahihiya na ako. Shet, gusto kong umalis.

"E-excuse me" tumayo ako sa pagkakaupo para pumunta ng restroom. Irerelax ko lang muna sarili ko binubulgar nyo ang tinatago ko eh.

Akala ko makaka-alis na ako nang maramdaman kong hinawakan ni lorenzo ang kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Nang ipunta ko sa kanya ang tingin ay tumayo ito at hinawakan ang magkabilaang pisnge ko.

Wh-what are you doing? It's so embarrassing. Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata at nakatingin din ito sa akin.

"Ok ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong nya na may halong pag-aalala. Ok lang naman ako i just can't respond since he was too close, I can't speak and i can't even move my mouth to speak. You're just too close lorenzo.

"A-ah.... " aking pag-utal at hindi na ako makapagsalita pa.

"Ohmy...." banggit ni kath na makikita sa kanila ang gulat. Sino bang hindi magugulat sa ginawa nya? Eh sa pinakita nito para tuloy akong may kasintahan.

Dahan dahan siyang napanoot nang tanungin ulit ako nito.

"Ok ka lang ba? Hindi ka makapagsalita, may sakit ka ba?" Tanong niya ulit na may pag-aalala. Don't shudder Cassy! Please don't, baka mahalata nya. Pinipigil ko ang sarili ko na hindi kiligin nang bigla nyang ilapit ang mukha nito sa akin at hinalikan ang aking noo.

"Shettttt!!!" Gulat ni miles.

Damn! Pa'no na ito? Mawawalan na ako ng malay. Nag iinit na ako. Matagal nakalapat ang kanyang labi sa aking noo at nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal mula sa halik niyang ito.

Dahil sa mga pinapakita niya ay mas lalo akong nahuhulog dito. Tinanggal niya ang pagkakahalik sa akin at pinabalik sa aking living room at pinaupo sa sofa.

"Pagtitimpla kita ng kape, maupo ka na lang muna rito, babalik ako" tulala ako nang pinaupo sa sofa. Umalis siya sa harapan namin at nagtungo na sa kusina para ipagtimpla ako ng kape.

"G-girl, ano yun?" Tanong ni miles. Dahan dahan akong humarap sa kanila at makikita sa kanyang mukhang nakapanoot habang ang iba naman ay napalaki nang mata dahil sa serbisyo ni lorenzo sa akin.

"Hi....hindi ko rin alam" para akong nangalansay sa kanyang ginawa niya. Para akong nahibang sa kanyang halik, hindi ko maramdaman ang lapag, para ba akong lumulutang. Siya pa lamang ang unang lalaking ang nagpadama sa'kin ng ganito. Ang saya pala sa feeling, hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na ito.

Ilang minuto ang nakalipas at bumalik si lorenzo sa sala na may hawak hawak na isang basong kape at ibinigay sa akin.

"S-salamat" aking pasa-salamat at nagbigay ng aking ngiti sa kanya, dahil sa hiya ay agad kong inalis ang pagtingin at humigop sa kape na kanyang ihinanda. Dahan dahan siyang naupo sa aking tabi at bumalik sa dating gawi, hindi ito nagsalita at pinapakinggan lang kami magkwentuhan.

Ilang oras ang nakalipas at napagpasyahan na nilang umuwi, kaya nagpaalam na ito saamin habang nililigpit ni lorenzo ang pinaginuman namin ng kape.

Nang maka-alis na sila ay agad ko na siyang tinulungan sa pagligpit ng aming kalat sa lamea kaso tumanggi ito at sya na lamang ang gagawa.

"Ako na ang bahala dito. Mag pahinga ka nalang dahil may pasok ka pa bukas" pag tugon nito at nagtungo sa kusina para hugasan ang mga pinggan at baso.

"Sigurado ka?" Tumango lang ito bilang sagot na oo.

"Kayang kaya ko ito madali lang naman gawin 'to. Pumasok ka nasa kwarto mo at magpahinga" binigyan nya ako ng magarang ngiti at umalis sa harap ko. Ilang segundo nang ito ay nagtungo sa kusina at ako naman ay natunganga sa kanyang sinabi at napanoot na lamang ako.

Dahan dahan akong nagtungo sa kanya at tinanong kung para saan yung halik sa noo kanina.

"Uhmm.. matanong kita. Bakit mo nga pala ginawa yun?"

"Ang alin?" ulit niyang tanong habnag naghuhugas.

"Yung halik sa noo. S-sorry hindi ko napigilan tanung~"

"Dahil yun ang ginagawa ko sa kapatid ko kapag masama ang pakiramdam nya" tumigil siya sa paghuhugas at ipinaliwanag ang dahilan.

"S-sorry" parang tinamaan na naman kami ng kalungkutan dahil nabanggit na naman nya ang kapatid nito.

Pinunasan nito ang kamay nya at lumapit saakin. Hinawakan niya ulit ang ang mag kabilaang pisnge ko at hinalikan ulit ako sa noo. W-wait? Bakit na naman nya ginawa ito? Anong dahilan? Nagmai-alis niya ang pagkakahalik na iyon ay niyakap naman ako nito.

"Pwede ba kung maaari, hayaan mo akong gawin ang mga ito katulad na aking ginawa sa mahal kong kapatid?" kanyang tanong at kalmadong boses. Hindi ako pinilit nito ngunit pumayag ako sa kanyang hiling at niyakap siya pabalik.

"Pumapayag ako" naramdaman ko sakanya ang ngiti kaya masaya ako para sakanya.

"Maraming salamat"

Matapos ang gabi at nagpahinga na kami. Hindi ko alam pero hibang na ako sa kanya at gusto kong mabago ang kanyang kagustuhan sa mundo. Kinuha ko ang notepad ko at isunulat dito ang mga nangyari ngayong araw. Habang sinusulat ko ang mga mensahe na aking binabatid ay hindi ko maiwasan na mapangiti at kiligin.

Hindi ko alam kung anong tama na ginawa niya sa akin. Hindi sya alak pero napakalakas ng tama nya para saakin.

Hindi ako makapaniwala naibago ko ang kanyang anyo. From an uninspirational, filthy and vagrant beggar turns into a good looking guy. Hindi narin masama at proud din ako dahil pakonti-konti ko siyang nababago.

Pero may bumabagabag pa rin sa akin at kinakatukan dahil sa kanyang sakit. Ano kaya pwedeng gawin nito sa kanya? Ayokong mag-isip ng negatibo dahil nakikita ko sa dedikasyon na hindi hadlang ang kanyang sakit para ito'y bumaba bagkos inaangat ang sarili.

Ngunit, kahit kailan ay pwede siyang mawala sa sarili at magwala na lang katulad na lamang ang nangyari sa kanya noon. Siguro naman kung hindi niya alalahin ang kanyang nakaraan ay baka ito ay magpuloy sa magulong mundo na ito at umayos ang kanyang sakit na mayroon siya.

Baka matakot na naman ito at ayokong nangyayari sa kanya ang ganoong bagay.

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon