Hindi ko namalayang nakatulog ako dahil sa pagod at iyak. Nagising ako sa sofa at katabing natutulog si Lorenzo.
What a weird ha. Naramdaman ko nalang na yakap yakap ako nito patalikod nang mahawakan ko ang kanyang kamay na nasa aking beywang.
What!??? Is this for real!!?? Is Lorenzo hugging me backward!? Oh my god! W-wait. This moment killin me. Let me calm first. I took a deep breath and slowly began to face him while he was sleeping calmly.
Nang makaharap na ako sakanya hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti at titigan siyang natutulog. He's really good looking tho. Nakatitig lang ako sa kanya nang ibuksan nya ang kanyang mga mata. Shett, bakit ngayon pa? Napalaki nalang ako ng mata at hindi ko na alam kung anong gagawin dahil natataranta na ako.
"Uh...ahmm.."
"Good morning" sabi nya na may pagkamalalim ang boses ngunit matamis.
"G-g-g...good morning" umakma akong tatayo sana ng hilain ako nito pahiga sakanya at niyakap. Ngayon, nakahiga na ako sa kanyang dibdib. Shet, bakit ka ba ganyan Lorenzo?
"Dumito ka muna saakin kahit sandali lamang" mahigpit ang kanyang yakap at gustong gusto ko ang yakap niyang nakapulupot saakin. Niyakap ko sya pabalik at sumuksok sa kanyang dibdib. Hindi ko alam pero daig pa namin ang mag asawa kung magyakapan kami dito. Ang saya ko, sobrang saya dahil feeling ko iba ang trato niya saakin ngunit hindi ako sigurado kung ang ibig sabihin ng yakap nya ay tulad sa kanyang kapatid.
Naiiyak ako. Sana mahalin naman din niya ako katulad ng pagmamahal na aking ibinibigay.
"Bakit ka umiiyak? May problema ba?" Tanong niya habang nakasuksok parin ako sakanyang dibdib. Umiling ako bilang sagot na hindi. Ayoko magsalita baka mas lalo pa nyang mahalata na umiiyak ako. Pero mukhang nabigo ako.
"Patingin nga ako kay cassy" pakidagdag ang iyong Pahayag sa dulo ng "ko" Salamat.
Itinaas nya ang ulo ko at nakita nya akong lumuha, nag pout lips sya at hinalikan ako sa aking noo. Oo, gustong gusto ko talaga pag hinahalikan niya ako dahil dito nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal kahit hindi ito nakalaan para saakin kundi para sa kanyang kapatid.
Nang ilayo niya ang kanyang labi ay umakmang itinayo ang kanyang katawan para punasan ang luha ko. Nakahiga parin kami sa sofa at konti nalang ay parang papatong na sya saakin.
Ang dumi ng aking utak, possible na ikaw rin.
"Wag ka na umiyak" nagbigay siya ng ngiti habang pinupunasan ang luha na nasa aking mukha. Para akong bata kung punasan ko ito.
"Ang hilig mo kasi akong paiyakin eh" pagsisi ko sakanya kahit na umiiyak nalang agad ako dito.
"Pasensya na" kanyang sagot at sinabayan ng tawa.
"Ok lang" at nagpunas ulit ng luha ko. Habang pinupunasan ang mukha ko ay naramdaman kong hinawakan nya ang pisnge ko at hinimas ito.
Nakatingin lang ako sa kanyang mga mapupungay na mata at nakatingin lang din ako sakanya. Mata sa mata kaming nagkatitigan nang ilapit niya ang kanyang mukha at halikan ako sa aking bibig.
W-wait? D-d-d.. did he do that!? Napalaki ako ng mata sa kanyang ginawa. Ugh, ang lambot ng kanyang labi. Wala na akong nagawa para ilayo siya sa kanyang pagkakahalik kundi ipinikit ko na lamang ang aking mata habang pinapakinggan ang puso nyang tumitibok.
Nang ialis niya ang kanyang halik, muli at tiningnan ako sa aking mata, noo sa noo kaming nagkatitigan at hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari saaming dalawa. Hinawakan niya ang aking beywang at hinila palapit sa kanya.
Wala akong ibang nagawa kundi mapalunok nalang sa kanyag ginawa, bago ko sya titigan sa kanyang mga mata ay tumingin muna ako sa kanyang labi.
"I love you" mahinang bigkas ko. Hindi pa rin ako sigurado sa magiging sagot niya ngunit hindi ko mapigilang ilabas ang nararamdaman ko sa pangawalang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED)
RomanceAlam naman natin lahat na ang nakakadiring tao sa mundo ay ang palubi o taong grasa Hindi mawawala ang pang aapi at pag didirian ng ibang tao Nakilala ko si Lorenzo bilang isang pulubi ngunit kung kikilalanin mo ito ng maigi iba sya sa mga taong nak...