Chapter 7

82 4 0
                                    

Nasa isang daan ako. Naglalakad. Dereretsyo lamang. Sumasakit ulo ko, hindi ko na kaya

Wala kang kwenta!

Isa kayong hangal!!

Teka ano 'to? Lagi ko nalang naririnig ang mga salitang ito. Napaluhod ako sa sakit at hinahawakan ko ng madiin ang likod ng ulo ko. Mabilis ang paghinga ko dito at lalong lumalala ang sakit na nararamdaman ko.

Kuyaaaa

Maghihintay ako

Naibabalik ko ang mga nangyari sa akin noon. Namatay ang kapatid dahil sa mga taong ito. Napakalupit nyo. Dapat sa inyo kayo ang mamatay at hindi ang kapatid ko. Teka bakit ba ganito!? hindi ako makahinga.

Sa buong buhay ko namuhay ako nang may galit sa puso. Hindi mawawala sa isang taon na ako'y tinatamaan ng kabaliwan hindi ko alam kung anong rason baka dala narin siguro ng pagkamuhi sa mundo.

Nagagalit ako bakit ba kailangan mabuhay ang mga taong ito? Naglalakad lang ako nang makakita ako ng isang bote at agad na binasag sa kung saan maraming taong natakot o nataranta dahil sa ginawa ko, hindi lang yun ang ginawa kundi nagbato rin ako ng bato.

Hangal!! Mga wala kayong kwenta! Mamatay na kayo!

Sigaw ng damdamin ko hanggang may isang taong lumapit sa akin ngunit hindi ko ito kilala. Teka sino ba sya? Anong ginagawa nya!? Umalis ka!

Hinampas ko sya sa braso at itinulak ng malakas. Nang magawa ko iyon ay agad akong nagising dahil kanyang expression. Sandali? Kilala ko ang boses na yun.

Nakita ko ang kanyang mukha, ito yung babaeng nakakasama ko sa tuwing tatambay ako sa tabi dalampasigan, nasaktan ko siya! hindi maaari, anong ginawa ko!?

Hindi ako maka kilos dahil sa ginawa ko. Para akong nanigas sa pwesto at hindi makagalaw nang biglang may sumuntok sa akin.

Hindi, hindi, hindi. Nilapitan ako nung babae ngunit natakot ako dahil sa pwedeng may mangyari pang kasunod. Tumakbo ako na parang takot na takot na baka hindi lang sapak ang matatamo ko.

"Lorenzo!!!" Sigaw nya ngunit hindi ko na sya pinansin pa dahil takot na takot na ako sa kung ano pa pwede nilang gawin. Hindi na maaari.

Kinagabihan pumunta ako sa lugar ni joseph para magpahinga nang biglang tanungin ako nito.

"Oh? Bakit parang pagod na pagod ka?" Panoot nyang tanong

"May nasaktan ako" aking sagot.

"Nanaman? Bakit mo ginawa yun mapapahamak ka jan sa ginagawa mo eh"

"Hindi ko alam bigla nalang sya lumabas at hindi ko na kinaya"

"May problema ka na sa pag iisip iho, baka sa susunod na mangyari ulit yan mas malala na ang mangyayari sayo"

"Sana nga hindi na mangyari" masakit ang nangyayari saakin lalo na't walang kasiguraduhan kung ano pang pwede kong gawin sa sarili ko o sa ibang tao.

"Hayss napakahirap ng buhay" kanyang dismaya.

Cassy Allustro

Ilang araw ang lumipas simula na mangyari ang trahedya. Tatlong araw ko nang hindi nakikita si lorenzo at talagang nag-aalala na ako sa kanya.

Nasa isang cafe shop ako para marelax ang aking sarili, syempre hindi mawawala ang isang libro na puno ng batas o Republic Act/Bill of Right of the Philippines na lagi kong hawak at inaaral.

Ngunit hindi talaga mawala sa isipan ko si lorenzo. Nasaan na ba sya? Pinag-aalala nya ako. Ilang minuto ko tinunganga ang libro nang may umupo sa harapan ko.

"Hey" sabi nito at nagbigay ng magandang ngiti. This asshole, nagawa pa niyang ngumiti pagkatapos niyang saktan si lorenzo.

"Why have a long face?" Panoot nyang tanong at tinignan lang ako.

"Kung hindi ka aalis sa harapan ko baka mapipilitan kong ibuhos ang kapeng nasa tabi ko" ani kong nanggigigil pa sa kanya.

"Ow, easy easy. I'm not here to fight, nandito ako para makipagkaibigan"

"Kaibigan mo mukha mo! Nasusuka ako sa pagmumukha mo!" Inis kong sagot.

"Bat ba napaka-init ng ulo mo?" Panoot niyang tanong na tila ba'y hindi niya mawari ang aking ugali.

"Dahil sinaktan mo si lorenzo!" Nanggagalaiti talaga ako dito sa lalaking ito. Bakit hindi na lang siya umalis?

"Yung pulubi na yun? Eh salot lang naman sya sa lipunan" Oh wow!? This time ay isinagad na niya ang pasensya ko dahil sa sinabi nya kay lorenzo. Tuluyan ko na siyang binuhusan ng kape at makikita mo sa kanyang expression ang gulat nito.

"What the fuck!" Sigaw nya kaya nakuha nya ang attention nang mga tao sa loob ng cafe. Tumayo ako sa pag kakaupo dahil mukhang papalag pa ito.

"Fuck you! the next time I see your damn face i will never hesitate to kill you" napatingin lang ito sa akin at umalis na.

Ok lang naman siguro sa kanya na mapahiya, ikomfort nalang sya ng mga tukmol nyang kaibigan na kasama nya sa loob ng cafe.

Nasa labas na ako nito at naglalakad pauwi saaking tahanan nang higitin nya ako sa kamay ko para iharap sakanya.

"Pasensya na sa mg~"

"Hindi kita mapapatawad sa mga sinabi mo patungkol kay lorenzo kesyo salot sa lipunan? Ulol! Para sabihin ko sayo ikaw ang mas salot sa lipunan kaysa sa kanya"

"Bakit napaka protective mo dun sa pulubi?"

"Wala kang alam sa buhay na meron sya. Kaya tigil tigilan mo magpakalat ng ahas"

"What? What do you mean!?"
"Tanga! Isa kang hangal!" Lumakad ako papalayo sakanya nang makarinig na naman ako ng hindi maganda sakanya.

"Dapat lang sakanya yun!!" Sigaw nya. Hindi ba talaga sya mananahimik!? Nakakainis na ha. Binato ko mukha niya ang makapal na libro ko at mas pabor sa akin dahil natamaan naman siya.

"Arayyy!!!" Hinawakan nya ang kanyang mukha at lumapit naman ako para sipain sya ng malakas sa kanyang harap kaya naman natumba na ito ng tuluyan. Lumapit ang mga kaibigan nya at tinulungan sya.

"Bro, bro, ayos ka lang?"

“Tangina, deserve mo ata yan” sabi ng kanyang mga kaibigan.

Samantalang ako ay pinulot ko na ang libro at umalis na sa kanilang harapan. Hindi nya na ako sinundan pa kaya tuloy tuloy lang ang lakad ko.

Malapit na ako sa kinaroroonan ng pinagtatambayan ko nang makita ko si lorenzo na nag hahalungkat sa basurahan. Laking tuwa naman ako ng makita ko sya kaya nilapitan ko ito agad at nagpakilala muli.

"Lorenzo ako ito si cassy wag ka matakot" sabi ko na nakaharap sakanya. tahimik lang syang nakatayo at buti naman hindi sya tumakbo papalayo ngunit hindi rin nagtagal ay lumuha ito.

"Bakit ka umiiyak? Huy, sabihin mo sa akin bakit ka umiiyak?" Paulit na tanong ko pero hindi sya sumagot. Malapit nang magdilim nang mapag pasyahan namin tumabay sa pwesto namin at nakakain na rin sya. Pinagmamasdan ko ang paligid nang tanungin ko sya.

"Ano nga pala nangyari sayo bakit bigla ka nalang nagwala?" Tanong ko.

"Hindi ko alam" sagot nya. Oo nga pala ngayon ko lang naalala na mabilis siyang makalimot. Hindi ko alam kung may problema ba sya pag iisip at kailangan nyang magpatingin sa doctor?

Pero sa paanong paraan? Kung pinag didiriin sya ng mga tao.

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon