Chapter 17

66 6 0
                                    

Warning SPG/R-18 Scene.

Matapos kaming gumala sa labas ay napagpasyahan naming umuwi ng tahanan.

Nang makarating kami rito ay agad kami na-upo sa couch at nagpapahinga. Habang ako ay naka-upo ay naaalala ko ang mga sinabi niya nung kami ay nasa tambayan at pinapanood ang dalampasigan.

"Do you think we will still be able to at the end?" Tanong ko.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Kanyang tanong.

"Ahm. Ahh.. G-gusto kita makasama hanggang dulo, hanggang sa pagtanda natin. Gusto ko ikaw lang ang gusto kong makasama!" pag-amin ko sakanya ngunit ngumiti lamang ito at hinawakan ang aking kamay habang pinagmamasdan ang karagatan.

"Mahal kita at gusto kong makasama ka sa pagtanda" nakatingin lang ako sa sakanya habang isinasalita niya ang mga ito. Tumingin siya sa akin at humarap para hawakan ang aking mukha. "Pangako. Ikaw lang hanggang dulo" dagdag nya dahilan para yakapin ito ng mahigpit. Hindi ko na kailangan ng mahabang paliwanag sapat na saakin marinig ang gusto kong salita mula sakanya. Muli nya akong hinalikan sa noo at pinagmasdan ang karagatan.

Kinaumagahan, nag handa ako para sa pagpasok ko. Lumabas ako ng kwarto at niyaya ako nitong kumain. Nang matapos ako dito ay hinalikan ako at umalis ng bahay. Para kaming mag asawa kung titignan dahil napaka-caring nya saakin. Wag nga lang lalabas ng bahay dahil sa dalawang beses ko na siyang natsyempuhang may kausap na inang babae.

Monday ngayon at talagang napaka hard saakin ang araw na ito. Projects, assignments at may mga ibang requirements na kailangan i-rush para sa pasahan ngayong araw. Nako naman masyado yata kami naging chill ng mga groupmates ko.

Sinurprise quiz pa kami ni ma'am. Ocampo ngayon. Ano? Agad agad? Sandali 5 mins review. Nang matapos ang pagsusulit ay sa awa naman ng panginoon ay may naisagot ako.

Tiba tiba ako ngayong araw. Sakit ng ulo at pagod ang nararamdaman ko ngayon. Umuwi ako ng bahay na walang kaene-enerhiya.

"Nakauwi na ako" nalalantang pag tugon ko at matamlay. Umupo ako sa sofa para ipahinga sandali ang katawan ko nang dumating si Lorenzo.

"Oh? Pagod na pagod ka yata" tanong niya at umupo sa tabi ko. Bumuntong-hiniga muna ako bago magsalita.

"Marami kasi kaming ginawa kanina hehe" pabiro kong banggit.

"Ganun, ipagtitimpla kita ng tsaa gusto mo?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Yes please, thank you" umalis siya sa tabi ko at inasikaso na ang pagtimpla ng aking tsaa. Buti nalang nandito siya para alagaan ako, dapat ako ang nag-aalaga sa kanya eh pero mukhang baliktad.

Naghihintay lang ako sakanya matapos nang ilabas ko ang phone ko para ilibang ang aking sarili. Chini-check ko lang ang mga latest news nang makabalik si lorenzo at ibinigay saakin ang tsaa. Agad akong humigop nang naka sandal pa ako dito.

"Hmm. Ang sarap" sabi ko na makikita pa dito ang expression ko.

"Nalaman ko lang yan isa sa mga magazine mo"

"Hmm.. not bad" at humigop muli ako. Ilang segundo nang maibaba ko ang baso sa lamesa at sumandal ulit.

Mata sa mata kami nagkatitigan at hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ko alam pero sya ang charger ko sa tuwing mauubusan ako ng battery percent. Sya ang lakas ko para makabangon ulit. Ilang sandali lamang ay bigla itong nagsalita.

"Nag apply ako as social worker sa DSWD" pag tugon nya dahilan para mapanoot ako.

"Social Worker? You mean taking care of vulnerable groups like orphans, abandoned children and so whatever?" Aking Paglilinaw.

Im In Love With A Homeless Guy: Where's Lorenzo? (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon