Chapter 5

1.3K 14 0
                                        


Christine

Naaasar ako sa mga nangyayari. Bukod sa pag-epal ni Cein, hindi pa ko nakakakuha ng Advertiser. Mag-iisang linggo na simula nung Ad Party at walang magandang nangyayari. Kapag tinamaan ka nga naman ng malas.

Nandito ako ngayon sa condo ko. Ayaw ko munang umuwi sa Zule Villa dahil paniguradong magyayaya yung mga yun na mag-club. Marami pa kong kailangan gawin at kahit gusto kong sumama sa kanila, hindi pwede.

Nagsuot lang ako ng faded jeans at tank top. Naglagay na rin ako ng light make-up. Hindi ko naman kailangan ng masyadong kolorete sa mukha dahil fair ang skin complexion ko which is my asset.

Papunta ako ngayon sa isang Advertising Company na nire-commend ni Shine. Buti nalang talaga at maaasahan sila. Nagdala lang ako ng sling bag which have my phone, wallet and car keys. Alas onse pa naman kaya hindi ako male-late para sa lunch meeting.

Binilisan ko na ang pagkilos. Pagbaba ko sa ground floor ay sumakay na ako sa kotse ko. Siguro it will just take 30 minutes to get there. Matawagan nga muna si Shine. Hinanap ko yung number niya sa phone ko at pinindot ko ang call. Hindi naman siguro ako mababangga nito.

Nakailang ring na pero di parin sinasagot ni Shine. Ano bang ginagawa niya ngayon? Wala ba yun sa Villa? Dinial ko ulit yung number nya at buti naman sinagot na niya. Yung sa panglimang ring nga lang. Kaasar!

"O-oh! Tin.. Na-napatawag ka!", bungad niya sa kabilang linya.

"Ano bang ginagawa mo at ang tagal mong sagutin?! Kailangan ko pa ulit i-dial yung number mo dahil nagsalita na yung pesteng operator mo!"

"Ah ano.. ah.. may ginawa pa ko. Oo, may ginawa pa nga ako! Bakit ba naman kasi bigla ka nalang tumatawag?", paliwanag niya. Maniwala ako!

"Ano namang ginawa mo, aber? Pumasok ka ba ngayon?", tanong ko

"Hindi! May.. may pinuntahan lang ako."

"Tss.. Siguro kasama mo ngayon yung lalaki mo no? Lagot ka sakin pag-uwi ko sa Villa.", Pasaway talaga! Gumagawa na naman ng kalokohan.

"Ewan ko sa'yo! Bakit ka ba kasi talaga tumawag?"

"Itatanong ko lang kung na-inform mo na ba yung sinasabi mong advertiser na pupuntahan ko siya ngayon?"

"Oo. Sinabi ko na rin na you'll work together."

"Agad-agad? Mamaya hindi naman magaling yan!"

"Magaling yon! Kaya nga buti nalang nauna na ko sa pagsabi. Maki-cooperate ka nalang, okay? Wag mo kong ipahiya!", turan niya. At siya pa talaga may ganang sabihin yan sakin, ah!

"Oo na. Sige na.", pagsang-ayon ko nalang.

"Pwede ko na bang ibaba? I have something important to do!"

"Psh! Oo na! Lagi ka namang may ginagawa! Mamaya you're doing..", pabitin ko

"Ewan! Bye na!", sigaw niya at pinutol na ang linya.

KANINA pa ako dito sa loob ng office ni Mr. Alfonso, siya yung CEO nitong Gion Advertising Company.

Nakapag-usap kami sandali kanina pero nagpaalam siyang aalis sandali dahil may kasama daw kami sa meeting. Nakakainis! Pinaghintay talaga ako! Kung alam ko lang na ganito, sana tanghali na ko pumunta!

Narinig ko na yung pag-click ng door galing sa labas kaya umayos na ko ng upo. Sino ba kasi tong importanteng taong 'to at kailangan pa kong paghintayin?

Pumasok si Mr. Alfonso at nag-expect akong may papasok pang pangalawa dahil nga may isa pa kaming ka-meeting pero nasara niya na't lahat yung pinto, wala namang sumunod sa kanya. Pinaglololoko ba ko nito?

Absolute PleasureWhere stories live. Discover now