Christine
"Tin,are you going with us?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Lizzy pala na ngayon ay nakasilip sa pintuan ko. Magsho-shopping daw kasi sila ngayon. Sunday bonding with the other girls.
"Hindi eh. May gagawin ako ngayon. Maybe tonight nalang. Text mo nalang ako kung saan kayo magdi-dinner.", sagot ko sakanya at tinuloy ang pag-aayos ng gamit sa loob ng bag ko.
"Okay.Just make sure that you'll have time tonight.",maawtoridad na sabi niya at tsaka isinara ang pinto. Natawa nalang ako sa kanya. Nandito kaming lahat sa Villa kaya naman nakapag-plan na mag-mall. Kakatapos lang din kasi ng photoshoot the other day kaya talagang puno ang schedule naming lahat last week, hindi na kami nakakapag-bonding. Pagkatapos kong ilagay lahat ng kailangan ko sa bag ay bumaba na rin ako. Nakita ko pa yung ibang girls na nakaupo sa sofa. Bakit 'di pa umaalis 'tong mga 'to?
"San ka pupunta,Tin?",tanong ni Sue. "I have some business to do this afternoon kaya mamayang gabi pa ko makakasama sa inyo."
"Business ba talaga yan?",sabi ni Shine habang nakatingin sa'kin ng nakakaloko. Tinawanan ko lang siya. Pasaway talaga. "Tss. Tinatawanan mo nalang ako ngayon ah.",sabi niya pa.
"Reeree! I'll really kill you kapag naabutan kita!", rinig naming sigaw galing sa taas. Maya-maya may lumabas ng kwarto ni Dawn at tumatakbo. Si Valeree. Kasunod na lumabas niya ay si Dawn na tumatakbo rin. "Oy dahan dahan! Mahulog kayo sa hagdanan!",sigaw ni Joo na kakalabas lang galing sa kusina.
Anong meron sa dalawang 'to? "Wala akong alam diyan! Promise!",sabi ni Valeree habang tumatakbo pa'rin. "Give it back to me!",sigaw naman ni Dawn. Naupo naman ako sa sofa. "Pasaway talaga si Reeree. Kinukulit na naman si Dawn.",sabi ni Yana na katabi ko.
"Ano ba yang ginagawa niyo? Kanina pa kami dito naghihintay tapos naghahabulan lang pala kayo? Tama na yan at umalis na tayo!",sabi ni Lizzy. Excited na 'yan mag-shopping kaya ganyan.
Natapilok si Valeree kaya na-off balance siya. Buti nalang wala na sila sa hagdanan. Mabilis rin siyang nakabawi pero nahabol na siya ni Dawn. Nagsiksikan sila sa one seater sofa.
"Akin na! May tatawagan pa ko!",sabi ni Dawn atinilahad ang kamay. Tinitigan lang siya ni Valeree at tsaka umiling. "I'll call G——",hindi niya na natuloy yung sasabihin dahil inunahan na siya ni Valeree. "Nasa akin yung phone mo kaya 'di mo siya matatawagan."
"So nasa'yo nga. Psh. Sige, Pupuntahan ko nalang siya. Dun parin naman ata siya nakatira, diba?",sabi ni Dawn at tumayo na. Pinigilan naman siya ni Valeree at inilabas sa bulsa yung phone ni Dawn. "Eto na!",sabi niya ng nakasimangot. Naglakad na siya palabas pagkatapos. Sumunod na rin si Dawn at yung ibang girls.
"Anong ganap sa dalawang 'yun?",tanong ni Yana. "Ewan ko. Si Valeree lang namanang laging nangungulit kay Dawn eh.",sagot ko naman. Naramdaman ko namang nag-vibrate yung phone ko. Pagkatapos kong tignan kung sino yung tumatawag ay sinagot ko na. "Yes, Gaia.",sabi ko at tumayo na rin.
"Nasaan ka na? I'm on my way to your office." Natawa naman ako sa kanya. "Hindi ka naman excited ah."
"Hindi naman. So nasaan ka na nga?",tanong ulit niya. "Eto pasakay palang ng kotse.",sabi ko habang nakangiti. Maiinis 'to for sure.
"Ano? Diba sabi ko lunch time?"
"Eh bakit ba? Lunch time palang naman ngayon ah!".Napatingin naman ako kay Lizzy na sumigaw. "San ka pupunta?!", alis na alis na siguro 'to. Nakita ko naman si Valeree na nakatingin sa phone niya. "Sorry, may nag-message kasi sa'kin eh. And I really need to go there. Susunod ako, promise.",sabi niya at pumasok na sa kotse niya.
"Sino 'yun?",biglang may nagsalita sa kabilang linya. Oo nga pala. Kausap ko pa 'tong si Gaia. "Sino 'yung ano?"
"May narinig kasi akong sumigaw Ano bang nangyayari diyan sa inyo at ang tagal mo pang umalis?"
"Haha! Wala yun. Si Lizzy lang 'yun. Tinatanong si Valeree kung saan pupunta."
"Ah...",tanging sagot niya. Okay.. May nasabi ba kong mali. "Sige na. Ibababa ko na 'to. Papunta na ko diyan.",sabi ko nalang dahil natahimik siya
PAGKAPASOK ko sa opisina ko ay may prenteng nakaupo sa couch. Psh. Kala niya naman kinagwapo niya yan. Tumayo si Gaia at tumingin sa relo niya. "Alam mo ba na mahigit kalahating oras na 'kong naghihintay dito?"
"Pake ko?",sabi ko at tumawa ng mahina. Dumiretso ako sa lamesa ko. "Tss.. Halika.",sabi niya at hinawakan ang pulsuhan ko. "San naman tayo pupunta?"
"Ginutom mo ko sa kakahintay sa'yo kaya samahan mo kong kumain. Diyan lang sa malapit na mall. May alam akong kainan. Unli rice pa.",Sabi niya at ngumiti. "Ang takaw ah."
Ewan pero ang gaan ng loob ko kay Gaia. I know I shouldn't be like this. As a bussinesswoman, letting your guard down means you already lost. But I don't know, he's like a guy bestfriend I never had. And maybe because he's working in a fabric company, I feel relieved kasi hindi siya possible competitor.
Nung nakapasok na kami sa elevator ay binitawan niya na ko. Para naman kasing mawawala ako. Pagdating namin sa ground floor ay ginayak niya ko sa kotse niya. Yung kanya na daw ang gamitin para daw 'di hassle. Mabilis lang naman kaming nakarating sa mall. Dumiretso agad kami sa escalator. Parang alam na alam niya na yung pasikot-sikot sa mall. Madalas ba siya dito?
"Alam mo ba yung pupuntahan natin?",tanong ko habang sinasabayan siya. "Oo naman. Lagi akong nandito. Dito ako kumakain in the past 5 years."
"Hindi ka kumakain sa bahay niyo?"
"Kumakain naman. Pero may specific reason ako kung bakit ako laging kumakain dito.",sabi niya habang nakangiti. Magsasalita pa sana ako nang huminto siya. "Nandito na tayo.",sabi niya
Tumingin naman ako sa tinitignan niya. Mang Inasal. Natawa naman ako. Akala ko nung una dadalhin niya 'ko sa isang fine dining restaurant katulad ng ibang lalaki pero hindi pala. Sa isang fast food chain niya 'ko dinala. Iba talaga 'tong lalaking 'to.
"Halika na.",sabi niya at pumasok na.
Pagdating namin sa counter ay nag-order na siya. Tinanong niya pa 'ko kung anong gusto ko pero sabi ko siya na bahala. First time ko lang sa ganito at siya lagi naman kaya siya na ang bahala sa pagkain. Pagkatapos niya mag-order at mabigyan ng number ay naghanap na kami ng mauupuan. Maraming tao ngayon mostly families dahil nga Sunday ngayon. Buti nalang comfy clothes ang suot ko. Skinny jeans paired with crop top at simpleng flat shoes. Kumuha siya ng utensils. Dito kasi self service.
Nung dumating na yung order ay nagsimula na kaming kumain. Nagulat ako nung nagkamay siya kaya naman nakatingin lang ako habang kumakain siya. Nahalata niya siguro kaya napatingin siya sa'kin. "Bakit?"
Ngumiti lang ako at umiling. Kumain na rin ako. "Try mo rin magkamay. Masarap kumain kapag nagkakamay. Tapos lagyan mo nitong chicken oil para mas masarap"
Linapag ko yung spoon and fork at tsaka pumunta sa malapit na faucet. Siyempre kailangan kong maghugas ng kamay. "Akala ko iniwan mo na ko nung sinabi kong magkamay ka.",sabi ni Gaia pagbalik ko kaya naman natawa ako. "Hindi naman ako ganun kababaw para layasan ka no.",sabi ko at nagsimula na ulit kumain.
Nung una naghe-hesitate pa kong magkamay pero okay naman pala. Pero tinatawanan niya ko kasi hindi daw ako marunong. Siyempre first time ko lang na gawin to.
The whole time na kumakain kami ay nangungulit lang siya. Masaya rin naman kausap si Gaia kaya hindi ako nababagot. Nakakaloka lang dahil naka-ilang extra rice siya. Ako hindi na dahil hindi naman ako ganun kalakas kumain. Pagkatapos naming kumain ay naghugas na ulit kami ng kamay with soap. Grabe, nabusog talaga ako. It's really a first for me.
"Nabusog ka ba?",tanong niya pagkalabas namin sa Mang Inasal. "Oo naman. Ikaw hindi na kita kailangang tanungin dahil sa nakita ko kanina, I'm sure nabusog ka.",sabi ko at tinawanan siya.
Ngumiti naman siya at tumingin na sa harap kung saan kami papunta. Pero nawala rin yung ngiti niya at nahinto sa paglalakad. Out of curiosity ay napatingin din ako sa tinitignan niya.
And there, I saw Valeree and Cien. Walking hand in hand.