Chapter 3

1.1K 13 0
                                    

"HEY gorgeous.", bulong niya sa tenga ko. Walang hiya. Pati ba naman dito? Hinarap ko siya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Nandito ka rin pala, Cein?", I asked na parang hindi ako nakapaniwala.

Ngumiti naman siya at sumingkit ang mata. He looks tipsy. "Why? Am I not supposed to be in this kind of party?"

"Hindi naman sa ganun. Ang alam ko kasi mas gusto mo mag-clubbing rather than attending an Advertising Party.", I said then shoved his arms off me. "Excuse me.", I added and headed to the washroom.

Nakakaloka talaga ang lalaking yun! Sigurado akong naghahanap lang ng malalandi yun eh. Pagpasok ko sa loob ng washroom ay tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin. Dapat magkaroon ako ng magandang plano. Hindi pwedeng malamangan lang ako ni Cein. Kahit kailan epal talaga siya.

May pumasok na dalawang babae at dahil nga nasa tapat lang ako ng salamin ay rinig na rinig ko yung usapan nila.

"I heard may girlfriend na daw si Cein?",tanong nung isa.

Linabas ko yung loose face powder ko at nag-retouch nalang.

"Hay naku. Ano bang bago dun?",sagot nung isa.

Tama naman siya. Ano nga bang bago dun. Laging papalit palit ng girlfriend. Ginawa na atang parang pagpapalit lang ng brief niya. Teka, bakit ba ko nag-i-eavesdrop? Makalabas na nga.

"He's planning on marrying the girl na daw! Seryoso na ata siya."

That's the last thing I heard bago ako lumabas ng washroom. Mabuti naman at may nakapag-tiyaga sa kanyang babae. Good for him.

Bumalik ako sa table na nilapitan ko kanina. Buti naman at wala na siya. May waiter na lumapit at naglagay ng cocktail drink sa table ko. Nginitian ko lang siya. Wala ako sa mood maki-acquaint ngayon. Nakakatamad.

"Ms. Buenaventura, right?",biglang may nagtanong sa gilid ko.

Liningon ko naman kung sino yung nagsalita. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil hindi ko siya kilala. Pero infairness, ang gwapo.

"Ah.. Oo nga pala, Gaia Neptune Conovan.", pagpapakilala niya.

Wait. What? Gaia Conovan? Is he..

"Are you Valeree's ex-boyfriend?",tanong ko. Hindi ako sure kung siya nga yun. We just know his name but not his face. Ngumiti muna siya bago sabihing,"Oo."

Umupo siya sa tabi ko. So he's the anonymous boyfriend of the great Valeree. Wala kasi talaga kaming idea kung anong itsura niya. Hindi siya masyadong nakwento ni Reeree dati so name lang niya ang alam namin.

"So what brings you here? Are you with someone?", tanong niya at tumingin pa sa likod ko. Akala niya siguro kasama ko si Reeree.

"I came here for a friend. Busy ang ibang girls sa kani-kanilang scheds kaya ako ang um-attend. I'm alone.", I said after sipping my drink.

Tumahimik naman siya pagkasabi ko nun. Nararamdaman kong may gusto siyang itanong. Hinayaan ko lang siya dahil hindi ako yung tipo ng taong nauunang mag-approach sa iba.

Pero bigla niya kong hinarap."Can you stay still?",sabi niya "Huh?", anong trip nito?

"Sandali lang..",sabi niya at linapit ang mukha niya sakin. Teka, nahulog na ba to sa kagandahan ko kaya ganito?

Hindi nalang din ako gumalaw katulad ng sinabi niya. Kahit nakakailang yung sobrang lapit ng mukha niya. Kung titingnan sa malayo para kaming naghahalikan. Maya-maya din at lumayo na siya sakin.

"Thank you.", sabi niya at tumingin sa likod ko. Napatingin rin ako out of curiosity. "Bakit?",tanong ko out of the blue.

"There is this obssessed girl. Kailangan ko siyang pagtaguan dahil hindi na naman niya ko tatantanan.",sabi niya. Natawa naman ako."Ang gwapo mo ah."

"Wala eh. Ganun talaga.",sabi niya naman at ngumiti.Mukha naman siyang mabait so I wonder kung bakit sila naghiwalay ni Reeree.

Biglang may humawak sa braso ko at hinila ako patayo. Muntik na kong ma-off balance dahil sa paghila niya sakin. Tinignan ko ng masama kung sino yun at lintik talaga! Ano bang problema ng lalaking to?

"Cein, ano ba? Bitawan mo ko!",sigaw ko sa kanya.

"Dude, nasasaktan yung babae. Bitawan mo na.",sabi ni Gaia kay Cein.

"Wag kang pakialamero! Girlfriend ko yung nilalandi mo!", sigaw niya kay Gaia at hinila ako palabas ng Party Hall. Anong sabi niya? Girlfriend? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to!

Hinihila ko yung kamay ko pero ang higpit talaga ng hawak niya.

"Cein, let me go! I'm telling you! Hindi ko nagugustuhan tong ginagawa mo!", sigaw ko

Gosh! We're causing commotion here in the hotel's lobby. Hinarap niya naman ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso. Ano bang problema niya?

"Hindi na rin ako natutuwa sa mga ginagawa mo.", he said emphasizing every word he's saying. Napatitig lang ako sa kanya. Nakakaasar! Gusto ko siyang sagutin pero nakakaeskandalo na! Hinila niya ulit ako at dumiretso kami sa elevator. Pininindot niya ang top floor.

"Hoy lalaki! Ano bang pinaplano mo sakin? Kailangan ko pang makipag-usap sa mga advertiser! Kung isa na naman to sa mga pakulo mo para umepal sa mga gagawin ko, sige na. Naka-epal ka na, kaya bitawan mo na ko!",sabi ko

"I won't let you go this time.", sabi niya at hinila ako palabas ng elevator. Binuksan niya ang pinto na mismong nasa tapat namin at hinila na naman ako papasok.

"I'll do whatever it takes to get you Tin..",he said while starting to unbutton his coat.

Absolute PleasureWhere stories live. Discover now