Christine
Ngayon ang official launching ng Buens x Aren Smartphones kaya naman ay nandito kami sa isang Conference Hall na pagmamay-ari nila Yana. Isa rin kasing artista si Yana at magulang niya pala ang nagmamay-ari ng stasyong humahawak kay Courtney Anderson, ang Teen Star na endorser na kinuha ng Gion.
Nakakaloka kasi hindi ko talaga siya kilala. Si Yana lang yata ang kilala kong local celebrity. Para daw sa kaligtasan ng isa sa pinakamamahal nilang artista ay ang agency na mismo ang kumuha ng lugar na sinang-ayunan naman ng Gion Ad.
Mag-a-alas sais na ng gabi kaya naman marami nang tao dito sa loob ng hall. Naka-set up narin ang mga camera ng mga media outlets. Nagulat ako kanina pagdating ko kasi nakaayos na silang lahat. Pati ang mga writers na ifi-feature ang produkto namin sa kanya kanyang magazines nila. Ready na ang lahat actually. Siguro magsisimula na'rin maya maya.
Naka silip ako mula sa dressing room sa backstage para makita ang press ng biglang may kumulbit sa'kin. Pagtingin ko ay si Cein lang pala. May segment kasi na i-interview-hin kaming dalawa kaya kahit ayaw ko siyang kasama ay nandito rin sya.
"Problema mo?", tanong ko. Natawa naman siya. "Ito naman. Nakasimangot ka agad. Sige ka, papangit ang rehistro mo sa mga camera nila.", sabi niya sabay turo sa mga cameramen. Tss. "Alam mo kahit pa sumimangot ako, maganda parin ako.", sabi ko at naglakad ulit papasok sa dressing room. Sumunod naman siya.
Ngayon ko lang naaninagan ang itsura nya. Infairness, bagay sa kanya ang suot niyang navy blue tux. Ganun rin ang kulay ng suot ko, but I just chose a simple halter top tiered gown. Naupo naman ako sa couch pero yung makulit ay tumabi naman sa'kin. "Kinakabahan ka ba?", tanong niya sa'kin
"Nope. Why?"
"Ang tahimik mo kasi. 'Wag kang mag-alala. Sa kagwapuhan ko sila lahat magfo-focus mamaya.", sabi niya sabay kindat. Biset. Akala mo talaga concern siya pero kayabangan niya parin talaga ang pinapairal. Tsk.
"Alam mo, ewan ko sa'yo. Kahit kelan hindi ka matinong kausap.", sabi ko at inirapan siya. Pero tinitigan niya lang ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay. So ano? Staring contest?
"Ano?"
"You look beautiful.", Biset na naman. Kanina lang ang kulit niya tapos ito. Bakit ba siya ganyan? Ang landi niya, nakakaasar. Maya-maya ay nangiti naman siya. "You're blushing.", sabi niya. Ugh, really? Oh my gosh! That can't be. Napahawak naman ako sa pisngi ko at naramdaman ko ang pag-init nito. Wait. Kinikilig ba 'ko?
Hinawakan niya naman ang pisngi ko. "You know Tin, I've been dying to do this since I saw you earlier."
"Wha---'', Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi damn! Hinalikan niya na 'ko! Linayo ko siya sa'kin pero hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay sa batok niya. Gosh! Paano kapag may biglang pumasok dito?!
I don't know what happened, really. It's like my defences are all going down when it comes to him. He savoured my lips as if it's the sweetest thing that he ever tasted. I responded the same intensity he is giving. Gosh, his kisses tastes like vanilla and peppermint. Oh, how I love this flavours.
I know I don't like his guts but why is it that in just one kiss, here I am responding to him. I don't know how long we are kissing when we are stopped by a sudden knock on the door. Dali-dali naman akong humiwalay sa kanya. Kaloka! Why do I feel so hot?
Tumayo si Cein at pinagbuksan ng pinto kung sino man ang pangahas na kumatok.
"Mr. Alfon, standby na po kayo ni Ms. Buenaventura. Nasa stage na po kasi ang Smart Designers. Pagkatapos po ng open forum nila ay kayo naman po ang i-interview-hin ng media.", sabi ng isang staff. Ang Smart Designers ay ang team na binuo naming para sa design at specs ng Buens x Aren Smartphones. Dini-discuss na siguro nila ngayon ang advantage sa product naming.
"Sige, we'll be there in a few minutes.", sabi ni Cein at isinara na ang pinto. Pagkaharap niya sa'kin ay nagkatinginan kami. Okay, bakit parang.. ang awkward? Nakita kong parang namula siya at napakamot sa batok. 'Wag niyang sabihin na ngayo pa siya nahiya?!
NANDITO na kami ni Cein sa stage habang nakaupo sa isang sofa. Habang yung MC naman ay nasa naka-angle na one-seater sofa. Marami nang mga feedback ang press about sa BxC kaya naman confident ko ring nasasagot ang mga tanong nila.
It's my first time na makasali sa isang press con. Dati kasi ay designers at endorsers lang ang kaharap ng media. At dahil nga sa pakulo ng Gion Ad., ay nakasama kami sa presscon.
"Okay. That one in the third row. Hi there!", tawag ng MC sa isang Feature Writer na nagtaas ng kamay. "Hi Ms. Buenaventura and Mr. Alfon. I'm Joe Garcia from La Lola Magazine and we all know already that this launching is a success. So I want to ask something from the two of you that I know everyone wants to hear, too.",sabi niya.
Wait. Ang alam ko na-warning-an ang mga staffs na sabihin sa press na about sa products lang ang dapat itanong. Hindi pwede ang mga tanong about sa personal life namin. Napatingin naman ako sa MC na mukhang natuwa pa. So, okay lang?
"Nakakaintriga 'yan ah. Kung hindi naman harmful 'yan ay siguro pwedeng itanong sa ating beloved COOs here.", sabi ng MC kay Mr. Joe. Napatingin naman ako kay Cein na nakangiting nakatingin lang sa nagtanong. Nakakaasar. Hindi niya ba alam na hindi magandang image ang binibigay sa'kin ng media? They even called us brat packs.
"We all know that your companies are rivals. But these past few days, as what the netizens has seen, it seems like the two of you are close. What's the truth behind this?", tanong ni Mr. Joe Garcia.
Oh-kay. So anong gusto nilang palabasin? Magsasalita na sana ako nang nauna si Cein. "Alam niyo, pinapalabas lang ng media na magkaaway ang companies namin but we're really good friends. And ofcourse, I'm specially close with Ms. Buenaventura.", sabi niya. Bigla naming may nagbulungan.
Tinignan ko naman ng masama si Cein. Pati dito? Dadalhin niya yung pagiging malandi niya? Nginitian niya lang ako na parang wala lang. Kainis.
"Many are saying that the two of you look good together and there are rumours that you two really have something going on. What can you say about this?", singit naman nung isa sa press.
At talagang pagdating sa tsismis ay ang bibilis nila ah. Ugh. Damn this Alfon! "Well, there's really nothing going on between us. We are just friends. We are---", Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumingit na siya.
"Many people are really saying that we look good together. And maybe nothing is going on between us. ", pagkasabi niya no'n ay tinignan niya ako. "But let's not close our doors for it. We don't really know what will happen in the future, do we?", at pagkatapos no'n ay sunod sunod na flash ng camera na ang narinig ko. Shit! This shouldn't be happening! We will surely be the talk of the town after this.
***
Sorry it took me so long. :( And I think this is a bit lame. :(
But don't worry! Next update on the way! :)
Twitter: @Kyrosssss
