HABANG sumasabay ang katawan ng dalawa sa indayog ng romantikong kanta ay walang nangahas na magsalita o pumutol manlang sa sandaling iyon. Para bang sapat nang nasa bisig sila ng isa't isa. Hindi na nila mapagkakaila sa mga sarili nila na may atraksyon na namumuo sa pagitan nilang dalawa.
Ang banayad na pag-ugoy nila sa isa't isa ay tila ba nakakaginhawa sa kalooban. Why does this feels so right?, tanong ni Tin sa sarili. Marahil ay pareho nilang hindi naiintindihang dalawa ang noo'y papausbong na damdamin sa bawat isa. Nagsimula ang lahat sa isang salu-salo na dinaluhan nila kasama ang mga sikat na electronics company ng bansa.
***
Kalaliman na ng gabi ngunit ang mga tao sa loob ng conference hall ng isang prestihiyosong hotel ay tila ngayon palang nabigyan ng buhay. Mga business related ang mga taong nandirito ngunit parang lumabas ang tunay na mga kulay ng mga ito. Isa kasing sikat na DJ ang namamahala ngayon sa mga pinatutugtog at animo'y naging night club na ang conference hall dito.
Sa isang maliit na lamesa ay nakaupo si Tin at minamasahe ang kanyang sentido. Hindi maipagkakaila na tinamaan na siya ng mga inumin. Hindi naman niya matanggihan ang mga nag-aalok sa kanya ng mga ito kanina dahil kailangan niyang mapalapit sa mga ito. Sabi nga nila Get you friends close and your enemies closer. Lahat ng taong nandirito ay itinuturing niyang kalaban. Kapag nagtiwala ka agad, talo ka na.
May lumapit sa kanyang isang pamilyar na lalaki. Inaninang niya ang mukha nito sa kabila ng nakakahilong paggalaw ng iba't ibang kulay ng ilaw sa loob ng hall. "Hi Christine.", sabi nito ng may ngiti sa labi na nakapagpadagdag sa kakisigan nito.
Sinuklian niya rin ito ng matamis na ngiti. Ito ang lalaking napakilala sa kanya bago magsimula ang party. Successful rin ang kompanya nito at isa sa mahigpit na kalaban niya. Niyaya siya nitong magsayaw sa saliw ng nakakaindak na musika at dinala siya sa gitna ng mga taong parang walang pakialam sa mundo. Hindi alam ni Tin na bawat indayog niya ay nakapagpapasidhi sa paghanga sa kanya ng lalaki.
Lumapit ito sa kanya at hinapit siya sa bewang. "Do you remember me?", bulong sa kanya nito. Tinitigan naman niya ito sa mukha at sinabing, "Yeah, the guy earlier. You're Mr. Alfon."
Pinakatitigan siya nito at muling nagsalita, "So that's what you only remember." Nagtaka naman si Tin sa sinabi nito kaya taking tinignan niya ito. "But I'll make sure you won't forget me this time.", dugtong nito at walang anu-ano'y siniil siya ng halik.
NAGISING si Tin sa pakiramdam na parang may pumupukpok sa ulo niya. Ugh! Damn this hangover!, sa isip isip niya at hinilot ang sentido. Maya maya ay naisipan niya nang tumayo ngunit ngayon niya lang napagtanto na may dalawang brasong tila nakalingkis sa kanya. Pagtingin niya sa may-ari nito ay napamura nalang siya sa ng mahina. Inalala niya ang nangyari kagabi. How did we end up in this bed? Damn this Alfon! Inilibot niya ang paningin sa buong kwarto. Vintage ang pagkakadisenyo dito. Nasaan ako?
Kahit na masakit ang ulo ay pinilit niyang kumilos at tanggalin ang mga braso nito sa kanya at nag-ingat na hindi ito magising. Nang makawala na siya rito ay dali-dali siyang tumayo at pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Pumasok siya sa banyo at nagmamadaling isinuot ang mga ito. Gusto niya ng makaalis sa lugar na ito at makalayo sa mayabang na lalaki na mahimbing na natutulog sa kama.
Naalala niya na naman ang kayabangan nito ng ipinakilala sa kanya kagabi. Halatang nagmamalaki ito samantalang mas matagal na ang pamilya niya sa industriyang ito. Nang matapos na siya ay dali-dali siyang lumabas at ipinagpasalamat na tulog pa rin ito. Tuluyan na siyang lumabas at napagtantong nandoon parin sila sa hotel na pinagdausan ng party kagabi.
Christine
Nandito ako sa Gion ngayon. Salamat naman at okay na ang boxes. Next week na ang launching at availability nito sa market. Nakakuha na rin ng mag-e-endorso rito na sikat na Teen Star. Hindi ko kilala dahil hindi naman ako palanuod ng telebisyon pero sabi nila na mahal daw ng masa ang teen star na iyon kaya siguro naman ay maganda ang kahihinatnan.
"Congratulations to the both of you! Nararamdaman ko na ang success ng project na ito.", sabi ni Mr. Alfonso sa aming dalawa. Napairap nalang ako sa utak ko. Naiinis talaga ako sa isang 'to. Ang bait kasi ng facade pero tuso rin pala.
"Ofcourse. What can you expect with the both of us. I just hope this isn't our last project together.", sabi ni Cein at tumingin sa'kin. Hmp! Neknek niya! Wala ng susunod! Inirapan ko nga.
"You know Ms. Buenaventura and Mr. Alfon, you look good together.", sabi ni Mr. Alfonso sa aming dalawa. What? Kami? Yuck ha.
"I hear that a lot Sir. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nadadala si Tin ng charms ko eh.", sabi naman ni Cein. Epal talaga 'to. Tinignan ko nga ng masama.
"Really? You know Ms. Buenaventura, if I were you. I would be falling head over heels with Mr. Alfon. Hindi ko na siya pakakawalan.", sabi nito at tumawa. Pinagtitripan ba ko ng dalawang 'to?
"Edi kayo ho. 'Wag niyo siyang pakawalan tutal kayo naman ang may gusto sa kanya.", tumawa lang si Mr. Alfonso. Kala siguro nagbibiro ako. Tinignan naman ako ni Cein at halatang natatawa rin siya. Pinagtitripan nga ako.
"O siya. May meeting pa ako in 15 minutes. Sayang at hindi ko na kayo ma-a-accommodate pa ng mas matagal.", sabi nito at tumayo na. Tumayo na rin ako. Madami pa kong tambak na papeles sa office at kailangan ko rin saikasuhin ang mga iyon.
"I'll go ahead Sir. May gagawin rin ako sa office.", sabi ko dito at matipid na ngumiti. "Oh alright. Again, congratulations.", sabi nito at nakipagkamay. Tinanggap ko naman ito at pagkatapos ay lumabas na ako.
I checked my phone kung may nag-message ba about sa kompanya pero wala naman. Nagtext lang si Yunnie at sinabing sa Villa ako umuwi. Sabay-sabay daw kaming magkakaibigan na mag-dinner. Napangiti naman ako. Pero bigla din nabura 'yon nang may umakbay sa'kin.
"Sino 'yang ka-text mo ah. May pangiti-ngiti ka pang nalalaman.",sabi ni Cein at itinaas baba ang dalawa niyang kilay. Kahit na gwapo siya at alam ko namang nagpapa-cute ay naiinis pa rin ako sa kanya.
"Pakialam mo ba? Tsk.", sabi ko at tinanggal ang pagkakaakbay niya sa'kin. "Siyempre may pakialam ako sa future wife ko.", sabi niya ng makapasok kami sa elevator. Napalingon ako sa kanya. Ang kapal ah! Dati girlfriend ngayon naman, wife?!
"Alam mo, ang feeler mo. Talo mo pa ang Cattleya Notes sa pagiging feeler mo."
"Believe me, Tin. We'll end up together.", sabi nito at tsaka kumindat. "So sino nga ang katext mo, my future wife?"
"Peste ka! Wala ka na do'n! Tsaka tigil tigilan mo nga ako. Makakatikim ka talaga sa'kin!", singhal ko at inirapan siya. Ba't ganto kakapal mukha ng isang 'to. Siguro pinaglihi 'to sa aspalto.
"Parang gusto ko 'yan. Ano bang matitikman ko?", tanong niya at nginitian naman ako ng nakakaloko. Nakakaloka ba't ganito siya? Hinampas ko nga ng bag ko. "Manahimik ka na nga! Isa pa talaga!", sigaw ko at tsaka ko siya tinignan ng masama. Bakit ba kasi parang ang bagal ng elevator?
Tinawanan niya lang ako. "You know, babe. You look hot when you're angry.", sabi nito at kumindat. Napaawang nalang ang bibig ko sa mga sinasabi niya. Hahampasin ko na sana ulit siya nang lumabas siya ng elevator. "Oh, 'wag ka nang kiligin diyan.", sabi niya at naglakad na paalis. Ugh. Epal talaga!
