Christine
"Dawn, bilisan mo naman. Mamaya ma-late tayo sa meeting!",sigaw ni Reeree mula dito sa baba.
Nandito kaming lahat sa Villa at papaalis na dapat kami. Kaso ang tagal bumaba ni Dawn. Hindi ko alam kung ano pa bang ginagawa niya.
Maya-maya rin ay lumabas na siya with her shades on. Walang salita siyang bumaba. "Halika na.",sabi sakin ni Lizzy at sabay na kaming lumabas ng Villa.
Naunang lumabas ng garahe si Sue. Ano ba to. Para namang may parada kami. Kailangan kasi naming pumunta sa isang magazine company. Isasama kami sa feature list with other bussiness tycoons. Sigurado kukunin na naman kami for the cover.
"ANO ba! Tumigil na nga kayo.",rinig kong sabi ni Sue kay Shine at Lizzy.Ang kulit kasi ng dalawa. Tawa sila ng tawa sa isang magazine na hawak nila. Hindi ko alam kung bakit.
Nasa Reception Area kami. Hindi pa daw kasi kumpleto lahat kaya dito daw muna kami. Ang ganda talaga ng building na to, reception area palang ang gara na. Parang nasa isang mansion living room.
Tumayo ako at lumayo sa kanila. Lalabas lang ako saglit para bumili ng frappe sa katabing coffee shop. Bago ako lumabas ng building ay nakita ko si Prime. Teka? Bakit siya nandito?
"Tin!",bulalas niya ng makita ako. "Hey.. What brought you here?",tanong ko "Uhm.. for a bussiness magazine issue.",sabi niya. Ibig sabihin kasali siya? So hindi lang pala kaming girls? "Talaga? Kinuha ka rin?"
"Yup. Alam ko meron pa ring iba eh. This is one of the biggest issue of the Magazine kaya halos lahat in-invite nila. I thinks it's their 25th Anniversary. One of the highlights daw dito yung Unica Ihja ng Villarama.",sabi niya
Kaya naman pala ang tagal pa magsimula ng meeting dahil ang dami pang hinihintay. "Sige. Mauna na ko. May kailangan pa kong kausapin.",sabi niya at ngumiti
Nginitian ko rin siya and waved goodbye. Paglabas ko ng building ay may babaeng tumatakbo papalapit sa'kin. I thought she saw me pero hindi pala kaya nabangga niya ko.
We swiftly regained our balance kaya naman hindi kami tuluyang natumba. Pasalamat siya at di ako imbiyerna ngayon. Kundi baka tuluyan na siya natumba.
Napatingin siya sa'kin. Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi dahil sa nai-intimidate ako kundi dahil may kakaibang aura sa kanya.
"Sorry..",she said emotionless and then swiftly left. Hindi ako nakapagsalita. She's really something. I think she's one of the photographers. She have dSLR hung in her neck. But she's too young to be one.
Tinuloy ko nalang ang paglalakad at dumiretso sa coffee shop. Wala masyadong tao kaya madali akong nakapunta sa counter. Habang hinihintay ko yung order ko ay napalingon ako sa narinig kong tawanan. Hindi ako tsismosa pero dahil pamilyar sakin yung tawa ay napalingon ako.
And there. I saw Reeree sitting in the couch with Cein and take note, all smiles. Tss.. They do know each other? "One Frappucino for Christine.",I immediately erased my thoughts about them and turned to the counter.
I smiled to the waiter and said,"Thank you.." Pagkatapos kong makuha yung order ko ay lumabas na ko.
"WHY are you so quiet?",tanong ko sa katabi ko,si Dawn. Napatingin naman siya sa'kin at sinabing,"Nothing."
"Based on your actions, I think it's not nothing. So spill the beans..",sabi ko at hinarap siya. Nandito na kami ngayon sa malaking studio. Getting ready for the shoot. Kami ang nauna dito, since kami ang unang ni-meet ng photographer. Masyado kasing pa-importante yung iba.