Christine
Linggo ngayon kaya hayahay ang buhay ko. Pina-clear ko sa secretary ko lahat ng appointments ko kahit iilan lang. I just want to have this day without anything from my office dahil di kinakaya ng utak ko ang stress.
Na-postpone yung supposed to be meeting ko with Mr. Alfonso dahil di pa raw tapos yung imprinting ng boxes. Hindi na ko nagreklamo, okay na rin yun atleast hindi ko makikita yung pagmumukha ni Cein.
"Guys, may itatanong ako sa inyo.",sabi bigla ni Shine. Nandito kami sa sala ng Villa. Himala nga at kumpleto kami. Pero mamaya ay aalis rin sila Joo at Sue. May mga date ata. Psh. Porket may mga boylet ngayon. Napatingin naman kami sa kanya. "Ano ba yun?", tanong ni Sue.
Magsasalita na sana siya nung sumingit si Yunnie. "Ang tagal ah." Sinamaan naman niya ng tingin. "Eto na nga. Ang epal niyo kasi.", sabi niya at umirap. "Last time diba nakita niyo si Princess sa office ko?"
Nagulat naman ako sa katabi kong si Dawn at Reeree. Medyo nakasalampak kasi sila sa sofa tapos biglang umayos ng upo. Tsk. "Nagtatanong kasi kung pwede siyang mag-stay sa bahay ko. Basta yung walang makakagulo sa kanya. At sa hindi malalaman ng parents niya."
"Oh, eh bakit kami ang tinatanong mo? Sa bahay mo pala gusto mag-stay?",tanong ko "Hindi kasi sya pwede dun dahil hindi ko mababantayan. Di rin naman pwede sa condo ko dahil makikita sya ni Alexander. Siyempre ang siste, sasabihin niya sa kuya ni Princess kung nasaan s'ya nag-s-stay."
"So ang ibig mong sabihin?",tanong ni Reeree. Kaloka 'tong dalawa sa tabi ko, matamang nakikinig. "Kung pwede bang dito nalang mag-stay si Princess? Handa naman daw s'ya kung may rental fees though sinabi kong okay lang kahit wala."
"Ay kaloka, ginawang boarding house.",natatawang sabi ni Yana. "Sa'kin.. Okay lang.",mahinang sabi ni Dawn pero sapat na para marinig namin. Okay? Anong drama nito? "Ako din, okay lang..", dagdag ni Reeree.
"Teka nga, bakit ayaw niya sa kanila?", si Sue na ang naging representative ng tanong na siguradong nasa isip naming lahat. "Actually, hindi ko alam. You know, personal problems? Pagbigyan na na'tin yung bata.", pa-cute na sabi ni Shine.
"Paano mo ba yan nakilala?",tanong ni Joo. "Last year sa gathering na in-attend-an ko. Kagagaling lang niya sa Korea. She was really adorable. Napanuod ko siyang mag-piano and I even watched her in a swimming competition kung saan sinama ako ni Alex. And the rest were history. Naging ka-close ko sya.",sabi niya ng nakangiti.
Korean pala siya? Kaya pala maputi at may pagka-chinita. "So dahil kay Alexander? Tss. Simple lang pinahaba mo pa?",pang-aasar ko sa kanya at tumayo na. "Okay sa'kin.", dagdag ko. The villa is too big for us pa rin naman.
"Wait, 'wag muna kayo umalis may sasabihin rin ako.",sabi naman ni Sue.
"Oh my gosh! Wag mong sabihing buntis ka?!", sigaw ni Lizzy. Kaya ayun, nakatanggap ng pagbato ng unan. Katabi lang kasi niya si Sue. "Aray naman. Ano ba kasi?"
"Well, it's my Grandparents' anniversary today. And they conducted a party. Biglaan nga eh. Kahapon ko lang nalaman. Dati naman kasi nag-a-out of town lang sila pero ito nga. So I have here your invitations. Sorry if this will spoil your Sunday night pero wala pa naman kayong ibang plans, diba?", sabi niya at inabot ang invitation isa-isa.
NASA loob na ng hall ang lahat at ang programa ay nasisimula na rin. Maraming pamilyar na mukha rin ang nandito. Ang iba'y mga kalinya sa negosyo o mga sikat na personalidad.
Sa isang pabilog na lamesa ay magkakasama sina Tin at ang mga kaibigan nito. Ang lahat ng mata ay nasa entablado. Kung saan ginaganap ang isang programa. Maya-maya ay namatay ang lahat ng ilaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/22465510-288-k58406.jpg)