Chapter 1

3.1K 20 0
                                    

Tanging pag-click ng keyboard at paglipat ng pahina ng papel ang maririnig sa loob ng opisina ni Christine na ang mata ay nakatuon sa kanyang laptop.

Ugh..Nagugutom na ko. sa isip isip niya.Mag-aalas-dos na kasi ng hapon at di pa siya nanananghalian. Sa sobrang dami ba naman ng trabahong kailangan nyang tapusin ay mawawalan na talaga siya ng oras para sa sarili niya

"Humanda talaga sakin yang Cein na yan.", bulong nya sa sarili. Si Cein lang naman  ang nagpapasakit ngayon sa ulo niya. Naglabas na naman kasi ito ng disenyo ng Smartphone na halos kapareho sa disenyong pino-formulate ng kompanya.

Hindi nya alam kung paano nangyari yun. Pero ang hinala nya ay may espiya ang lalaki sa kanyang kompanya.

"Mam, may lalaki pong naghahanap sa inyo.", napukaw ang atensyon niya sa sekretarya nyang ngayon ay nakasilip sa pinto ng kanyang opisina.

Lalaki? Wala naman akong linandi nitong weekend para puntahan ako. Sino kaya to?, tanong nya sa sarili

"Sige, papasukin mo.",turan nya at lumabas na ulit ang kanyang sekretarya

Maya-maya ay pumasok na ang lalaki na dahilan ng pag-init na naman ng ulo niya

"Anong ginagawa mo dito?!",salubong nya dito

"Oh. Chill.. Ganyan ka ba sumalubong sa bisita mo?",nakangiting sabi ni Cien kaya naman ay lalo syang nainis dito.

Bisita? Buwisit ka!,gustong isigaw ni Christine sa kaharap pero mas pinili nyang kumalma dahil hindi sya bababa sa level nito para lang makipag-away.

"Anong kailangan mo?", tanong nya ng mas mababa ang tono kaysa kanina sa binatang kakaupo lang sa couch na kaharap ng mesa niya.

Ngumiti na naman ang binata. "Wala naman.. Gusto lang kitang kamustahin."

"Kung yan nga ang pinunta mo. Pwede ka nang umalis kasi nakikita mo naman na maayos ako.", hindi nya na napigilang umirap habang sumasagot

"Feeling ko hindi.. Sabi ko naman kasi sayo. Dapat tanggapin mo na yung inaalok kong Partnership para sa kompanya natin. Yan tuloy, ang dami ng problema mo..",sabi ng binata na may halong pang-iinis

"Ilang beses ko na ba sinabing ayaw ko?",balik nya dito..Alam niya naman kasing hindi mabuti ang idudulot ng partnership na iyon. Uunti-untiin ni Cein ang pagkontrol sa ka-partner na kompanya hanggang sa maging kanya na ito.

"Alam mo Tin, ", tumayo ang lalaki at naglakad papunta sa kanya, "Makukuha ko rin ang oo mo." Yumuko ito hanggang sa magkatapat ang mukha nila. "Sa mga ginagawa mo palang ngayon? Lalong walang pag-asa yang partnership na gusto mo."

Tinitigan lang siya nito ng malalim. At nagulat nalang siya sa sunod na ginawa nito! Shit!, nasabi nya sa isip niya. Hinalikan lang naman sya ng binata! Hinampas nya ang lalaki ngunit hinawakan nito ang mga kamay niya. Pagkahiwalay nito ay pareho silang naghahabol ng hininga.

Binawi niya ang mga kamay nya galing sa pagkakahawak ng lalaki at tsaka ito sinampal ng malakas. Hindi ito ang unang lalaking nakahalik sa kanya ngunit nanggagalaiti sya sa pagiging antipatiko nito. "Get out!" sigaw nya dito

Pumalatak lang ito at sinabing,"You have a hell sweet pair of lips Tin.". Tumayo si Tin mula sa kinauupuan at pinagtulakan sa pinto si Cein. "Get out! Lumayas ka dito! Ayaw ko nang makita yang pagmumukha mo!"

"Okay,okay.. I understand. You don't have to force me out 'cause I have plans of leaving anyway. You act like a teenage girl that whines because of her stolen first kiss..",sabi nito at tinignan sya ng nang-aasar.

Absolute PleasureWhere stories live. Discover now