Christine
I don't know if I just missed the taste of alcohol or there's something that upset me. Kanina pa kami dito sa club. The other girls are dancing but I'm here, drowning myself.
"Tin!",tawag ni Yana pagkaupo niya sa couch. We are at the second floor of the club so everything can be seen here, even the people dancing without worries.
"Hey.. Ano bang problema mo? Kanina ka pa dito.",she said as she took a shot of tequilla. "Wala. I just like the atmosphere of being drunk.",I said then smiled muschievously at her.
She just laughed at my actions. Minutes later the girls are now here. Looks like they are tired of swaying their hips on the dance floor. "Hey hey, wait! I saw someone downstairs. Someone familiar.",sabi ni Dawn. "I think I saw him,too.",sabi ni Yunnie at tsaka tumingin kay Valeree.
Hindi ko alam kung ako ba ang maraming nainom o sila kasi para na silang lasing sa inaakto nila. "Unahan tayo.",sabi ni Yunnie pagkaubos niya ng tequilla. Tsaka siya tumayo at ngumiti sa dalawa. Those three girls like those kind of things. Naughty.
Sunod na umalis si Dawn. Akala ko walang balak tumayo si Valeree pero maya-maya ay umalis na rin siya. About her and Cein, I didn't bother to ask her. I'm curious but I think I shouldn't meddle in their affairs. And it's now alright because by the looks of it, they fit each other. Wala na ring manggugulo sa'kin.
Napukaw ang atensyon ko sa tawanan ni Lizzy at Shine. Sila nalang pala ang natira dito. Naalala ko namang aasarin ko si Shine. "Yan na naman kayo. Sino ba yang pinag-uusapan niyo?"
"Wala naman.",pa-demure at sabay pa nilang sabi. Ang kulit talaga ng dalawang 'to. "Nga pala Shine, kamusta na kayo ni Alexander?" Nginitian niya lang ako at tsaka ininom ang cocktail drink niya.
"Ano yan?",tanong ko ng natatawa. Yung expression niya kasi cute na ewan. 'Yan ang charm niya kaya wala akong magagawa. "Kami ang pabebe gerl. Wala kang magagawa kung pabebe kami kasi video namin 'to.",sabay na sabi nilang dalawa. I just laughed my heart out dahil sa kakulitan nila. Hay.. How I love these girls.
"Wag ka ngang tumawa diyan dahil 'di niyo kami mapipigilan.",sabi ni Lizzy na in character parin. "Okay tama na. Meron kang kilay kaya hindi bagay sa'yo.",sabi ko.
"Haha! You've watched it, too?",tanong niya. "Oo naman no." Nagkulitan lang kaming tatlo. Sa oras na 'yon ay nawala lahat ng iniisip ko. I'm wondering what am I right now kung wala ang mga 'to. Maybe still stuck in misery and blaming myself for my parent's accident. Kung wala sila siguro 'di ko pa malalaman ang totoo. I'm just thankful that I found them, no ,they found me.
Nagulat ako nung biglang umakyat si Valeree at nagmamadaling kinuha ang clucth bag niya. "Ah.. I need to go. Tumawag sa'kin yung company na kailangan ko ng ipasa bukas yung folio.'Di ko pa tapos kaya kailangan ko ng tapusin ngayong gabi. I won't be going going in the Villa tonight. Mauna na ko.",mabilis na sabi niya at nagmamadaling umalis.
Maya-maya naman ay dumating si Dawn, aligaga. "Have you seen Reeree?"
"Kakaalis niya lang. May kailangan pa daw kasi siyang gawin.",si Shine na ang sumagot. She cussed out of frustration at kinuha rin ang bag niya. Dali-dali rin siyang umalis. Ano bang nangyari? "What was that?",natanong nalang ni Lizzy.
Hindi ko napansin na may problema si Val kanina. I can't see her face dahil she's speaking while against the light. Ano bang nangyari sa laro nila?
ANOTHER morning. Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa Villa. I'm currently fixing myself for we will be going in Queen of the Heel Company. We have this Primadonna Project where each one of us has its designated shoe which, ofcourse, we designed.
Shine formulated this idea, because of the cost we will get after this project. We are in her project team members since we are also shareholders in their company.
All of our companies are connected. We did it since were friends after all and we got each others backs. We are all bussiness women so we know the tricks in bussiness.
Bumaba na ko after kong mag-ayos. As I look at the girls, someone is missing. Valeree. Hindi siya umuwi kagabi katulad ng sinabi niya. Pero sabi ni Shine ay kasabay pa rin namin siya.
As if on cue, Reeree entered the Villa. All smiles. Wiping the worry in the girls' face. Before we got home last night, we have this little conversation of what happened. We just know that there are some misunderstandings.
"Ang ganda ko talaga.",bungad niya pagkapasok. "Halika na.",sabi ni Yana at tsaka tumayo. "Grabe, 'di niyo manlang na-appreciate yung ganda ko.",sabi niya pero tuloy tuloy lang sa paglabas yung girls. Pasaway talaga. Trip nila si Reeree ngayon.
PAGDATING namin ay naunang pumasok si Shine. Nag-greet naman ang mga staffs. Kilala na rin kami dito dahil nagpupunta na kami dito dati pa. Ang gara talaga ng loob nito. May evolution of shoes kasi dito. Hindi ko nga alam kung bakit sapatos ang negosyo ng pamilya ni Shine. Dahil ba maliit siya at gusto niya ng heels? Natawa naman ako sa pinag-iiisip ko. Kala mo naman katangkaran ako.
"Ma'am Vergara may naghihintay po sa inyo sa office niyo.",sabi ng secetary ni Shine na kasabay namin maglakad. "Sino daw?",tanong niya. Sus. Baka si Alexander lang yan.
"Hindi po nagpakilala eh. Basta po ang sabi niya, kailangan niya po kayo maka-usap. May visitor's pass po siya kaya pinapasok namin siya. Hindi naman po siya magkakaroon ng ganoon kung walang permission galing sa inyo.",sabi ng Secretary niya.
"She looks harmless naman po. Mukha nga rin siyang estudyante. Mukha ring disente maliban nalang na may scratch siya sa mukha.",dagdag pa nito. "Sige, salamat. Dalhin mo nalang sa office ko yung mga papeles na na-postpone kong pirmahan.",sabi ni Shine.
Pagkaalis ng Secretary niya ay pumasok na kami ng elevator. "Sino yun? Ikaw ah..",sabi ni Sue sabay akbay kay Shine. Pinagyayabang siguro ang katangkaran niya. "'She' nga daw, diba? So ibig sabihin, babae."
"Pumapatol ka na sa babae ngayon, Shine?",tanong ni Joo. Ano bang nakain ng mga 'to ngayon at ang kukulit? "Ewan ko sa inyo.",sabi ni Shine at lumabas na kaagad pagkabukas ng elevator. Nakasunod lang kami kay Shine papunta sa office niya. "Ang tahimik mo ah.",sabi ni Lizzy. "Ayoko kasi sa pabebe.",pagbibiro ko. Sumimangot naman siya.
Pagkabukas ng double door ay kitang-kita ang isang babaeng nakaupo sa couch. She looks familiar. Wait.. "Akala ko kung sino na, ikaw lang pala.",bungad ni Shine sa kanya.
Pagtingala niya ay nandiyan na naman yung aura na nilabas niya the first time na nagkita kami. Ibang klase talaga ang batang 'to. "Wait, what happened to you?',sabi ni Shine pagkalapit sa kanya. Napatingin naman siya sa'min with that ash brown cold eyes. Napansin siguro ni Shine kaya hinarap niya kami.
"Girls, nandito na pala lahat sa lamesa yung design pieces that we can use as an inspiration at yung klase ng tela o balat na gagamitin.",ginayak niya kami sa malaking lamesa sa gitna ng office niya.
Tiningnan ko ulit si Princess, may sugat siya sa gilid ng labi at may kalmot siya sa pisngi katulad ng sabi ng Secretary ni Shine. Anong nangyari? Na-bully siya? Pero parang wala naman sa itsura niya ang mabu-bully.
Naupo na ko at tinignan yung mga designs. Magaganda at ang gagara. Elegante. May iba't ibang klase rin ng tela at balat na nakalatag para sa examplea ng mga gagamitin.
Magtatanong sana ako sa kanila nang mapansin kong hindi lahat focused. Si Reeree at Yunnie lang ata ang nagba-browse thoroughly sa portfolios. Yung iba sa phone nakahawak. Pero napansin ko si Dawn na nakatitig kila Shine. Kausap kasi ulit ni Shine si Princess. She look worried while looking at them.
Napukaw naman ng atensyon ko ang biglang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ko. Pagkakita ko sa pangalan ng tumatawag ay napako ako. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Ano to?
Nakatitig lang ako sa phone ko at naging missed call nalang ang tawag. Pero nag-vibrate ulit ito. But this time, message nalang. Binuksan ko ang text na nakapagpigil sa hininga ko.
'I need you.'
