Christine
"And here, as you can see, ito na yung itsura ng box kapag nabili na yung product.", pagpapaliwanag ng sekretarya ni Mr. Alfonso.
Nandito kami sa conference hall ng Gion at pinapakita samin ngayon yung mga boxes na included sa Ad.
Binigyan kami ng tig-i-isang sample kaya naman chineck ko. Blue ang kulay ng packaging at nakasulat ang 'B x A'. It means Buens x Aren. That is our collaboration project name. Buens is our brand name for electronic devices while Aren naman ang kila Cein.
Ngayon ang unang araw ng trabaho ko with Cein. Siguro I'll just have to endure those days to make this project productive. Hindi ko sasayangin ang pera para sa production nito. Lalo na't malaki ang epekto ng project na'to para sakin panigurado.
"So, what do you think? Kung may comments or suggestions kayo ay iko-consider namin para sa advertisement.",sabi ni Mr. Alfonso
"Hindi ba parang medyo manipis yung packaging box? Siguro dapat mas kapalan 'to. Kailangan ma-secure yung product kapag binili o in-order na.",sabi ko
Napatingin naman sila lahat. Tss. Sabi nila iko-consider nila yung comments or suggestions tapos ganyan sila makatingin.
"I agree. Kung dito palang hindi na maganda ang presentation, bababa ang demand sa'tin ng consumers.",pagsang-ayon ng katabi ko, si Cein.
Kahit ayaw kong malapit siya sakin, wala akong magagawa dahil ayaw ko ng issue. "Okay, we'll redo the boxes. And one more thing, kung makikita niyo, simple pa yung design ng boxes. Wala pang final since sa inyo mangagaling ang desiyon. Kung mayroon kayong pinagkakatiwalaan na, halimabawa ay nakatrabaho niyo na in the past for your products, we're open to work with them.",turan ni Mr. Alfonso
Wala naman akong kilalang graphic designer, fashion designer lang. "I know someone. Dan Heinrich Quintana. He worked for us for our last project. Note that.",sabi ni Cein.
"Okay. We got him. So that's all. Meeting dismissed.",sabi ni Mr.Alfonso Nagsimula nang magtayuan at maglabasan yung iba pero nakaupo parin ako. Nagtataka kasi ako kung paano nakilala ni Cein si Dan. Dan is Prime's brother kaya kilala ko siya.
Tumayo na si Cein pero I held his wrist to stop him. Napatingin naman siya. Tumayo ako para makapantay ko siya. "How did you know Dan?",tanong ko Kumunot naman yung noo niya. He looked displeased. Ang bilis magbago ng mood niya ah.
Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa kanya and cornered me in the table. "Ikaw? How did you know him?",tanong niya pero hindi ko gusto yung tono niya. Anong paraan ba dapat para makilala ang isang tao? Nakakainis.
Hinawi ko siya at tumalikod. Inayos ko na yung gamit ko. Gusto ko ng makalabas dito. Alam kong nasa likod ko parin siya. Hindi parin siya umaalis. Habang nilalagay ko na yung gamit ko sa bag ko, nagulat ako sa ginawa niya. He hugged me.
Napahinto ako sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Buti nalang at wala ng tao dito. "Cein ano-"
"I'm sorry..", sabi niya kaya naputol yung sasabihin ko. Nagso-sorry siya? Wow,ah! Anong nakain nito?
Hinawakan ko yung braso niya para tanggalin sana yung pagkakayakap niya sakin pero nagsalita ulit siya. "I know I offended you. It was just I was overwhelmed by my emotions."
Okay.. Anong sasabihin ko? Kung bangayan na naman namin to baka nakabuo na kami ng conversation. Pero ano 'tong ginagawa niya? Siya ba talaga 'to?
Hinarap niya ko sa kanya at tsaka kinalas yung pagkakayakap sakin. Pero kinuha niya naman yung kamay ko. Hindi ko na napigilang mapakunot noo sa mga ginagawa niya.
"Let's have lunch first bago tayo pumunta kay Mr. Florentino.",sabi niya at hinila ako palabas. Ngayon ko lang din na-realize na tangay niya na din yung bag ko. Yes, tanggap ko na rin na pati sa supplies ng phone components ay kay Mr. Florentino na rin siya kumukuha. Mas maigi daw yun para sa project.
"Wait Cein. Ano to? Ano 'tong pakulo mo?",tanong ko nung nasa hallway na kami.
"Bakit? Kakain lang tayo sa labas. Ayaw mo ba? Hindi ka pa ba nagugutom?",sabi niya na parang wala lang. Ganito ba siya manlandi ng mga babae?
"Kakain talaga ako sa labas. But not with you. At tsaka akin na nga yang bag ko!",sabi ko at tsaka bumitaw sa pagkakahawak niya. Pero hinawakan niya ulit yung kamay ko. Ang kulit!
"Ayaw ko nga. You'll eat with me, whether you like it or not.",sabi niya pero hindi ako gumalaw nung nagsimula na siyang maglakad. Tiningnan naman niya ko."Ayaw mo? Sige.. Pero hindi mo makukuha 'tong bag mo."sabi niya at nagsimulang maglakad.
"NGUMITI ka naman. Papangit ka niyan.",asar na naman niya. Nakakasasar! Kanina pa yan eh!
"Pwede ba! Sumama na nga ako sa'yo pero ayaw mo parin tumigil!",sabi ko at nagsubo nalang ulit ng ice cream cake.
Dinala niya ko sa isang Dessert shop. Akala ko pa naman sa matinong restaurant niya ko dadalhin dahil tanghaling tapat pero ito, inuumay niya ko sa matamis. Nasa pinakadulo kami at nakatalikod yung couch namin na mas matangkad sa sitting height ko.
Tumawa naman siya. Kanina niya pa ko tinatawanan at ayoko ng ganun dahil nabubuwisit talaga ko.
Hanggang ngayon ay di niya parin binibigay yung bag ko. Baka daw kasi tumakas ako. Naku! Kung wala lang akong kailangan sa bag ko baka kanina pa ko nakaalis. "Alam mo, ang taray mo talaga. Ang layo sa first impression ko sayo.",sabi niya
"At ano naman yang impression mo sa'kin,aber?", sabi ko at nagsubo ulit. Buti nalang at nawawala kahit papano ang inis ko dahil sa kinakain ko.
"I though you were like innocent, good girl, parang ganun. Kaya akala ko we can get to know each other after we slept together.",nasamid naman ako sa sinabi niya. Why does he have to bring up that.. that.. ugh!
"But then, my expectation failed. Kasi ang taray mo! Paggising ko, wala ma na. Tsaka kilala mo ko, diba? Kasi pinakilala tayo nung gabing yun. Hindi ka na namamansin sa events na pareho nating napupuntahan. You treated me as your rival. Porket we're in the same industry.", sabi niya at nagsubo ulit ng pagkain niya.
"Rivals naman talaga kasi ang kompanya natin kahit saang anggulo mo pa tignan. "
"Tss.."
Hindi ko na siya pinakialaman at tinuloy ang pagkain. Ang sarap. Parang gusto ko pa ulit um-order. Nagulat ako nung hinawakan ni Cein yung baba ko. Magkatabi kami kaya pinaharap niya ko sa kanya.
"Ang dumi mo kumain.",sabi niya at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Habang ginagawa niya yung ay parang may kuryente akong nararamdaman kapag tumatama yung thumb niya sa labi ko. Dahil dun ay pinalis ko yung kamay niya. Hindi pwede 'to. I can't hook him up.
