Chapter 14

199 5 0
                                        

Christine

Nandito ako ngayon sa Main office ng Buens. Nandito ang pinakapuso ng Buens Group of Companies. Tinawagan ako kagabi ng secretary ni Mr. Chairman at sinabi na magkakaroon ng meeting kasama ang members ng Board of Directors. Malamig naman dito pero hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako ngayon.


Hindi ko kasi naikonsulta sa CEO ang mga plano ko nitong mga nakaraan. Tsaka ko lang naipaalam ang tungkol sa Collaboration Project with Aren kung kelan nakalatag na ang lahat ng gagawin. In-assure ko lang sila na I'll take full responsibility kung ano man ang mangyari.


Kaya ito, hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko. Maayos naman ang naging takbo ng project kaya siguradong hindi naman ako matatanggal sa pwesto ko. Pagkarating ko sa tapat ng office ni Mr. Chairman ay kumatok muna ako ng tatlong beses at saka pinihit ang seradura.


The whole office represents perfection. Simple but perfect. Gray colored furnitures accuentuates the office emitting the power of the person using this whole space. Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo dahil marahan niyang inikot ang kanyang upuan at ako ay hinarap.


The wrinkles on his face defines the experiences he had been but despite all of it, kita parin ang gandang lalaki nito. Nginitian niya ako kaya naman parang nawala ang lahat ng inaalala ko kanina.


Ngumiti rin ako at lumapit sa kanya. "Mr. Chairman.", turan ko nang nasa harapan niya na ako. "It's good to see you at a time like this. Halika at maupo tayo roon.", sabi niya habang turo ang coffee table at couch saka tumayo at naglakad papunta roon.


I followed him at naupo rin kaharap niya. If there is one person that I respect the most. It is the man opposite to me now. I learned a lot from him lalo na noong nawala ang parents ko.


"How are you?", tanong niya sa'kin. Hindi parin talaga ito nagbabago. "Okay lang ho ako Mr. Chairman.", sagot ko at sumimangot naman siya. "Nakakainis ka.", sabi niya kaya napatingin ako sakanya. "Bakit naman po?", Hala. Hindi kaya dun 'to sa BxC Smartphones?


"Hindi ka bumibisita dito palagi. Paano pala kung may sakit ako? Edi wala kang alam? Hay nako. Kawawa naman ang lolo niyo." Natawa naman ako. Akala ko kung ano na. Mr. Chairman si my grandfather in my father's side. Siya ang isa sa dahilan kung bakit nandito ako sa kinatatayuan ko ngayon.


"Mr. Chairman, naging busy kasi ako nitong nakaraan kaya naman hindi na 'ko nakahanap ng oras para pumunta dito. Don't worry, I'll make time for you pagkatapos ng linggong 'to.", sabi ko sa kanya. Siya na ang nagbantay at nag-alaga sa'kin since I lost both of my parents at isa sa pinakagusto ko is I can talk to him comfortably. At saka may pagkamakulit kasi yan si Lolo kaya natutuwa talaga ako.


"Isa pa yang Mr. Chairman mo. Diba sabi ko sa'yo, Lolo ang itawag mo sa'kin?", sabi niya ng may pagkairita. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa facial expression niya o ano. "Opo, Lolo.", hindi ko nalang siya kinontra. Mr. Chairman kasi talaga ang tawag ko sa kanya for formalities lalo na dito sa opisina.


Ngumiti naman siya. Akala mo ay isang bata na binigyan ng kendi. Natawa nalang ako sa kanya. Nakuha ng pagkatok sa pinto ang atensiyon namin. Pumasok dito ang secretarya ni Lolo. "Mr. Chairman, the meeting will be starting in 10 minutes. Everyone is expecting you to be there by this time.", pagpapaalala nito.

Absolute PleasureWhere stories live. Discover now