Pambawi :)
***
Christine
"Ano ba? Masyado ka nang nakadikit oh.", mahinang sabi ko kay Cein na feel na feel ang pagyakap sa'kin dito ngayon habang nagpo-photoshoot. "Huh? Okay naman ah.", sabi niya at lalo pa kong niyakap. Masasapak ko na talaga kanina pa 'to chansing ng chansing.
"Okay, you two, look at the camera.", sinunod ko nalang ang sabi ng photographer. "Perfect! You really look good together! You're like a couple!". Tuwang tuwa na sabi niya.
"Rinig mo yun? Bagay talaga tayo.", bulong ni Cein. "In your dreams.", bulong ko pabalik. Natawa naman siya. "Yes babe, it's always in my dreams.", sabi niya at saka kumindat. Ano daw?
"Okay, lovebirds. Mamaya na muna yan at baka langgamin kayo. Change wardrobe muna kayo.", sabi niya at nilapitan na kami ng mga make-up artists at stylists kaya nalipat ang atensyon ko. Bwisit na kalandian yan Cein.
"Ang ganda niyo po tignang dalawa Ma'am.", sabi ng nagre-retouch sa'kin. Ngumiti nalang ako as a respond. Napatingin naman ako kay Cein na ngayon ay nakikipaglandian sa make-up artist niya. Napasimagot naman ako. Lakas maipaglandian sa iba pagkatapos sabihin na bagay kami. Tsk.
Natapos rin ang shoot after two hours. Ni-congratulate muna kami ng photographer bago mag-pack up. Dumiretso naman ako sa dressing room para magpalit. May interview pa kasi with Mr. Garcia, yung feature writer ng La Lola Mag. Ewan ko dun, shipper yata namin ni Cein dahil nakabasa ako ng articles namin at siya ang may sulat karamihan.
Pagkatapos ko magpalit ng damit ko ay lumabas na ako ng comfort room at halos atakihin ako nang makita si Cein na nakaupo sa sofa. Eh paano ba naman, kanina wala kasing tao dito at saka nakahiwalay ang dressing room niya.
"Walang hiya ka talaga. Paano kung nakahubad pa pala ako?", sabi ko at inirapan siya. Lumapit ako sa make-up counter kung nasaan ang bag ko at kinuha ang phone ko. "Sus. Nakita ko naman na lahat 'yan ano pang itatago mo?", he said which made me literally dropped my jaw. Asik na napatingin ako sa kanya. "Bastos ka talaga!"
Nginitian niya lang ako. Binalik ko nalang ang tingin ko sa salamin at chineck kung ayos na ba ang itsura ko. Napatingin ako sa repleksyon niya sa salamin at nakitang nakangiti parin siya. Tss. Bakit kasi kahit anong gawin niya eh ang gwapo niya. Kaya ang daming naloloko eh.
"Halika na. Nandun na sa labas si Joe.", sabi niya at tumayo na. "Close kayo?", sabi ko at sumunod sa kanya palabas. "Medyo, pero hindi kasing close nito.", sabi niya tsaka ako inakbayan at ilinapit sa kanya. Vanilla. Shet, ang bango niya. Ang sarap amuyin, ba't ganon?
"Hi Mr. Alfon and Ms. Buenaventura.", salubong sa'min ni Joe Garcia. Napatingin naman siya sa nakaakbay na braso ni Cein sa'kin. Inalis ko naman yun pero ayaw tanggalin ni Cein. Ang hilig talaga nito magpakita ng landi in public.
"Hi Joe. So let's start? May lakad pa kasi ako after nito eh.", sabi ni Cein. "Oh, okay this interview won't take too long.", sagot naman ni Joe.
