1. Missing you

19.3K 134 2
                                    

R.I.P
Jestony R. Mendez
April 16, 1970 - March 7, 2015

"Hi pa, dame ko dalang flowers and food sayo. Hmmm hindi ko kasi alam kung kaylan ulit ako makakadalaw sayo eh ngayong araw na kasi ako kukunin ni uncle tony. Doon nadaw po ako titira sa kanya yung sa apartment house niya na pinuntahan natin nakaraan, bakante pa naman daw yung kwarto na tinulugan natin kaya ibinigay na niya sakin yun. Buti nalang pa mabait si uncle tony ano po. Para din po ikaw" kausap nito sa puntod ng kanyang ama na may kasamang pagtulo ng mga luha.

Biglang nag ring ang phone ni sophia dahil natawag ang kanyang tito.

"Nak, saan ka na ngayon? Nandito na ko sa inyo"

"Nandito pa po kay papa, papunta na po ako diyan"

End of call.

Nagpaalam na si sophia sa kanyang ama at nagmadali nadin siya umalis dahil ayaw niyang pagantayin ng matagal ang kanyang tito. Bago magisang oras ay nakarating na siya sa kanilang bahay.

"Pinagantay ko po ba kayo ng matagal uncle? Pasensya na po" sabi ni sophia habang hinihingal pa dahil sa pagmamadali nito na makarating agad.

"Hindi naman anak. Ito na ba mga dadalhin natin?" tanong ng kanyang tito.

"Opo uncle, ok na po lahat" sagot ni sophia.

Ilang linggo narin simula ng mailibing si papa, simula ng mailibing si papa araw araw ko nadin siya dinadalaw pagkagaling ko sa school at kapag wala namang pasok umaga pa lang nandito na ko at kahit bakasyon na nadalaw padin ako, wala akong palya sa pagdalaw sa kanya at kapag dumidilim na saka lang ako uuwi. Kung pwede nga lang dito nalang ako kapag nasa bahay na kasi ako lalo lang ako nasasaktan dahil naaalala ko lang yung masasayang araw namin ni papa noong nabubuhay pa siya. Buti nalang dinadalaw ako ng nakakatandang kapatid ni papa na si uncle tony kahit papaano nawawala ng panandalian yung lungkot na nararamdaman ko.

Hindi na rin ako masyado nagdala ng maraming gamit, tanging mga ilang gamit ko lang, photo album at gitara ni papa ang dinala ko, hindi rin naman ganoon kadame ang gamit namin dahil dadalawa lang naman kame ni papa sa bahay.

Bago kame makaalis ay may sinabit muna ako sa may pintuan ng bahay namin.

House for Rent
contact # 0929*******

Mas pinili ko nalang na ipaupahan ang bahay namin kaysa ibenta napamahal na kasi sakin itong bahay at ayoko pati ito ay mawala rin. Madame kasi kaming memories dito ni papa na kahit masakit balikan mahalaga padin sakin yon. Yung ibang gamit ay naroon padin ipapagamit ko nalang din sa kung sino man ang titira dito at babalik pa naman ako sa ibang araw para kunin pa ang iba ko pang gustong dalhin. Nagpaalam na ko sa aming bahay saka nagpasyang umalis na kasama si uncle tony.

Sana maging masaya ako sa bago kong titirhan. Nakakalungkot man na umalis pero ito na siguro ang paraan para makamove on.

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon