3. First day

10.7K 101 6
                                    

Sophia's POV

Nagtext sakin si uncle na kapag gising nadaw ako pumunta daw ako sa kwarto nya at doon na daw ako mag almusal kasi may paguusapan daw kame. Nagayos muna ko saglit ng sarili. Pagtapos ko magayos ay dumeretso na ako kay uncle. Binuksan ko na ang pinto at pumasok, sabi naman niya na pumasok nalang daw ako. Naabutan ko siyang nasa harap ng kanyang laptop habang nagkakape.

"Good morning uncle" bati ko.

"Good morning din. Aga mo nagising uh, excited ka na ba?" nakangiting sabi ni uncle.

"Maaga po talaga ako nagigising uncle pero opo excited nadin po ako"

"Namana mo pala sa amin yan ng papa mo, maaga kung gumising. Kumain ka muna bago tayo magusap at tatapusin ko muna din itong ginagawa ko"

"Sige po uncle salamat. Kayo po ba kumain na?"

"Oo nak"

Natawa nalang ako ng palihim habang papunta sa uupuan ko, nasagi kasi ng paningin ko yung laptop ni uncle at nakita kong naglalaro pala siya ng coc haha. Kala ko naman trabaho yung ginagawa niya sa laptop dahil seryosong seryoso siya.

"Naglalaro po pala kayo niyan?"

"Uh? Ahhh. Hehe oo nak. Ikaw? Ang dame nga dito sa bahay ang naglalaro nito at alam mo ba ka clan ko pa sila hehehe"

"Hahaha astig hehe. Hindi po ako naglalaro niyan uncle"

"Nakakaadik pala to. Ikaw bakit hindi ka naglalaro pero wag mo na balakin dahil baka maadik ka din"

"Wala po talaga ako balak maglaro niyan, mukha kasing nakakalito at saka wala ako hilig sa mga games"

"Ganoon ba, maigi narin yan anak"

Natapos na ako kumain at natapos nadin si uncle sa paglalaro. Nagusap lang kame tungkol dito sa bahay at kung ano ano pa.

"Halika na, sa labas muna tayo magsimula" aya ni uncle.

Nandito na kame ngayon sa labas ng bahay.

"Ayoko lang magiiwan ng kalat matapos tumambay dito sa garden. Buti nga mababait mga tao dito dahil hindi nila sinusuway mga rules ko. Kapag lalabas naman laging magsasabi kay kuya nestor. Ayun may tindahan kapag may gusto ka bilhin bili ka lang doon malapit lang diba. May mga tricycle dito sa atin kapag may pupuntahan ka at lalabas ng village okaya pwede ka magsabi sakin para samahan kita"

"Ok lang po ako uncle, ayoko pa pong abalahin ka"

"Wala naman problema sa akin yun sophia magsasabi naman ako kung busy ako o hindi. Once a week may pumupunta ditong hardinero para icheck itong garden. Tara sa loob na tayo"

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Kung makikita mo ang sala tanging sofa set at lamesa na gawa sa kahoy na narra lang ang makikita mo.

"Kapag gusto mo manuod wag ka mahiya pumunta sa kwarto ko pero plano nadin kita bilhan ng tv para naman may libangan ka sa kwarto mo"

"Wag na po uncle, kukunin ko nalang po yung tv sa bahay yun nalang po ang gagamitin ko"

"Sigurado ka ba? Osige magsabi ka lang kung kaylan ka babalik sa inyo para masamahan kita"

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon