9. Happiest moment

3.1K 61 0
                                    

"Number 8" pag tawag ng emcee.

Sa unang pagtawag ng emcee sa nakakuha ng number 8 walang tumayo o lumapit kaya sa pangalawang beses na pag tawag napatingin muna si sophia sa mga tao marahil gusto niya muna makita ang makakapartner niya bago siya tumayo pero sa pagkakataong iyon sabay pa sila tumayo. Parehong walang imik ang dalawa. Tumabi muna sila sa isang tabi habang hinihintay pa ang iba dahil tatawagin pa yung ibang numerong natitira.

"Sorry nga pala uli kanina" pagpansin ni tristant kay sophia.

"Ah wala yun hindi naman ako nasaktan. Ok lang" sagot ni sophia habang nakatingin sa kanyang paa na may ikinikiskis sa lupa marahil nahihiya itong tumingin.

"Ano ginagawa mo?" sabi muli ni tristant na nakatingin nadin sa ginagawa ni sophia.

"Ah, wala makati kasi paa ko. Hehe" sagot ni sophia na may pilit na ngiti dahil sa hiya.

"Ok guys. Let's begin" sabi ng emcee.

Isa isa ng pumwesto ang magkakapartner sa gitna dahil sinimulan na patugtugin ang love song. Naiwan naman sa isang tabi sina tristant at sophia habang ang lahat ay nagsisimula ng magsayaw.

Tristant's POV

Bakit ako kinakabahan ng ganto? Sayaw lang naman to. Para lang tong isang laro. Nakakahiya sa kanya dapat ako maunang kumilos.

"Tara na?" pagaaya ko kay sophia.

Ngumiti siya sakin kaya inabot ko na ang kamay ko sa kanya. Nakaramdam ako bigla na parang may nagground ng mahawakan ko na ang kamay niya, hindi ko maintindihan. Nailang pa ko ilagay ang kamay ko sa bewang niya. Hindi ko alam bakit ganto ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Napansin kaya niya?

"Hindi ako marunong sumayaw" sabi ni sophia na parang nahihiya yata siya.

"Ok lang yan sundan mo nalang ako" sagot ko sa kanya na may kasamang pagngiti para mawala kahit papaano ang kaba niya kahit na kinakabahan din ako.

"Ok. Pasensya na ha" sabi niya na may kasamang pagngiti.

Gaya ng sinabi ko sa kanya sinusundan niya lang ako sa pagsasayaw. Madali naman niya nakukuha.

"Ay sorry" sabi niya ng bigla niyang matapakan ang paa ko. Akala ko ok na hehe.

"Ok lang. Ganon talaga kapag first time hindi maiiwasan magkamali. First time mo lang ba to?"

"Oo eh. First time ko lang gawin to kaya hindi talaga ko marunong"

First time niya lang to? Ibig sabihin ako ang first dance niya? Hindi ko na tinanong iyon. Nginitian ko nalang siya at nagpatuloy lang kame sa pagsasayaw. Unti unti na siyang natututo. Nakikita ko siyang ngumingiti habang nakatingin sa mga paa namin siguro natutuwa siya na nagagawa na niya. Nakakahawa tuloy yung ngiti niya.

"Ok guys. Change partner"

Pagkasabi non ng emcee biglang lumapit si alex sa pwesto namin kaya binitawan ko na si sophia at ako naman napunta kay mina dahil malapit lang siya sa amin.

"Hi" narinig kong sabi ni alex kay sophia.

"Uy kamusta si sophia?" tanong sakin ni mina habang nagsasayaw na kame.

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon