18. Mall (Part 1)

1.7K 40 10
                                    

Tristant's POV

"Sino to?" takang tanong ko.

"Guess who" sabi nya at mukhang babae ang nagtakip ng mata ko dahil sa boses.

"Sino--" putol nya sa sasabihin ko.

"Nakalimutan mo na agad ako? Hmp"

Sa muli nyang pagsasalita saka ko lang narealize kung sino sya.

"Alona" gulat ko pang sabi saka nya binaba ang mga kamay nya.

Dahan dahan akong humarap sa kanya dahil hindi ko inexpect na magkikita pa kame.

"Long time no see" nakangiti nyang sabi.

Nginitian ko lang sya. Hindi kasi ako makapagsalita.

"May pipick-upin lang ako kaya ako nandito. Ikaw?" nanatili padin syang nakangiti.

"Ganon din" matipid kong sagot.

"Good afternoon po ma'am, sir" bati ng kahera ng dumating na sya.

"Una kana" alok ko kay alona na sya na unang makipagusap sa kahera.

"Hindi. Ok lang. Ikaw naman nauna dito eh"

"Ok lang. Ikaw na" pagpipilit ko din.

"Ang cute nyo naman tignan" sabi ng kahera.

Napaiwas kame pareho ng tingin sa isa't-isa dahil sa sinabi nya. Kaya bago pa kung saan mapunta ako nalang ang naunang kumausap sa kahera.

"Pick up-in ko lang to" sabi ko sa kanya sabay abot ng resibo.

"Ah ok po sir. Wait lang po" sabi ng kahera at umalis.

Nanatili lang akong nakaharap sa counter habang inaantay ang kukunin ko at naisip kong tignan ang cellphone ko para magcheck at nakita kong nakailang missed call na pala ako galing sa kanila saka ko binasa naman ang text. Bigla akong nataranta sa nabasa ko buti nalang bumalik na agad ang kahera dala ang cake. Hindi na ko nakapagreply sa text dahil kaylangan ko ng magmadali.

"Kamus--"

"Una na ko. Kaylangan ko ng madala to. Sige. Ingat nalang" dali dali kong sabi at agad umalis. Narinig ko syang may sinabi pero hindi ko narinig dahil ang nasa isip ko lang ay kaylangan ko ng makabalik.

.....

"Oh tulala ka dyan?" tanong ni alvin.

Ako, si alvin at si carlo at alex na natutulog ang nandito lang ngayon sa kwarto. Yung tatlo umalis.

"Nagkita kame ni Alona" mahinahon kong sagot.

"What?" nagulat pero mahinang sabi ni alvin. "Kaylan?" tanong nya pa.

"Kahapon" matipid kong sagot.

"Teka. Kaya ba ang tagal mo dumating kahapon?"

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon