8. Celebration

3.1K 49 2
                                    

Sophia's POV

Ang saya saya namin lahat ng nandito. Competitive na competitive yung mga kalaro ko siyempre kasama na ako dun hehe. Enjoy lang. Kanya kanya ng cheers mga manunuod, turo dito turo doon ng gagawin namen. Ang saya saya lang ngayon ko lang nagawa to sobrang nakakaenjoy at akalain mo yon first time ko lang nagawa to pero umabot pa ko sa apat. Apat nalang kame ngayon, ako, si mina, si tristant at alex at ang upuan binawasan na ng isa kaya tatlo nalang.

"Fighting" sabi ko para sa aming apat. Unti unti na ako nasasanay sa pakikipaghalubilo sa kanila ang babait kasi nila.

"Nako mukhang palaban ang mga players ha. Apat nalang ang natitira at tatlo nalang ang upuan. Mukhang exciting to ha, may pinaglalaban hehe" matawa tawang sabi ng emcee. "Ok ready na ba ang lahat?" tanong naman nito sa amin.

"Ready" sabay sabay na sagot namin.

Nagsimula na uli ang tugtog hindi namin maiwasan na matawa tawa habang umiikot sa upuan paano kasi laughtrip yung mga taga room8 dinidistract talaga kame habang nagchicheer pa.

"Go sophia! Go sophia" cheer ng mga taga room8. Yung totoo magkakaibigan ba talaga sila? Hehe.

"Hoy bakit si sophia lang chinicheer nyo? Paano na kameng mga kaibigan nyo?" sigaw ni mina.

Natatawa nalang ako na nahihiya paano kasi simula ng game ako ang laging chinicheer ng mga taga room8 eh mga kabarkada nila yung kalaban ko diba dapat sila ang chinicheer nila. Ah ewan. Nagstop na ang music nauna akong nakaupo sumunod si alex at tristant at si mina naman hindi nakaupo.

"Nako tanggal na ang celebrant" sabi ng emcee.

"Ang daya" sabi ni mina habang nagmamaktol kaya natawa nalang kame sa reaksyon niya.

"Wow two boys at only one girl nalang ang natira. Ang galing ni pretty girl sophia. Ipaglaban mo ang kababaihan hehe" biro ng emcee.

Nahiya tuloy ako na natawa nalang sa sinabi ng emcee at kinabahan nadin dahil ako nalang ang babaeng natira tapos dalawang lalaki pa kalaban ko. Akalain mo yun.

"Go sophia" sigaw uli ng taga room8.

Bigla nalang nawala ang kaba ko ng marinig ko nanaman sila na chineer ako natawa kasi ako hehe. Nagsimula na uli patugtugin ang kanta at mahaba haba din siya pinapatugtog kaya mas lalo ako kinabahan.

"Sayaw naman kayo diyan, dapat nasayaw" sabi ng emcee.

"Woohh" sigaw ng lahat matapos huminto ng tugtog.

Una akong nakaupo. Yung totoo parang sinadya nilang paunahin ako? Pagtapos sina tristant at alex nagkaunahan sa pagupo kaya dahil doon tumaob ang upuan nila pati nadin ang inuupuan ko. Yung iba natawa, yung iba biglang napasigaw.

"Sorry sophia"

Nagulat at sabay na sabi ni tristant at alex habang nakalapad ang kani kanilang kamay sa akin para abutin ko ito. Napaupo kasi ako sa lapag. Hindi ko alam kung bakit hindi ko alam kung kaninong kamay ang aabutin ko, medyo nailang pa ko kaya naisip kong parehong kamay nalang nila ang aabutin ko.

"Ok ka lang ba?" sabay uli na sabi ni tristant at alex ng maitayo na nila ako.

"Salamat. Ok lang ako" sagot ko na may kasamang konting pagngiti tapos pinagpagan ko ang damit ko.

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon