10. Getting closer?

2.9K 54 2
                                    

Sophia's POV

One week nadin simula nung birthday ni mina at simula ng araw na yon mas naging close ko na ang mga nakatira dito. Salamat sa birthday ni mina kung hindi siguro dahil sa birthday nya baka siguro hanggang ngayon naiilang parin ako sa mga tao dito. Lagi nila akong binabati sa tuwing makikita nila ako. Kapag may ginagawa ako inaalok nila ako ng tulong. Nakakatuwa. "Ano kaya magandang gawin ngayong araw?" wala naman yung lagi kong kakwentuhan na si mina dahil nagkaroon sila ng outing ng barkada sa room 8. Inaaya nga nila ako kaya lang hindi ako pinayagan ni uncle tony. Sabagay, naiintindihan ko naman sya. Nagaalala lang din sya sakin. Lumabas nalang muna ko at tumambay sa garden habang nagfafacebook. Ngayon nalang pala ko nakapagopen ng facebook. Nagloloko kasi net dito sa bahay kaya ilang araw din namin hindi nagamit yung internet. Habang nagfafacebook ako biglang pumasok sa isip ko na tignan ang mga facebook nila. Hindi ko alam ang mga surname nila kaya hindi ko alam kung ano ang itatype ko kaya naisip kong tignan nalang ang facebook ni uncle tony baka sakaling mga kafriend nya sila. Tinignan ko ang friend list ni uncle. Una kong nakita ang facebook ni alex at tinignan ko ang profile nya. Wala naman sya gaanong post maliban nalang tungkol sa mga games na nilalaro nya siguro. Hindi siguro sya mahilig magfacebook. Pero meron naman pala syang ibang post maliban sa games. "I dont understand" basa ko dun sa post nya. Ano kaya yun? After ko basahin yon in-add ko na sya. Bumalik na uli ako sa friend list ni uncle at sunod kong nakita yung kay alvin. Gaya ng ginawa ko kay alex ganun din ang ginawa ko kay alvin. Unang una kong nakita sa post nya yung outing nila ngayon araw. Mukhang updated na updated to si alvin. Kainggit ang saya saya nilang tignan. Pero bakit wala yata si tristant dito? Hindi ba sya sumama? Bigla ko tuloy naalala si tristant yung mga araw na sa tuwing magkakatinginan kame pareho kaming napapaiwas ng tingin. Sa lahat sya lang hindi ko ganoon nakakausap. Sabagay hindi ko naman din kasi sya lagi nakikita. Busy sigurong tao yun. Speaking, biglang dumating si tristant at nakita ko syang papasok na ng gate at binati si kuya nestor.

"Tristant" bigla nalang nagsalita ang bibig ko at tinawag si tristant. Ayst.

Tumingin naman sya sa direksyon ko at lumapit. Nahiya tuloy ako bigla. Umupo sya sa harap ko ng hindi nagsasalita, kaya nagsalita nalang ako.

"Hindi ka sumama kila mina?" tanong ko.

"Hindi eh. Paano mo nalaman?" mahinahon nyang sagot.

"Ah. Nakita ko kasi sa post ni alvin" sabi ko sabay pakita sa mga photo na inupload ni alvin.

Nilapag ko ang cellphone ko sa mesa at inusog iyon malapit sa kanya. Kinuha naman nya ito at tinignan. Napansin ko syang ngumingiti habang tinitignan yung mga picture. Bakit ganon sa tuwing ngumingiti sya hindi ko maiwasan na pagmasdan sya. Ang ganda naman kasi ng smile nya sabayan pa ng dimple.

"Kafriend mo na ba sila sa facebook?" tanong nya.

"Actually, ngayon ko palang kayo ia-add sana. Tinitignan ko sa friend list ni uncle yung mga pangalan nyo"

Nakita ko syang may tinatype sa cellphone ko.

"Inadd ko na facebook ko sayo. Sige pasok na muna ako ha" nakangiti nyang sabi at tumayo.

"Sige" nakangiti kong sabi sabay wagayway ng kamay ko.

Pagkapasok nya sa loob bumalik na ako sa pagfa-facebook at yung facebook nya ang nakalagay. Tinignan ko naman ito. Uh? Puro post ng ibang tao yung nasa wall nya at puro babae? Ah siguro may mga gusto sa kanya yun. Hindi ko narin masyado tinignan ang wall ni tristant dahil gaya nga ng sinabi ko puro post lang naman yon ng mga babaeng may gusto sa kanya. After kay tristant chineck ko nadin ang facebook ng iba at in-add pagtapos non naisipan ko pumunta sa kusina para kumuha ng makakain. Si uncle nga pala wala din dito pagkaalis nila mina ilang oras din umalis nadin si uncle at binilin nya muna sa akin itong bahay. May imi-meet daw kasi syang kaibigan. Pagpasok ko ng kusina nadatnan kong nagluluto si tristant. Kaya nahiya ako bigla dahil baka naistorbo ko sya. Mukhang hindi naman nya ako napansin kaya dahan dahan nalang ako naglakad papalapit sa ref para kunin yung chocolate cake na itinabi ko. Nang maisara ko na ang ref dahil nakuha ko na yung kukunin ko nagulat naman ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil don. Pagkasara ko kasi ng ref nasa likod pala nun si tristant nakatayo sya habang nakacross ang mga kamay nya sa tapat ng dibdib nya at nakangiti pa sakin ng bahagya.

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon