19. Mall (Part 2)

1.4K 46 6
                                    

Sophia's POV

Dahil sa sobrang pagkatitig ko sa pink teddy bear na hawak ko muntik ko ng makalimutan magpasalamat sa kumuha at nagbigay sakin nito. "Sa--" putol na sabi ko ng hindi ko na makita sa harap ko yung lalaking pasasalamatan ko sana.

"Hi sophia" sabi ni marvin sabay akbay sakin na parang close na close na talaga kame.

"Hi. Nandito na pala kayo" sabi ko ng makita ko na ang tatlong kanina pa namin hindi kasama.

"Oh ano yan?" singit ni carlo na dumating nadin kasama sina alex at tristant pagtapos ay tinanggal nya ang kamay ni marvin sa pagkaka-akbay sakin.

"Kanina pa kayo magkakasama?" tanong ni alex.

"Hindi. Kararating lang namin paano yung isa dyan ayaw magreply kung nasaan na" parinig na sabi ni marvin kay mina pero mukhang hindi naman narinig ni mina dahil busy parin ito sa pagkuha ng spongebob.

"Ako na nga" singit ni peter sabay itinulak ng marahan si mina sa gilid.

At namangha naman ako dahil parang walang kahirap-hirap na nakuha nya ito sa isang try lang. "Wow. Ang galing naman" manghang sabi ko.

"Wowww. Ang galing. Thank you peter" tuwang tuwang sabi ni mina.

"Sus parang yan lang kadali dali" pagmamayabang pa ni peter.

"Oh..nakuha mo nadin?" gulat na sabi ni mina ng mapatingin sya sa hawak ko.

"Ah oo" sagot ko.

"Ang galing mo naman" sabi ni alvin.

"Ah..hindi. Hindi ako ang nakakuha" sabi ko.

"Sino?" tanong ni mina.

"Hindi ko kilala eh. Basta nagulat nalang ako ng ibigay nya sakin to" sagot ko sabay tumingin sa paligid baka sakaling makita ko uli sya.

"Lalaki ba yan?" tanong ni carlo at tumango ako bilang sagot ng pag-oo.

"Wow. Iba talaga ang beauty ng friend ko. Kainggit" sabi pa ni mina. "Anyway, maiwan muna namin kayo ni sophia dyan maglalaro pa kame. Bye" sabi naman nya sa kanila sabay hila sakin paalis.

"Tignan mo tong babaeng to kararating lang natin, matapos kong ikuha ng spongebob na yun iiwan lang tayo" rinig ko pang sabi ni peter. Natawa nalang ako.

"Hoy, wag mong yayain manglalaki yan si sophia ha" sigaw pa ni carlo. Nahiya tuloy ako bigla.

Habang hila ako ni mina at hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin ay panay ko naman tingin sa paligid. Baka sakaling makita ko sya. Gusto ko kasi magpasalamat doon sa lalaking nagbigay nitong teddy bear. Sino kaya sya? Nahihiya din ako kasi parang gusto ko ibalik sa kanya kasi hindi naman kami magkakilala pero binigyan nya ko ng napakagandang bagay kahit pa galing lang to sa machine. Para kasi sakin at ang alam ko ang mga lalaking nagbibigay ng stuff toys ay ibibigay lang nila sa mga special na tao sa kanila. Kaya nakakahiya naman na makatanggap nito sa kanya. Kaya naisip ko rin ibalik baka kasi may girlfriend sya at mas maigi na yun ang makatanggap nito.

Huminto kami ni mina dito sa may basketball at inaantay nya siguro matapos yung mga naglalaro.

"Parang may iba pang nagaantay. Sa iba muna tayo" sabi ko kay mina kasi napansin kong parang may nauna na sa aming maglalaro.

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon