11. Getting closer (part 2)

2.4K 46 0
                                    

"Nandito na pala sila" sabi ni tony na halatang lasing na lasing na ng makita nyang dumating na si sophia at tristant.

"Uncle ok lang po ba kayo?" nagaalalang tanong ni sophia.

"Ok lang ako. Halika yong dalawa dito maupo muna kayo"

Nasa isang street food sila nagiinuman kung saan nasa labas ang mga lamesa't upuan na pwede kumain at maginom.

"Mga anak mo ba mga to? Abay kay ganda at gwapong bata naman ng mga to" sabi ng kainuman ni tony na si bong.

"Eh saan pa ba magmamana ang mga yan. Si sophia pamangkin ko at si tristant anak anakan ko. Gwapo diba magkamukha kame" aniya ni tony.

Hindi naiwasan na matawa ni sophia at tristant dahil sa inaasal ni tony dala narin ng kalasingan.

"Ok ka lang ba?" bulong ni tristant kay sophia.

"Ok lang ako"

"Pogi tagay ka muna" alok ng kainuman ni tony kay tristant.

Dahil nahiya naman tumanggi si tristant kaya pumayag nalang sya sa inalok sa kanya at deretsong ininom ito.

"Ikaw naman ganda" alok uli ng kaibigan ni tony pero kay sophia naman.

Nagulat si sophia at napatingin sa kanyang tito.

"Bawal pa yan pare ano ka ba" aniya ni tony.

"Ah ganon ba. Pasensya na pare" mangiti ngiting lasing na sabi ng kaibigan ni tony.

Ilan minuto din ang nagdaan pa pati si tristant ay napainom nadin. Nahihiya naman syang humindi kaya kada tatagayan sya ay tinatanggap nya ito. Si sophia kumakain lang at umiinom ng juice. Dumaan pa uli ang ilang minuto nakatulog na si tony samantalang ang kaibigan nito at si tristant ay nagiinom pa. Dahil sa lasing na nga ang kaibigan ni tony hindi ito tumitigil sa kakakwento kaya kahit papaano naaaliw sa kanya si sophia at tristant.

"Tristant" mahinang tawag ni sophia pero hindi nya ito narinig dahil nakikipagusap ito sa kaibigan ni tony. "Pst tristant" sabi muli ni sophia at this time may kasama ng kalabit kaya napansin na ito ni tristant. "Hindi ka pa ba lasing?"

"Hindi pa naman. Bakit?" sagot ni tristant.

"Hindi ko kayo kayang tatlo" mahinang sabi muli ni sophia.

Natawa si tristant sa sinabi ni sophia. "Wag ka magalala" nakangiting sabi ni tristant sabay may palihim syang tinuturo sa baba sa may gilid nya.

"Ahhh" nakangiting sabi ni sophia ng mapagtanto nya ang tinuro ni tristant. May mga tagay kasi sya na palihim nyang tinatapon sa may gilid nya kaya hindi sya malalasing.

Ilang oras din ang inabot 9pm na at ngayon pinagmamasdan ni sophia at tristant ang dalawa si tony at ang kaibigan nito dahil bagsak na I mean mga tulog na. Nagkatinginan si sophia at tristant at natawa nalang.

"Ano na gagawin natin?" sabi ni sophia.

"Wait ka lang dyan kukunin ko lang sasakyan" sabi ni tristant.

"Marunong ka magdrive?" takang sabi ni sophia.

Nginitian lang sya ni tristant kaya sandali syang natulala dahil sa magandang ngiti ni tristant at sa dimple nito. Bago pa makatulog si tony binilin na kay tristant ang susi at kung saan nakapark ang sasakyan. Sandali pa ay dumating na si tristant dala ang sasakyan.

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon