27. Just the two of us.

922 12 6
                                    

"Bitawan mo sya" kalmadong sabi ng lalaki kasabay ng paghawak nya sa kamay ni jewel na nakahawak sa buhok ni sophia.

"Sya?" sabi ni sophia sa kanyang isip nang makita nya ang lalaki.

Inilayo agad ng lalaki ang kamay ni jewel sa buhok ni sophia.

"Alam nyo ba na bawal ang gulo dito?" Sabi ng lalaki.

"FYI itong babae na to ang nauna" diin ni jewel kay sophia.

"Kuya pwede ba makita ang cctv" sabi ng lalaki sa isa sa mga staff doon.

"Yes sir"

"No need. Ayoko na mag-aksaya ng oras dito. Let's go" sabi ni jewel at inaya na ang mga kasama na umalis.

"Pakiban na sila dito. Lahat ng magtatangkang magsimula ng gulo dito sa bar ko ipapaban ko" sabi ng lalaki.

"Salamat" sabi ni sophia.

Tumango ang lalaki.

"Ikaw ba ang may-ari?" Tanong ni sophia. At tumango ang lalaki bilang pagsang-ayon.

"Diba.." putol na sabi ni sophia.

"Bes anong nangyari?" Dali daling paglapit ni mina kasama pa ng iba.

"Ah wala naman. Nagkaroon lang ng hindi pagkakaintindihan" sagot ni sophia.

"Patay tayo kay uncle" sabi ni alvin.

"Wag kayo magalala ok lang talaga ako. Wag nyo nadin sabihin kay uncle nangyare para hindi na sya magalala"

"Sala.." putol uli ni sophia na muli sana sya magpapasalamat sa lalaking tumulong sa kanya pero nawala na ito nung lumapit na sila mina.

"Tara balik muna tayo sa pwesto natin doon mo samin ikwento nangyare" pag-aya ni mina.

Ikinuwento ni sophia ang buong pangyayare.

"Kung ako ang nandon makakalbo sakin yang babae na yan" gigil na sabi ni mina.

Bakas sa kanilang lahat ang pagalala kaya hindi narin sila nagtagal sa bar at kumain nalang muna sila sa labas saka umuwe.

Kumatok sila kay tony para ipaalam na nakauwe na sila ngunit tulog nadin ito.

"Good night everyone" pagod na sabi ni mina at pumasok na sa kanyang kwarto.

"Goodnight" sabi ng kalalakihan kay sophia at umakyat na sila.

Nilapag lang ni sophia ang kanyang dala sa room nya at lumabas muna at pumunta ng garden para magpahangin.

Habang nakaupo at nagpapahangin ay tinignan nya ang mga kuha nila kanina. Napapangiti sya sa kanilang mga picture.

Ilang minuto na nakalipas at nasa labas parin sya.

"Gising ka pa"

"Ha? Oh..ikaw pala tristant"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon