25. Surprise Part2

524 13 0
                                    

"Juice" abot ni alex kay sophia.

"Salamat" nakangiting sabi ni sophia.

"May iba ka pang gusto?"

"Ah.. wala na. Dami ko narin nakain"

Nakangiting sabi ni sophia at tumango nalang si alex.

"Nakakatuwa ano. Kitang kita sa mga mata at ngiti ni nanay na sobra syang masaya" sabi ni sophia habang nakatingin ito sa nanay ni tristant.

" Oo nga eh. Ngayon ko nalang din uli sya nakita ng ganyan kasaya" aniya ni alex.

"Matagal na ba kayo magkakakilala?" Tanong ni sophia.

"Kame ni tristant. Mga bata palang kame magkakilala na kami" sagot ni alex.

" Talaga.. Pero yung iba?"

"First year highschool namin sila nakilala lahat dahil naging magkakaklase kame kaya simula non hindi na talaga kame naghiwa-hiwalay"

" Ang saya naman"

" Ikaw ba?"

" Ako? Hmmm. May kababata din ako dati. Lalaki. Matalik ko talaga syang kaibigan" sagot ni sophia at tila may masayang naalala.

"Nasaan na sya?" Tanong muli ni alex.

"Hmmm. Nung tumungtong kame ng grade 6 hindi ko na sya nakita. Ang sabe sakin nag-ibang bansa na daw sya.. sa france. At simula non wala na kong narinig na balita sa kanya hanggang ngayon"

" Pasensya ka na kung natanong ko pa"

" Ok lang yun hehe. Nakaraan naman na yun"

Nakangiting pinagmasdan ni sophia ang masayang nanay ni tristant habang masayang magkausap ang magina. Bigla naman napalingon ang nanay nito sa kanya at sumenyas na lumapit si sophia.

"Teka lang alex tinatawag ako ni nanay"

Agad naman lumapit si sophia habang nakangiti.

" Napakaganda mo talaga iha. Nakukwento ka sakin ni..."

"Ma.." Pagpigil ni tristant sa sasabihin ng nanay nito. "May gusto ka pa kainin?"

"Wala na anak"

"Nagustuhan nyo po ba ang surprise sa inyo tristant?"

" Oo iha. Ito yung isa sa pinakamasayang nangyare sa buhay ko"

" Surprise nating lahat" sabi ni tristant.

" Salamat sa inyong lahat na lagi kayo nandyan para sa anak ko... kahit na wala ako lagi sa tabi nya" sabi ng nanay at naluha na ito.

Tristant POV

Bigla nalang niyakap ni sophia si mama ng biglang syang umiyak. Bigla akong nakaramdam ng tuwa na para bang may kakaiba sa pakiramdam ng makita ko silang dalawa na magkayakap. Siguro sobrang malapit ni sophia at ng tatay nya sa isa't isa kasi napakalambing na anak nya. Kahit sandali palang sila nagkakilala at nagkita ni mama parang ang lapit na nila sa isa't isa.

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon