4. Room 8

8.2K 81 0
                                    

"Wala si uncle tony sa kwarto niya. Pinapatawag niya ba talaga ako?" takang tanong ni tristant.

"Oo. Sabi nga niya pumunta ka daw doon pag nakauwe ka na. Baka naman umalis sila, oo tama umalis nga pala sila" sagot ni alvin.

"Pare ang ganda niya no" masayang sabi ni carlo.

"Oo nga eh. Wala man lang naikwento satin si uncle tony na may maganda pala siyang pamangkin" sabi naman ni marvin.

"Bakit popormahan mo? No way, mauuna na ko" depensa ni patrick.

"Hoy hoy tumigil kayo sakin magkakagusto si sophi" nakangising sabi ni peter.

"Sinong sophi? Baka sophia haha" matawa tawang sabi ni alvin.

"Ganoon nadin yon pinaikli ko lang haha" depensa ni peter.

Nagasaran na sila ng nagasaran gaya ng lagi nilang ginagawa.

"Tumigil na nga kayo baka marinig pa kayo ni uncle" seryosong sabi ni alex.

"Oy oy oy sino yang sophia na yang tinutukoy nyo?" nakangising sabi ni tristant.

"Nako patay tayo niyan" sabi ni carlo habang napapakamot sa ulo.

"Mga sira, igaya nyo pa ko sa inyo" pasigaw na may halong pagtawang sabi ni tristant.

Inakbayan ni alvin si tristant.

"Si sophia yung pinaguusapan namin, pamangkin ni uncle tony. Ang ganda kaya niya" bulong ni alvin kay tristant.

"Ahhh, panigurado pinagaagawan nyo na yan. Ay hindi, sila lang pala. Hehe" nakangiting sabi ni tristant.

"Sshhh wag ka nga maingay" mahinang sabi ni alvin.

Tristant's POV

Lumabas muna ako ng kwarto para balikan si uncle tony at iniwan ko muna ang magugulo kong barkada. Pag dating ko ng kwarto ni uncle tony ay kumatok na ko at agad din naman niyang binuksan.

"Pasok ka" aya ni uncle tony.

"Wala po yata kayo kanina pumunta po kasi ako sa inyo paguwe ko, sabi kasi nila puntahan daw po kita"

"Ah oo. Kakauwe lang din kasi namen ng pamangkin ko. Next time nalang kita papakilala sa kanya baka nagpapahinga na kasi ngayon yon. Kamusta na nga pala ang nanay mo?"

"Ok lang naman po siya, medyo nakakarecover nadin po kahit papaano. Maganda po kasi yung pinaglipatan niya. Salamat po talaga uncle"

"Wala iyon para narin kitang anak at hangga't kaya kong makatulong tutulong ako. Kumain ka na ba? May uwe kasi kameng pagkain ng pamangkin ko. Eh busog na busog nadin naman ako dahil lakas kumain ng pamangkin ko kaya nahawa nadin ako" matawa tawang sabi ni uncle.

"Mabuti po yan uncle para tumaba po kayo hehe. Ok lang po uncle busog pa naman din po"

"Bakit ang payat ko ba? Mukha na ba kong matanda tignan? Hindi na ba tayo magkasing gwapo? Hehe. Nahiya pa tong batang to. Kunin mo na yan dalhin mo sa kwarto nyo" pabirong sabi ni uncle na ikinatawa namen pareho.

"Sabi ko naman po sayo uncle mas gwapo po kayo. Prinsipe lang po ako, hari naman kayo hehe"

"Binola pa ko ng batang to hehe. Osya sige na magpahinga ka na baka pagod ka rin. Dalhin mo na yang pagkain sa matatakaw mong kaibigan"

"Hehe sige po uncle. Salamat po dito. Good night po" paalam ko.

Agad ako lumabas ng kwarto ni uncle at dumeretso sa kwarto namin. Nadatnan ko namang naglalaro sila ng coc. Mga adik sa coc. Lahat dito naglalaro niyan maliban lang sakin, wala naman kasi akong hilig maglaro ng games sa cellphone. Natawa na nga lang ako ng tanungin ako ni uncle tony kung may coc ako kasi siya meron hehe. Kakaiba din to si uncle tony eh bumabagets hehe dinaig pa ko.

...

"Wow ano yan? Para ba samin yan?" sabik na tanong ni carlo.

"Bigay ni uncle tony" sagot ni tristant at inilapag ang dala dala sa mesa.

Agad nagtakbuhan ang mga ito palapit sa dala ni tristant na parang mga bata na sabik na makita ang pasalubong maliban lang kay alex na napatingin lang at balik sa paglalaro.

"Sakto pagkain, nakakagutom kasi mag coc haha" sabi ni patrick habang hinihimas ang kanyang tiyan.

"Ano ba yan?" tanong ni marvin at nanguna buksan ang supot.

Pinaghatian nila ang pagkain samantalang si alex ay walang pakialam at busy sa paglalaro habang si tristant naman ay nagpapalit na ng damit.

"Ayaw mo ba alex?" tanong ni alvin.

"Hindi na, kulang pa nga sa inyo yan" sagot ni alex.

"Salamat alex haha. Ang bait talaga nito ni uncle tony. Yung pamangkin kaya niya kasing bait din gaya niya?" sabi ni peter habang nakain.

"Sakin mabait yon, ewan ko lang sayo haha" sabi ni carlo kay peter na may tawang pang aasar.

"Ugok, matatakot lang sayo yon" ganti naman ni peter kay carlo sabay hagis ng unan.

Nagsimula nanaman sila magharutan asaran libangan na nga nila ito. Nakisali nadin ang iba maliban na nga lang kila alex na seryoso padin sa paglalaro na natatawa nalang sa pinaggagagawa ng mga kaibigan niya ganun din naman si tristant na nakahiga na sa kanyang higaan habang nakapikit at naka headset nakikinig ng music. Lumipas pa ang ilang oras at nakaramdam na ng antok ang mga ito matapos magharutan sumunod maglaro sa laptop at cellphone at mag movie marathon, samantalang si tristant naman ay mahimbing na ang tulog dala nadin siguro ng pagod.

Pag patak ng alas 4 ng umaga biglang nagising si tristant. Dahil hindi na siya dinalaw ng antok pumunta siya ng kusina para magtimpla ng kape at pagtapos lumabas siya para umupo sa garden habang nagkakape at kinabit ang headset at nakinig ng music gaya ng hilig niyang gawin. Nakapikit ito habang sinasabayan ang kantang naririnig hindi naman kalakasan ang boses niya kaya hindi naman makakabulabog sa mga natutulog. Habang nasa kasarapan ng pakikinig si tristant ng music at sa pagkakape nito bigla nalang bumukas ang pinto. Hindi naman iyon napansin ni tristant dahil sa naka headset siya at nakapikit. Dahil sa madilim pa ng mga oras na iyon hindi rin napansin si tristant ng taong lumabas. Sino?



My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon