22. Dream

978 25 10
                                    

Sophia's POV

"Ma..."

"Sophia..sophia" bigla nalang ako nagising ng hinihingal ng gisingin ako ni mina. "Ayos ka lang ba? Gusto mo ba kuha kita ng tubig?" alala nyang sabi sakin.

"Ok lang mina. Ako nalang" sabi ko.

"Sige samahan na kita"

Lumabas kame ng kwarto at tumungo sa kusina para makainom ako ng tubig.

"Magtitimpla ako ng kape. Gusto mo din ba?" alok sakin ni mina. Bago ako sumagot napatingin muna ko sa orasan at magquarter to 3 palang pala.

"Sige. Salamat" sagot ko.

Habang inaantay ko si mina pilit kong inaalala ang panaginip ko. Inabot sakin ni mina ang kape.

"Gusto mo dun tayo magkape sa garden?" alok nya sakin at tumango ako bilang pagsagot.

"Ayos ka lang ba? Tulala ka eh"

"Ah. Ok lang ako. Salamat pala sa kape. Pasensya na naistorbo ko pa tuloy tulog mo"

"Nu ka ba. Walang problema dun. Buti nalang nandun ako kasi mukhang binabangungot ka eh. Ilan beses kasi kita ginigising hindi ka agad nagising. Ano ba napanaginipan mo?"

"Hindi ko rin masyado maalala eh. Basta ang naalala ko lang. May babae sa malayo na nakatingin sakin na hindi ko makita ang mukha tapos tinatawag ko"

"Sya ba ang mama mo?"

"Ha?" taka kong tanong.

"Yun kasi binabanggit mo nung ginigising kita"

Sandali ako napaisip. Si mama nga ba yon? Bakit ko sya napanaginipan? Hanggang sa panaginip din ba hindi ko parin sya makikilala? Nararamdaman kong parang unti unting tumutulo ang luha ko.

"Huy bes ok ka lang ba?"

"Sorry. May naaala lang ako. Tara balik na tayo sa kwarto" pagaaya ko sabay punas ng luha ko. Hindi na ko inusisa pa ni mina hanggang sa kwarto marahil ayaw nya siguro makialam kahit na ramdam ko na nagaalala talaga sya sakin. Salamat mina na nandyan ka.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakatulog na si mina. Ako eto hindi parin makatulog dahil naiisip ko parin yung napanaginipan ko. Bakit kaya ni minsan hindi ko man lang nakilala o nakita ang mukha ni mama? Ni isang litrato wala sya. Sabe ni papa napasama lahat ng litrato sa mga nabasa noong bumagyo ng napakalakas at bumaha. Wala na ba talaga pagasa na makilala ko sya? Hindi narin ako umaasa dahil kung may balak pa sya magpakita dapat nuon palang nagpakita na sya sakin. Lagi sinasabi ni papa na mahal nya daw ako pero hindi ako naniniwala dahil kung mahal nya ko nasaan sya ngayon? Ayoko nalang din umasa lalo pa ngayo't wala na si papa. Wala na yung susi na makakapagsabi sakin kung sino sya. Siguro nga ibig sabihin lang talaga nito na hindi ko na dapat sya kilalanin pa at tuluyan nalang din syang kalimutan.

Third Person POV

Unti unti nalang nakatulog si sophia habang pumapatak ang mga luha nito sa mata.

Pagsapit ng alas 6 ng umaga bigla nalang nagulat at nagising si sophia ng may marinig syang kumalabog.

"Aray..."

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon