2. New home

13.7K 110 1
                                    

Sophia's POV

Sabi nga nila hindi ibibigay sayo ang isang pagsubok kung hindi mo ito kayang lagpasan. "Fighting sophia" bulong ko sa sarili ko. Nandito na kame ngayon ni uncle sa tapat ng kanyang bahay. Pagkababa ko ng sasakyan ay huminga muna ako ng malalim saka ngumiti.

Ang ganda talaga ng bahay ni uncle, malawak ito dahil may nasa walong kwarto siya na pinapaupahan. Yung apat na kwarto daw ay para sa isa hanggang dalawang kasyang tao at yung apat pang kwarto ay mas malalaki, kakasya naman ang may walong tao. Yun palang alam ko tungkol sa bahay ni uncle kasi hindi rin naman ako nagtatanong at nakapaglibot noong pumunta kame dito ni papa.

"Halika anak pasok na tayo" aya ni uncle sakin.

"Opo"

Pamangkin ako ni uncle pero tinuturing nadin niya ako parang isang anak, matandang binata kasi siya at ako lang ang pamangkin niya dahil dalawa lang sila ni papa magkapatid. Walang naging asawa't anak puro trabaho lang daw kasi noon si uncle at walang oras para magasawa at itong apartment niyang ito ang naging bunga ng pagsisikap niya sa trabaho. Kahit retired na siya hindi nadin niya inisip pang maghanap ng kasintahan itinuon nalang niya ang kanyang atensyon sa pagaalaga ng business niya.

Pinagbuksan na kame ng gate ni kuya nestor, siya ang guard dito sa bahay ni uncle.

"Kuya nestor pakibaba nalang ang mga gamit ni sophia at pakipasok sa kwarto niya. Salamat" sabi ni uncle kay kuya nestor.

"Opo sir" sagot naman niya.

"Magandang hapon po" bati ko kay kuya nestor at nagnod.

"Magandang hapon po mam sophia"

"Sophia nalang po kuya nestor"

"Ganyan talaga yan si kuya nestor magalang, kahit sabihin mo na wag ka na itawag sa ganoong pangalan, wag ka ng i-po ay yun at yun parin sasabihin sayo. Kaya hayaan mo na" matawa tawang sabi ni uncle kaya natawa nadin kame.

Magkakilala na kame ni kuya nestor dahil ipinakilala na siya sa amin ni uncle tony noong pumunta kame dito ni papa. May katandaan nadin siya at simula ng itayo itong bahay ni uncle siya na ang naging guard dito kaya makikita mo talagang malapit sila sa isa't-isa ni uncle.

Yung itsura ng bahay ni uncle, pagbukas mo ng gate sa gitna ng daan ay puro may maliliit na mga bato ito patungo sa main door at sa magkabilang gilid naman ay ang garden na may tig isang mahabang lamesa at tig dalawang mahabang upuan na gawa sa narra. Ang sarap siguro tumambay dito ang sarap kasi ng simoy ng hangin at ang gaganda pa ng mga halaman at bulaklak, napakalinis pa. Palapit na kame sa may pinto na gawa din sa narra, may kalakihan ito at magkabilaan ang bukasan niya. Pagpasok mo ng pintuan ay sala, sa left side ang silid ni uncle, sa right side naman ang kusina, sa harap ng sala may apat na pinto iyon ang kwarto na maliliit at sa magkabilaang gilid ay may mga hagdan papunta sa second floor, sa kabilang side ng mga hagdan ay may banyo yun ang banyo ng mga kwarto na nasa baba at pagakyat mo may hallway at doon na yung apat pa na kwarto na malalaki, bawat kwarto naman sa taas ay may sariling banyo. Halata mong pinasadya ang disenyo ng bahay at napakaganda ng pagkakadisenyo ni uncle.

"Pwede ka ng pumasok sa kwarto mo. Kapag may kaylangan ka wag ka mahiya magsabi. Heto susi"

"Opo uncle. Salamat po"

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon