17. 18'th birthday

1.7K 38 2
                                    

"Hindi pa rin sinasagot eh" sabi ni alvin sabay pasok ng cellphone sa bulsa.

"Baka on the way na?" tanong na sabi ni carlo.

"Tatawag satin yun kung nakaalis na sya sa store yun usapan" sabi ni mina.

"Basta kontakin nyo lang maigi. Saan na ba ang batang yon" sabi naman ni tony.

"Paano yan baka hindi natin maabutan si sophia? Sayang naman yung prinepared natin" malungkot na sabi mina.

Kasalukuyan ng nasa simenteryo sila kung nasaan si sophia na nadoon sa puntod ng tatay nya at sila naman ay nakapwesto lang sa hindi naman kalayuan para hindi sila makita ni sophia.

"Wag kayo magalala. Hindi masasayang ang mga pagod nyo" pagpapagaan ng loob ni tony sa magbabarkada.

"Syempre sa tulong mo din uncle" sabi naman ni mina.

"Bakit ba kasi ang tagal ni tristant?" sabi ni marvin.

"Speaking. Whaaa finally nandito nadin sya" tuwang tuwang sabi ni mina ng mapalingon sya sa likuran nila dahil narinig nya ang tunog ng motor.

"Sa wakas" sabi ni carlo.

Para silang nabunutan ng tinik ng dumating na si tristant at lahat sila ay mga nakangiti na.

"Bakit ba ang tagal mo?" tanong agad ni peter pagkababa palang ni tristant ng motor.

"Mamaya na yang tanong na yan. Mabuti pa magready na tayo habang hindi pa nakakaalis si sophia" singit naman ni tony.

"Go go go" sabi ni mina na halatang naeexcite.

Sophia's POV

"Happy birthday to you. Happy birthday to you..."

Unti unti akong napapalingon sa likuran ko kung saan ko naririnig ang mga boses na kumakanta. Nandito ako ngayon sa puntod ni papa, nakaupo sa tapat. Balak ko nadin sana umuwe pero bigla ko nga narinig iyon. Nang tuluyan na akong makaharap sa kanila ay tumayo ako at hindi ko na napigilan umiyak. Ewan ko ba, bigla nalang bumagsak ang mga luha ko. Dahil sa hiya ko tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay at nagpatuloy lang sa pag iyak. Nakakahiya naman.

"Ow, dont cry sophia" sabi ni mina na parang nagpapatahan ng bata. Hehe.

"Salamat" mangiyak kong sabi.

"Wish before you blow the candle" biglang salita at nakangiting sabi ni tristant na syang may hawak sa cake.

Bago ko ginawa yun tinignan ko muna silang lahat. Sila carlo, peter, patrick , marvin mayron silang dalang tig iisang lobo na kulay pink na may nakasulat. Ang lobo ni carlo ay may nakasulat na HAPPY, kay peter 18TH, kay patrick BIRTHDAY at kay marvin naman ay SOPHIA at nakita ko naman kay alvin na may hawak syang pink banner na ganoon din ang nakasulat. Naiiyak nanaman ako pinipigilan ko lang dahil sobra akong natouch sa ginawa nila na sa tingin ko sila lahat ang gumawa non. Pinaghirapan nila talaga gawin ang mga ito ng dahil sakin. Ipinikit ko na ang mga mata ko saka nagwish. Ang winish ko ay hindi lang para sakin kundi para din sa lahat kasama din doon sila at si papa saka ko dinilat ang mga mata ko at blinow ang kandila. Nagpalakpakan pa nga sila eh.

My uncle's apartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon