Sa huli ay hindi na talaga kami nakapanood dahil sa kulitan nila. Nagpasya na kaming magpahinga na ni Minky kaya naman nagpaalam na kami.
“Tutulog na kami,” sabi ko na kay Drei ang paningin.
“Good night, Sab. Sleeptight,” sabi niya sa akin.
“Good night, girls!” kumakaway pang sabi sa amin ni Austin.
Tumango nalang ako at nauna na lumabas. Hindi naman nagtagal ay kasunod ko na si Minky.
“Date tayo bukas,” sabi niya at umangkala pa sa braso ko.
Pagpasok sa kwarto ay agad siyang bumitaw at humiga sa kama.
“Saan naman?” tanong ko at tumabi na rin sa kaniya.
“Mall, let’s buy new clothes,” masayang sabi niya pa.
Minky is a spoiled brat, lahat ng gusto ay nakukuha niya. Pinalaki siyang gano’n ng magulang niya dahil busy sila Tita sa trabaho. Dinaan nila sa pagbibigay ng mga luho si Minky.
“Wala akong pera, Minky,” sabi ko at pumikit na.
“Ako nga bahala, basta utang mo ’yon, bayaran mo sa akin kapag may trabaho na tayo,” sabi niya pa.
Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang siyang magsalita ng kung anu-anong gusto raw niyang bilhin. Sabado bukas kaya may oras kami para magdate.
“Wala ka talagang balak sabihin kay Rix?” tanong niya kaya napadilat ako.
“Alin?” takang tanong ko naman.
“’Yung tungkol sa binalak mo siyang saktan,” salubong ang kilay niyang sabi sa akin.
“Sasabihin ko naman sa kaniya ’yan, hindi ko lang alam kung kailan,” totoong sagot ko at napabuntong hininga pa.
“Si Zild, anong balita ro’n?” tanong niya pa.
Naupo ako at bagsak ang balikat na tumingin sa kaniya.
“Nakita niya raw sa notebook ko nung una palang. At duda yata siya na naging close ako agad kay Drei kahit na ang pangit ng simula namin,” sagot ko naman.
“Knowing Zild, mabilis makahalata ang isang ’yon,” kibit balikat pang sabi ni Minky.
“Yeah, tahimik lang pero maraming alam.”
“So, anong balak mo ngayon?” Nakangusong tanong niya sa akin.
“Wala, ano ba dapat?” taas ang kilay kong tanong din sa kaniya.
“I think you should tell to him.”
Saglit akong napatitig sa kaniya at iniwas din saka napabuntong hininga. Should I tell to him? Or not? Hindi ako ready sa kahahantungan nito, e.
“Hindi ko alam kung paano, Minky.”
Nahiga na ulit ako sa kama at pumikit. Puno na naman ang isip ko ng mga tanong sa posibleng mangyari kung sakaling sabihin ko kay Drei ’yon.
Magagalit siya, of course. Normal lang na magalit siya kung malalaman niya iyon. Masasaktan? I think, yes? Kasi tinangka ko siyang saktan para sa pera, para ma-opera si Mama.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at umayos na ng higa. Itutulog ko nalang siguro ’to. Magiging maayos din ang lahat.
“Hello, Sab!” bati niya sa akin pagkapasok ko sa gate ng school.
Ilang linggo na ang lumipas, ilang linggo na rin akong sa kanila natutulog tuwing gabi at sa araw naman ay madalas ko silang kasama sa amin. Halos doon na rin sila tumira dahil ang mga gamit nila ay nasa bahay na namin. Umuuwi lang sila kapag gabi na.
BINABASA MO ANG
Taming the Jerk (Glamorous Series #1)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: July 17, 2021 Ended: August 30, 2021 How to tame a jerk? 1. Be close to him 2. Make him comfortable with you 3.Gain his trust 4. Make him fall inlove with you 5. Lastly, break his heart It's time to tame Ri...