Ilang araw pang walang klase kaya masaya ang mga studyante. Nakuha na namin ang schedule namin. May dalawa kaming vacant, isang pang umaga at panghapon kaya matuturuan ko na si Drei.
Ngayon, simula na talaga ng totoong klase. Maaga kaming pumasok ni Minky dahil ayaw naming ma-late. Kagaya ng nakagawian na namin ay sa cafeteria muna kami pumupunta bago pumasok sa room.
“Dapat kasi nag aalmusal ka na sa inyo,” pang ilang beses ko na yatang sinabi kay Minky ’to.
“Hindi ko feel kumain sa bahay kapag umaga,” paulit-ulit din ang ganito niyang sagot.
“Gusto mo lang akong kasabay, e,” sabi ko at sinundot pa siya sa tagiliran. Ako naman ang mang-aasar sa kan’ya.
“Asa ka!” inirapan ako at inilagan niya ang pagsundot ko.
“Kunyari ka pa,” nang-aasar pa rin ako. “Libre mo ako,” sabi ko at tumigil na sa pang-aasar.
“D’yan ka magaling.” Inakmaan pa ako na hahampasin kaya natatawa akong umilag.
“Dali na,” nagpacute pa ako sa kaniya.
“Oo na, maghanap ka nang upuan natin,” utos niya na agad kong sinunod.
“Love you,” pang-aasar ko ulit. Lumapit na ako sa pwestong napili ng mata ko. Malapit sa pintuan pero hindi naman kami maaabala ng mga papasok.
“Anong order mo?” tanong niya. Hindi na nahiya sa ibang studyante.
“Katulad ng sa ’yo.” Kahit ano naman ay kinakain ko basta ba pasok sa panlasa ko.
“Snop!” napatalon yata ako sa gulat dahil sa ginawa ni Austin.
“Isa pang gawin mo ’yan ihahampas ko sa ’yo ’yang bolang madalas mong hawak,” dire-diretsong sabi ko dahil sa inis.
“Ang cute namang magulat,” natatawang sabi ni Reid at nakipag-apir pa kay Austin.
“Kutusan ko kayong dalawa,” asar na sabi ko pa sa kanila.
“Hindi ka na nasanay r’yan, isang linggo mo na kaming nakakasama,” sabi ni Zild na naupo na sa harapan ko.
“Bakit nandito kayo?” asar na tanong ko at tiningnan pa sila isa-isa. Napako kay Drei ang paningin ko na ngayon ay nakatayo pa rin at nakatingin din sa akin.
“Kakain kami,” sagot ni Jatyr. Hindi ko pinansin dahil kay Drei pa rin ang atensyon ko.
“Chika mo?” salubong ang kilay kong tanong.
“Nothing,” sagot niya at naupo na sa tabi ko. Taka akong sinusundan s’ya ng tingin.
“Lakas ng trip mo,” nasabi ko na lang at iniwas na ang tingin. Sa isang linggong kasama namin sila mabilis kong nakilala ang mga ugaling meron sila.
Si Drei. Pansin ko na may pagkaseryoso, masungit and cold aura siya. Mahilig mang-asar at talaga namang mapipikon ka pero hindi ako nagpapatalo. May pagkamakulit kapag nasa mood at tahimik lang kapag wala sa mood.
Si Reid. Masayahin ’tong isang ’to, no wonder maraming nagkakagusto sa kan’ya. Isa siyang playboy. Tama ang hinala ko sa kan’ya. Ang daming nagkakandarapa sa kan’ya.
Si Zild. Ito ang dobleng version ni Drei. Kung cold at medyo masungit si Drei, itong si Zild ay dumoble talaga. Kapag kinausap ng iba ay sobrang cold niya pero kapag kami ang kumausap ay ayos lang naman siya sumagot.
Si Austin. Ang kulit nito. Captain pala ng basketball team nila. Tingining baliw at kalog pero may ibubuga naman sa larangan ng basketball. Masaya kasama ’to pero minsan ang sarap nalang sakalin.
BINABASA MO ANG
Taming the Jerk (Glamorous Series #1)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: July 17, 2021 Ended: August 30, 2021 How to tame a jerk? 1. Be close to him 2. Make him comfortable with you 3.Gain his trust 4. Make him fall inlove with you 5. Lastly, break his heart It's time to tame Ri...