EPILOGUE

876 37 67
                                    

“Sab, puro ka na lang TXT,” reklamo ni Drei.

Nandito ako ngayon sa office niya sa school. Dito niya ako pinag-office. Vacant namin ngayong dalawa kaya malaya akong nakakanood ng TXT.

“Ang gwapo kasi nila, lalo na si Yeonjun,” kinikilig kong sabi.

Nakahiga ako ngayon sa sofa niya. Buti nalang at naka-uniform ako ngayon, hindi ako masisilipan dito.

Dito ako natanggap na magturo, sa rami ng in-apply-an ko ay rito rin pala ang bagsak ko sa Gomez University.

“Mas gwapo naman ako,” sabi niya pero hindi ko na pinansin.

“I know I love you~” pagsabay ko sa kanta ng TXT. “Say you love me, say you love me,” feel na feel ko pang pagkanta.

“I love you,” sabi naman ni Drei kaya napatingin ako sa kaniya.

“Kumakanta lang ako,” nakangusong sabi ko naman.

“I know. I love you,” sabi niya pa.

Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o seryoso. Iyon din kasi ’yung lyrics ng kanta.

“I love you too!” nakangiting sabi ko.

Binalik ko ang atensyon sa pinapanood ko. Sumasabay ako sa kanta minsan kapag alam ko, tumitili naman ako kapag kay Yeonjun napupunta ang camera.

“We don’t have work tomorrow, Sab?” tanong niya sa akin.

“Wala yata, may lesson plan ka bang gagawin?” tanong ko rin.

“Nothing,” simpleng sagot niya naman.

“Ako rin wala, bakit? May date tayo?” nakangising tanong ko kahit hindi nakatingin sa kaniya.

“Yes, we have a date tomorrow,” sagot naman niya.

Pinause ko ang video at tiningnan ko na si Drei. Nagsusulat siya ngayon.

“Saan?” excited kong tanong sa kaniya.

“Secret,” sagot naman niya, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Nakabusangot akong bumalik sa pinapanood ko.

“Open the door, Sab,” utos sa akin ni Drei nang may kumatok do’n.

Mas napasimangot ako dahil inistorbo niya panonood ko ng TXT.

“Good morning, Ma’am!” nakangising bati sa akin nung lima. Kasama nila si Minky.

“Bakit nandito na naman kayo?” tanong ko pero nilakihan ko na ang bukas ng pinto.

Pumasok siya at prenteng umupo sa sofa. Si Minky naman ay sa table ko naupo.

“Bawal kami rito?” tanong ni Zild.

Napairap na lang ako at bumalik sa sofa dahil nanonood ako.

Sa ilang linggo naming magkasama ni Drei rito sa office ay palagi rin silang nandito. Nanggugulo sila na akala mo mga walang trabahong inaatupag.

“Kumain na kayo?” tanong ni Minky habang ginagalaw ang laptop ko.

Nakaramdam na naman tuloy ako ng gutom dahil sa tinanong ni Minky.

“Nagutom ako bigla,” sabi ni Austin at tumayo para pumunta sa ref.

“Ako rin,” sabi naman ni Jat.

Tumingin ako kay Drei na nakatingin na sa akin ngayon. Ngumuso ako at lumapit sa kaniya. Sumandal naman siya sa swivel chair niya at bahagyang inusog para maharap ako.

“Nagugutom ako,” nakangusong sabi ko pa rin.

Nilahad niya ang braso niya sa akin kaya lumapit ako sa kaniya. Niyakap niya ako sa bewang at tiningala.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon