50

598 36 1
                                    

“Wake up, sleepyhead.”

Nakarinig ako ng mahinang boses sa tainga ko at nakaramdam ako ng paghaplos sa pisngi ko kaya napadilat ako.

“Hmm?” nag-inat pa ako ng katawan.

Mukha ni Drei ang bumungad sa akin. He’s still wearing his specs. Ang gwapo niya talaga.

“Bakit hindi ka nahiga ng maayos?” tanong niya habang titig na titig sa akin.

Napatingin ako sa paligid. Wala na kaming kasama, kaming dalawa na lang ang nandito ngayon.

“Nasaan sila?” takang tanong ko.

Umayos ako ng upo. Nakatulog ako habang nakasandal sa sofa kanina. Masakit ang likod ko ngayon pati ang balikat.

“Tita’s office,” simpleng sagot naman niya at lumapit pa lalo sa akin.

“Kanina ka pa?” tanong ko sa kaniya.

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Parang kinakabisado ang mukha ko. Naiilang ako, sobrang gwapo niya talaga ngayon sa paningin ko.

He’s wearing white longsleeve na nakatupi hanggang siko, nakatuck-in and light brown slacks. Maging ang buhok niya ay hati sa gitna na talaga namang bagay sa kaniya lalo na at naka-specs siya.

“Why are you wearing too short dress?” mahinang tanong niya sa akin at mas nilapit pa ang mukha.

Konti nalang ang layo namin sa isa’t-isa. Nagkakadikit na nga ang ilong namin at naamoy ko na rin ang mabango niyang hininga.

Wala bang pangit sa kaniya?

“Nagmamadali ako kanina, hindi ko na napansin na ito pala nakuha kong maisusuot,” nakangusong paliwanag ko.

Napansin ko ang pagbaba ng paningin niya sa labi ko kaya umayos agad ako.

He chuckled.

“Let’s eat, sabi nila Jat kapag nagising ka raw ay kakain ka,” sabi niya at umayos na rin ng upo.

Napansin ko lang na may pagkain nga sa table na nasa harapan namin. May yakult pa kaya agad kong kinuha ’yon.

“Eat first, Sab,” maautoridad niyang sabi sa akin.

Kumuha ako ng isang slice ng pizza at mabilis kinain ’yon. Medyo napahaba siguro tulog ko kaya gutom na naman ako ngayon.

“Kain ka rin,” sabi ko sa kaniya.

Kinuha ko ang phone ko para magpatugtog. May wifi naman siya rito, makikiconnect ako.

“I’m full,” sagot naman niya sa akin.

Napabaling ako sa kaniya habang salubong ang kilay. Nakatitig lang siya sa akin habang nakasandal sa sofa at ang isang braso ay nakapatong sa sandalan kaya kapag sumandal ako ay magmukukhang naka-akbay siya.

“Anong kinain mo kanina?” tanong ko.

Umiling lang siya, nakatitig pa rin sa akin. Ano bang meron sa mukha ko at nakatitig siya?

“Just eat, Sab. Para mabusog ka,” tipid pa siyang ngumiti pagkatapos sabihin ’yon.

Tumango na lang ako at kumagat na muli sa pizza na hawak ko. Muli kong binalingan ang phone ko.

“Paconnect,” sabi ko at inabot sa kaniya ang phone ko.

Kinuha naman niya ’yon pero hindi naman nilagay ang password ng wifi. Taka ko siyang tiningnan.

“Kiss muna,” seryosong sabi niya kay mas lalong nangunot ang noo ko.

“Dali na kasi, manonood pa akong music video ng TXT,” nakangusong sabi ko.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon