39

343 34 28
                                    

"Good afternoon, Dr-Sir," bati ko.

Nandito na ako sa office, naabutan ko na naman sila ng fiancé niya. Worst is mas malala pa sa ginawa nila nung una.

"Good morning, Sab," bati niya rin pabalik.

Hindi na ako kumibo at pumunta na ako sa pwesto ko. Hindi ko rin sila tiningnan.

"Gotta go, honey, see you later," rinig ko pang sabi ni Xannie.

"Take care," mahinang sabi pa ni Drei.

Tinuon ko lang ang sarili ko sa laptop ko. May binigay na assignment sa amin para bukas, kailangan kong tapusin 'yon.

"Sab," pagtawag sa akin ni Drei pagkalabas ni Xannie.

Hindi ako lumingon pero kinausap ko siya.

"Coffee, Sir?" tanong ko.

Wala akong nakuhang sagot sa kaniya kaya hindi na muli ako kumibo.

"I'm sorry," bulong niya sa tainga ko.

Nakayakap na siya ngayon sa akin mula sa likuran ko at nakapatong ang baba sa balikat ko.

"Excuse me," umalis ako sa pagkakayakap niya at tumayo. "Ititimpla kitang kape," sabi ko nalang at tinalikuran siya.

"Sab," malambing niyang sabi na sumunod pala sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Bumibigat na naman pakiramdam ko, gusto ko na namang umiyak.

"Talk to me, please, baby," muling sabi niya at niyakap na naman ako.

"Pwede ba, huwag mo akong yakapin, matapos mong ihawak at idikit 'yang katawan mo sa fiancé mo, ngayon ako naman ginagan'yan mo," hindi ko na napigilang sabihin.

"Baby..." inabot niya ako pero umiwas ako.

"Andrei, kung ginagantihan mo ako, please, tigilan mo nalang, lalayo nalang ulit ako, hindi na ako magpapakita sa 'yo," seryosong sabi ko.

"Hindi kita ginagantihan, Sab, please, I told you to wait for me, baby," malambing na naman ang naging tono niya sa huli.

"Andrei, kahit hindi mo naman sabihin, ginagawa ko naman, hinihintay pa rin naman kita, pero kung ganito lagi kong makikita, kingina, hindi ko na alam," inis kong sabi.

Napatampal nalang ako sa noo ko. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

"Don't cry, baby." Lumapit siya sa akin pero lumayo ulit ako.

"You almost had s*x here, pinapaasa mo nalang ako, Andrei. If you have a feelings for her, go, I don't care anymore," mariing sabi ko at tinalikuran siya.

"Sab, it's not what you think, baby, please understand, hindi madaling makawala sa kasal na 'yon." Naramdaman ko ang yakap niya sa akin.

Walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Kingina naman, oo, umiiyak na naman ako dahil sa kaniya.

"Kitang-kita ko naman, halata rin naman, tama na, kung gusto mo siya, sige, hahayaan na kita, kung sa kaniya ka sasaya, sige, magiging masaya na rin ako sa inyo," mahinang sabi ko at kinalas ang kamay niyang nakapulupot sa tiyan ko.

"No, no, baby, please don't say that," tarantang sabi niya pa at mas niyakap ako.

"Let me go, Andrei," blankong sabi ko.

"No," matigas niyang sabi.

"Marry her, susupport pa kita, gawin mo pa akong abay sa kasal ninyo," sarcastic na sabi ko.

Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa mga sinasabi ko ngayon.

Okay lang siguro 'to, aalis na rin naman ako rito sa company nila.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon