44

345 31 7
                                    

Ang dami naming nalaman kay Tita at sa Mama ni Sab. What a small world, magbestfriend pala ang dalawang ʼyon.

Walang umiimik sa amin ngayon ni Sab. Nanatili kaming dalawa rito sa sala habang si Tita at Mama naman niya ay pumasok sa kwarto.

“Sab,” basag ko sa katahimikan. Tumingin lang siya sa akin. “You can tell me everything you feel right now,” dagdag ko pa.

She smiled.

“Honestly, I feel nothing,” sagot niya at iniwas niya ang tingin niya pagkatapos magsalita.

“I undestand, hindi biro ang mga nalaman mo kaya naiintindihan ko kung ganiyan ka man ngayon.”

Wala akong ibang masabi, Iʼm not good at this kind of situation.

“Eighteen years, ngayon ko lang nalaman na muntik na akong hindi mag-exist sa mundong ʼto,” natawa pa siya ng pagak sa sinabi niya.

I want to hug her tight right now. But instead of hugging her, I just hold her hand.

Her pretty eyes look at mine.

“Iʼm thankful because Tita did the right thing that time, hindi na niya inulit at pinagsisihan na niya,” I said and smile a bit.

“Naiintindihan ko naman, pinili ni Mama ang kaligayahan ni Papa kaya niya naisip na ipalaglag ako, na kapag nawala ako ay wala ng responsibilidad si Papa sa kaniya at pwede na silang magsama ni Maʼam.”

I can feel the sadness and pain at the same time.

Napatigil lang siya sa pagsasalita nung biglang lumabas si Tita sa kwarto.

“Rix, get your car, ang Tita Elen mo,” hindi magkanda-ugagang sabi ni Tita. Agad naman kaming napatayo dahil doʼn.

Mabilis pumunta si Sab sa kwarto. Ako naman ay mabilis pumunta sa labas para ayusin ang sasakyan.

“Saan ka, Rix?” tanong ni Zild nang makasalubong ko siya.

“Tita Elen is not okay, kailangan yatang dalhin sa Ospital,” I said and left him after that.

After kong ayusin ang car ay mabilis na akong bumalik sa loob.

“Sinabi ko sa kaniyang huwag na piliting sabihin pero matigas ang ulo, Rix, bilisan mo, buhatin ninyo ang tita Elen mo," mabilis na utos ni Tita.

Agad naman naming binuhat si Tita para madala sa sasakyan.

Pagdating sa Ospital ay pinapakalma ko rin si Sab. Masyado siyang stress kaya baka mapaano rin siya.

“Sab, please, calm down,” pag-aalo ko sa kaniya at pinunasan ang luha niya.

Kinwento ni Tita lahat ng nangyari. Kung saan nagsimula at hanggang sa may hindi na nga nagandang nangyari kay Tita Elen.

“I’m sorry but the patient is gone,” halos mabingi ako sa narinig ko sa doctor.

What more pa kay Sab. She’s now awake. Nahimatay siya kanina dahil na rin sa sobrang emosyon at pag-iisip sa mga nangyari.

Sumakto pa ang gising niya kung kailan sinabi ng doctor na wala na ang Mama niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Gusto kong kunin ngayon lahat ng sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ’to. Kung pwede lang.

“Sab, Tita is gone,” mahinang sabi ko sa kaniya.

Namamasa na rin ang mata ko dahil sa nagbabadyang luha.

Nagpunta kami sa kwarto kung saan naroon si Tita. Kinakabahan ako na baka mahimatay na naman si Sab dahil sa sobrang pag-iyak niya ngayon. Nakaalalay lang ako sa kaniya habang kinakausap niya ang Mama niya.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon