45

379 31 11
                                    

Natutulog ako ng mahimbing nung may marinig akong sigaw galing kay Austin.

“Rix!” kumatok pa siya sa pinto. He’s too loud.

“Rix! May mga pulis inaaresto ka!” sigaw rin ni Reid.

Ugh! What the hell are they doing here?

“Rix! Si Snop, bilisan mo!” rinig ko ring sabi ni Jat.

Doon na ako napabangon at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto at pababa ng hagdan. Muntik pa akong malaglag.

Sh*t!

“Where’s Sab?” mabilis kong tanong pagbukas ko ng pinto.

Hiningal ako sa pagbaba kaya habol ang hininga kong nakayuko ngayon.

“I’m here,” mahinang sabi niya.

Agad akong napatingin sa kaniya at mabilis siyang hinatak para yakapin.

D*mn! Akala ko may masama ng nangyari sa kaniya.

“Ay wow! Anong eksena ’to?” rinig ko pang tanong ni Minky pero hindi ko na sila pinansin.

Kumalas ako sa yakap kay Sab para tingnan kung may galos siya or something. Mabuti nalang at wala.

“Thanks, God!” nakahinga ako ng maluwag dahil do’n.

Pumasok na kami sa loob. Hinayaan ko sila sa mga gusto nilang gawin. Nagbuklat pa ng pagkain sa ref.

“Anong nangyari?” tanong niya sa akin pero umiling lang ako.

Nagpunta sa kusina ang mga kasama namin kaya naiwan kami ni Sab sa sala.

“You okay?” tanong ko sa kaniya.

“Ikaw dapat tinatanong ko niyan,” sabi naman niya at parang inis pa.

“I’m just fine,” I answered.

I was about to talk again pero pinitik niya ako sa labi kong may sugat.

“Sh*t! Why did you do that?” salubong ang kilay kong tanong sa kaniya habang nakahawak sa labi ko.

“Nahampas ka ng baseball bat tapos sasabihin mo sa akin na ayos ka lang? Ano ka, bakal? Bato? Walang nararamdaman? Nakakainis ka ha! Hindi ka nagsabi kung saan ka pupunta tapos mababalitaan kong nandito ka sa inyo dahil ano? Nahampas ka ng baseball bat, Drei, hindi biro ang nangyari sa’yo, tapos sasabihin mong ayos ka lang? Anong hindi ayos sa ’yo? Kapag sumabog na ’yang bungo mo?” dire-diretsong sabi niya.

Napahinga pa siya ng malalim dahil sa bilis ng pagsasalita niya. I am just staring at her.

She’s really cute. I wanna kiss those lips right now.

“I’m fine, baby,” mahinang sabi ko, may multo pa ng ngiting naglalaro sa labi ko. Tinago ko ’yon sa pamamagitan ng pagkagat ko sa sarili kong labi.

“Sige, aalis na kami, ayos ka naman pala, e,” sabi niya at akmang aalis sa sofa pero hinatak ko siya at niyakap.

“Why are you mad?” I whispered.

“I’m not mad, Andrei,” sabi niya at bahagyang umalis sa yakap ko.

Sumandal siya sa sofa at sa harapan tumingin.

“You are mad, baby,” I softly said.

“Bakit ako magagalit?” tanong niya at bahagya pa akong tiningnan.

She’s mad. I can’t hide my smile. She’s pissed.

“So you’re not mad?” tanong ko habang nakatitig sa kaniya.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon