“Sab, I want coffee,” sabi ni Drei na nakatutok pa rin sa mga papeles niya.
After nung nangyari sa pagitan namin kanina ay bumalik na kami sa trabaho. Hindi ko siya kinausap dahil sa huling sinabi niya sa akin.
I will always wait for him. I love him.
“Nakakarami ka na sa kape, Drei, baka naman mapasama na lagay mo n’yan,” sermon ko pa habang salubong na salubong ang kilay ko kahit hindi niya naman nakikita.
“Coffee is my stress reliever, baby,” sabi niya at sinulyapan ako. “Pffft, what’s with that face? You mad?” natatawang tanong niya pa.
Inirapan ko siya at pumunta na ako sa kwarto niya para itimpla siyang kape niya.
Kape na nga ang dumadaloy sa katawan niya hindi na dugo.
Tinagalan ko ang pagtitimpla ng kape niya. Wala lang, gusto ko lang siya. Harot potek.
“Here’s your coffee, Sir!” sabi ko at nilapag ang kape sa lamesa niya.
Parang hindi siya natatapos sa ginagawa niya. Ang dami pa nung mga papel na nasa harapan niya, parang hindi nababawasan.
“Thank you, baby,” sabi niya naman na hindi man lang ako nilingon.
Inirapan ko siya kahit hindi niya nakikita. Bumalik ako sa table ko na nasa tabi niya lang naman. Nagphone muna ako dahil wala pa naman siyang inuutos sa akin.
“So anong oras nga ang trabaho ko bukas?” tanong ko sa kaniya nung maalala ko na may klase ako bukas.
“Kung anong oras ka matatapos sa klase,” sagot niya naman.
Napaisip naman ako, start ng klase namin ay 8am hanggang 3pm, siguro mga 4:30 or 5pm ako pwedeng pumasok dito sa company nila.
“5pm,” simpleng sagot ko.
“Okay sure,” sagot niya naman.
“Hanggang anong oras?” tanong ko ulit.
“Until 5am,” mabilis niyang sagot na nakapagpalaki ng mata ko.
“Seryoso ka ba?” gulat pa ring tanong ko.
“Why? Mukha ba akong nagbibiro?” masungit niyang sabi.
“Ano ’yon, wala akong tulog gano’n?” hindi pa rin makapaniwalang sabi ko.
“You can sleep at my room, baby,” kaswal na sabi niya na akala mo wala lang talaga ang gano’ng set up.
“Baliw ka ba? Hindi pwedeng diyan ako matulog,” malakas kong sabi.
“Why not?” kunot ang noong tiningnan niya na ako.
“Gosh! Drei, daig mo pa sabog. Sabog ka ngang tunay,” napatapik sa noong sabi ko.
“Why? You will just sleep there, wala namang gagawing iba,” seryoso pa ring sabi niya.
“You have a fiancé, anong iisipin niya kapag nalamang may babae kang kasama rito?”
“Stop bringing her, Sab, palagi mong isinasali sa usapan natin ’yan,” tumaas na rin ang tono niya.
Nagulat ako, hindi ako nakaimik. Pinagtaasan niya ako ng boses.
“I told you I will talk to that, just wait for me, we will start again, I will gonna court you, again, Sab.”
Sa puntong ’to ay medyo mahinahon na ang tono niya pero ang mukha niya ay nanatili pa ring seryoso.
“5pm to 9pm, gano’n nalang, Drei. Hindi ako pwedeng magstay rito hanggang umaga,” mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.
BINABASA MO ANG
Taming the Jerk (Glamorous Series #1)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: July 17, 2021 Ended: August 30, 2021 How to tame a jerk? 1. Be close to him 2. Make him comfortable with you 3.Gain his trust 4. Make him fall inlove with you 5. Lastly, break his heart It's time to tame Ri...