From: Bruhildang Minky<3
D2 na aqOeH s4 l4BaS
Ang aga kong napamura dahil sa text niya. Kanina pa ako nakagayak dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa s’ya.
“Para kang tanga,” bungad ko agad sa kan’ya pagkalabas ko ng bahay. Tawa s’ya nang tawa.
“Nag effort akong magtype no’n,” katwiran niya pa.
“Alis na kami, Ma,” sabi ko at humalik sa pisngi ni Mama.
“Ingat kayo at mag-aral ng mabuti,” bilin niya pa sa amin.
“See you later, Tita,” paalam din ni Minky. Naunang sumakay si Minky sa kotse nila at sumunod naman na ako agad.
“May sasabihin pala ako.” Umayos ako ng upo at tumingin sa kan’ya, taka niya akong tiningnan.
“Ang agang tsismis naman n’yan,” sabi n’ya pero umayos din ng upo.
“Kunyari ka pa, tsismis nga bumubuhay sa sistema mo.” Inirapan ko pa.
Hinampas niya ako sa braso. “Dali na, ikwento mo na.”
“Sakit! Ito na nga,” hinilot ko pa ang braso ko. “Chinat ako ni Rix kagabi after nung call natin,” umpisa ko na.
“Anong sabi?” mas curious pang tanong niya.
“Kung pwede raw ba akong maging tutor niya.” Nanlaki naman ang mga mata niya habang sinasabi ko ’yon.
“Nagkataon lang ba o sadya? ʼDi ba naghahanap ka ng trabaho?” hindi maalis ang gulat sa mukha n’ya.
“Oo, naghahanap ako at sumakto pa ang chat n’ya.” Ang weird lang.
“Grab it, Bes. Mas mapapadali rin ang plano, two birds in one stone, may trabaho ka na, magagawa mo pa ang plano ninyo. Ang galing.” Pumalakpak pa sa tuwa ang bruha.
“Hindi ko pa alam, mag-uusap pa kami mamaya,” sagot ko na lang.
“Magkano raw?” excited pang tanong niya.
“2k per week daw.” Napa-O naman ang bibig niya.
“Grab it, shems! Ito na ang sagot sa problema mo, Bes!” parang mas excited pa s’ya sa akin.
“Mamaya pa nga kami mag-uusap ng maayos,” inis na sabi ko. Mabilis akong mairita kapag paulit-ulit kong sinasabi ang nasabi ko na.
“Ikalma mo,” natawa pa s’ya. “Pero seryoso, sayang ’yan, Bes.”
Napabuntong-hininga na lang ako.“Kailangan ko ng trabaho, hindi ako pwede sa iba kaya baka iyon na nga ang tanggapin ko.”
“Goodluck!” Nag hand gesture pa s’ya.
“Samahan mo kaya ako mamaya kapag nakipag-usap ako,” suggest ko.
“No, kailangan kayo lang para mas magkaintindihan kayo,” sabi niya na umiiling-iling pa.
“Hindi ko pa alam kung saan at anong oras kami mag-uusap.” Napatingin na lang ako sa harapan. Papasok na pala kami sa gate ng school.
“E, ʼdi itanong mo kapag nagkita kayo mamaya.” Umayos na si Minky. Handa na para bumaba kaya gano’n din ang ginawa ko.
“Bahala na nga.” Nang maka-park na ang sasakyan ay mabilis kaming bumaba ni Minky. Medyo marami na ang studyante sa labas, medyo nakakailang pero okay lang naman ’yon.
“Cafeteria muna tayo.” Umangkala agad s’ya sa braso ko at tinahak namin ang daan papuntang cafeteria imbes na papunta sa building namin.
“Hindi ka ba nag-almusal?” tanong ko habang kinokontrol ang lakad ko dahil natatangay ako ni Minky.
BINABASA MO ANG
Taming the Jerk (Glamorous Series #1)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: July 17, 2021 Ended: August 30, 2021 How to tame a jerk? 1. Be close to him 2. Make him comfortable with you 3.Gain his trust 4. Make him fall inlove with you 5. Lastly, break his heart It's time to tame Ri...