Manila
Finally, after ng ilang buwang paghihirap bilang 2nd year ay natapos na rin ako. Panibagong hirap na naman ang kahaharapin ko.
One month from now, twenty-two na ako. Gosh! Ang bilis nga naman ng panahon, parang kailan lang nangyari lahat.
Mama.
Ilang taon ka na ring wala sa tabi ko, Mama. Alam kong masaya ka ngayon dahil unti-unti ko ng nakukuha ang pangarap ko. Konting tiis nalang makakagraduate na ako.
“Snop!” malakas na tawag sa akin ni Minky.
Mabilis akong tumayo at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.
“I miss you!” natutuwang sabi ko habang yakap pa rin siya.
Nakipagkita ako agad sa kaniya pag-uwi ko rito sa Manila. Miss na miss ko na kasi siya.
Nagpaalam ako ng maayos sa mga kaibigan ko sa Batangas, lalo na kay Rocco. Malungkot siya nung nalamang tuloy nga ako sa pag-alis ko pero sinabi naman niyang baka makapunta rin siya rito. Hindi ko alam kung paano at bakit.
“Bruha ka! Hindi ka nagsabing uuwi ka,” nakangusong sabi niya at kumalas sa yakap sa akin.
“Surprise,” nakangising sabi ko naman.
Nagulat ako sa biglaan niyang pag iyak. Niyakap n’ya ulit ako at humagulgol na siya ng iyak.
“Tatlong taon, sis. Ang tagal nating ’di nagkita,” sambit niya pa.
Hinaplos ko ang likod niya. Pati ako ay naiiyak na rin dahil sa kaniya.
“Sorry,” nasabi ko nalang.
Nandito kami ngayon sa condo niya. Yes, may sarili na siyang condo, sana all diba.
“Okay na ’yon, ang mahalaga nandito ka na ulit,” sabi niya at kumalas na ulit.
“Yeah, aayusin ko lang ang mga papers ko, sa Glamorous na ulit ako,” nakangiting sabi ko naman.
“Ako rin, babalik din ako ro’n, tama na ’yung tatlong taong hindi tayo nagkasama ’no, kung saan ka, ro’n din ako,” nakangusong sabi niya pa.
Tumango nalang ako at naglakad papuntang kwarto niya. Inaantok ako, gusto kong matulog muna.
Pagkarating ko kasi sa dating bahay namin ni Mama ay binaba ko lang ang mga gamit ko at dumiretso na ako rito sa condo niya. Mabuti nalang nga at natandaan ko pa ’yung sinabi niya no’n kung saang lugar ’to.
“Can I sleep here?” tanong ko sa kaniya pero nahiga na ako sa kama niya.
“Sure, maghahanda lang akong hapunan, gigisingin nalang kita,” sabi naman niya.
Tumango nalang ako at ipinikit na ang mga mata. Mukha niya na naman ang nakikita ko ngayon. Mukha ng lalaking mahal ko.
Nandito na ako, magkikita kaya tayo?
“Si Snop ba ’yan?”
“Mas lalo siyang gumanda.”
“Gosh! Miss na miss ko siya.”
“Humanda sa akin ang babaitang ’yan, hindi nagpaalam.”
Nagising ako dahil sa mahihinang usapan. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa sakit nito.
“Gising na,” rinig ko pang sabi nila. Hindi ko pa naididilat ang mata ko dahil sa sakit ng ulo ko at antok pa ako.
“Ang ingay,” reklamo ko.
“Hoy! Snophie!” malakas na sabi ni Raya. Wait? Raya?
Mabilis kong dinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mga kaibigan kong babae. Kumpleto sila rito. Bakit sila narito?
BINABASA MO ANG
Taming the Jerk (Glamorous Series #1)
Romantik© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: July 17, 2021 Ended: August 30, 2021 How to tame a jerk? 1. Be close to him 2. Make him comfortable with you 3.Gain his trust 4. Make him fall inlove with you 5. Lastly, break his heart It's time to tame Ri...