40

418 33 33
                                    

Itinulog ko nalang lahat ng nararamdaman ko. Hinayaan ko sila Rocco na maiwan dito.
Hindi ko alam kung anong oras umalis sila Minky dahil nasa kwarto lang ako nung mga sandaling ’yon.

Rix Andrei Gomez: Sab, let’s talk, baby, don’t do this, please, aayusin ko lahat.

Chat ni Drei sa akin pero hindi ko pinansin. Marami pa ’yan hindi ko nalang binasa ang iba pa.

Hindi ko kumain ng hapunan at talagang pinanindigan ko ang pagkulong ko sa kwarto.

“Snophie Isabel Vera! Ano bang balak mo sa buhay ha? Ilang araw ka na hindi pumapasok, ginagawa mong miserable buhay mo, a!” sigaw sa akin ni Minky pagpasok niya sa kwarto ko.

Pangatlong araw ko ngayong hindi pumapasok. Hindi ako kumakain pero naliligo naman ako. Nagkukulong lang ako sa kwarto ko sa loob ng tatlong araw na ’yon.

“Inaantok pa ako, Minky, umalis ka muna,” iritang sabi ko sa kaniya at sumubsob pa lalo sa unan ko.

“Aba! Snophie naman, ano bang balak mo sa buhay?” hinampas niya pa ako kay mas lalo akong nainis.

“Gusto kong matulog, pwede ba ’yon? Lumayas ka muna rito sa kwarto ko at hayaan mo akong makatulog,” galit ko ng sabi sa kaniya.

“Ikaw pa galit ngayon, nag-aalala lang kami sa ’yo, napapabayaan mo na sarili mo pati pag-aaral mo, sige, kung iyan ang gusto mo, bahala ka,” galit ding sabi niya at padabog na umalis.

Malakas niya pang sinara ang pinto kaya mas lalo akong nainis dahil sa ingay no’n.

“Aga-agang mambulabog,” asar na sabi ko at natulog na ulit.

Nagising ako nung nakaramdam ako ng gutom. Alas singko na ng hapon pagtingin ko sa orasang nasa gilid ng kama ko. Ang tagal ko palang natulog.

“Ma’am Snop!” sumalubong si Ali sa akin paglabas ko ng kwarto.

Nilibot ko ang paningin ko. Lahat sila ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Kumpleto silang nakaupo sa sala.

When I say kumpleto, pati si Drei ay nandito rin.

“Buti naman at naisipan mo na lumabas ng kwarto mo,” inis na bungad sa akin ni Minky.

“Babe,” saway sa kaniya ni Reid na inirapan niya lang.

Wala akong pinansin sa kanila at pumunta na akong cr para maghilamos at magsipilyo.

Pumasok akong tahimik sila at gano’n pa rin paglabas ko. Parang pinakikiramdaman nila ang mga kilos ko.

“Bakit kayo nandito? Wala ba kayong mga trabaho?” tanong ko sa kanila.

Lumapit sa akin si Ali kaya naman sa kaniya ko tinuon ang atensyon ko.

“Meron, may trabaho kami pero mas mahalaga ka kaysa ro’n,” sagot ni Austin.

Napaangat ang tingin ko sa kanila. What the fudge? Seryoso ba siya sa naging sagot niya?

“Baliw na ba kayo?” pagak akong natawa matapos no’n.

“Ikaw ang baliw na ba? Ilang araw ka ng hindi kumakain at hindi pumapasok,” galit na namang sabi ni Minky.

I just shrugged.

Inakay ko si Ali papuntang kusina. Hinayaan ko silang lahat doon sa sala.

“Sabayan mo si Ma’am kumain,” sabi ko kay Ali na agad namang tumango.

Inupo ko siya sa upuan dahil hindi niya abot ’yon. Kumuha ako ng ice cream sa ref at dalawang kutsara para sa aming dalawa ni Ali.

“Snophie! Nanggigigil na talaga ako sa ’yo ha,” sabi ni Minky na kapapasok lang sa kusina.

Taming the Jerk (Glamorous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon