Pagkalabas ko ay bigla nalang tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako, sobrang sakit kasi mahal ko siya, e.
“Snop!” mabilis kong pinunasan ang luha ko dahil sa pagtawag ni Rocco sa akin.
Nakangiti akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Ito ang unang beses na nagkita kami rito sa Manila.
“Kanina ka pa ga?” tanong ko gamit ang pang Batangas na tono at pananalita.
“Hindi naman, medyo kararating ko laang dine,” nakangiting sagot niya naman. Gano’n din ang salita niya, ang cute nga niya kapag nagbabatangueño siyang tono, e.
“Tara na at ako ay gutom na, nakalimutan ko ngang magtanghalian, e.”
Naglakad na ako palapit sa kotse niya. Inalalayan niya pa ako papasok doon.
“Bakit hindi ka nagtanghalian?” tanong niya matapos pumasok sa driver’s seat.
“Nawala sa isip ko,” napapakamot sa kilay na sagot ko.
Napailing naman siya at pumalatak pa kaya medyo natawa ako.
“Ako nga’y huwag mong tinatawanan, Snop. Hindi magandang nagpapalipas ka ng gutom,” masungit niyang sabi.
Tumango nalang ako at hindi na umimik pa. Nakatingin lang ako sa harapan habang nasa byahe kami.
Ramdam ko ang paminsan-minsan niyang pagsulyap sa akin pero hindi ko nalang pinapansin.
Bumalik na naman sa isip ko ang mga nangyari kanina. Napabuntong-hininga nalang ako dahil do’n.
“Ma’am Snop!” nakangiting salubong sa akin ni Ali.
Nakangiti ko rin naman siyang niyakap. Ang cute niya talaga.
“Nandito na pala kayo,” sabi ko sa kaniya at inakay siya papasok. “Pasok ka, Rocco, huwag ka mahiya,” baling ko naman kay Rocco na nasa likuran ko.
“Hi, Snop!” bati sa akin ni Angela, naghahanda na sila sa hapag.
“Madaya ka, teka lang kasi!” Napalingon ako sa gawing sofa dahil do’n.
“Bakit kayo nandito?” salubong ang kilay kong tanong nung makita ko ang apat na kaibigan ni Drei.
“Bawal ba kaming pumunta rito?” balik tanong sa akin ni Zild at inagaw ang remote ng T.V kay Jatyr.
“Kasama namin sila kanina, ang iingay, dinaig pa ang kasama naming bata,” sabi naman ni Minky na tumutulong kay Angela sa pag-aayos.
“Sino ’yang kasama mo?” tanong ni Austin.
Napalingon ako kay Rocco na alanganing ngumiti sa akin. Hinawakan ko siya sa braso para makatabi siya sa akin.
“This is Rocco Amanuel,” pagpapakilala ko kay Rocco.
Napa-“Ohh” naman ang mga ito. Alam kong kilala na nila ’to dahil nasabi na yata ni Minky na manliligaw ko ’to.
“I’m Minky Victoria, bestfriend ni Snop,” pakilala ni Minky at nakipagkamay pa rito.
“I know you, madalas ka ngang ikwento ni Snop sa akin noon,” sabi naman ni Rocco na nakangiti pa kay Minky.
“Sana maayos ang nasagap mo tungkol sa akin,” birong sabi pa ni Minky.
“Maayos naman,” natatawang sagot nitong isa.
“I’m Reiden Domingo, boyfriend ni Minky,” sabi ni Reid at lumapit pa kay Minky saka ito hinawakan sa bewang.
Walang aagaw sa bebe mo.
“I’m Zildjan Marquez, pinakagwapo sa aming lahat,” sabi naman ni Zild.
BINABASA MO ANG
Taming the Jerk (Glamorous Series #1)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: July 17, 2021 Ended: August 30, 2021 How to tame a jerk? 1. Be close to him 2. Make him comfortable with you 3.Gain his trust 4. Make him fall inlove with you 5. Lastly, break his heart It's time to tame Ri...